Moment (Part 2)

1.4K 41 1
                                    

Panira talaga! Tsk!

"Panira? Wag ka nang mag alala aalis din naman si manong." Sabay tingin dun sa driver tapos umaalis na yung driver.

"Nakakahiya....." Bulong ko, sabay tungo, kasiiiii nangangamatis na ako dito grabe, wala nga lang akong color green.

"Bakit ka nahihiya?" Sabay hawak sa baba ko, tapos tinaas niya yung ulo ko, umiwas naman ako ng tingin.

"Kasi ano ehhh..." Mas lalo pang uminit yung mukha ko.

"Ano?" Tanong niya na dapat ko bang sagutin?? Sasagutin ko ba talaga dapat??

"Wala lang yun, wag mo na lang alalahanin, sige magpapalit na ako." Sabay kuha ng damit na hawak niya, iniwas naman niya yung kamay niya.

Tumayo siya at sinabing "Hindi ko 'to ibibigay sayo hangga't hindi mo sakin sinasabi kung ano yun." Ahh ganon ha.

"Mas lalong hindi ko sasabihin sayo kung hindi mo ibibigay sakin yan." Ano ka ngayon ha.

"Sabihin mo muna." Abay makulet.

"Ibigay mo muna." Ayan sige, ganyanan pala gusto mo ha.

Nagkulitan kami ng nagkulitan, takbo dito, takbo dun, masaya naman pala siyang kasama eh, hindi na siya laging naka-serious mode-on........ kinukuha ko sa kanya yung damit siya naman, nilalayo yung damit sakin.

Hanggang sa maupo siya sa sofa at ayun ako nakapatong sa kanya, ramdam ko na yung heartbeat niya, pati yung hininga niya, tapos yung mga mata niya kumikinang hanggang sa mapadiretso ako ng tingin dun sa labi niya nag lip bite naman siya.

Hala siya! Unti unti niyang nilapit yung mukha niya sakin hanggang sa nahalikan niya ako! Oo este hindi pala kasi may panira na umubo!

"EHEM!" At ang panira, yung may kasalanan kung bakit ako pinagbabato ng kamatis, itlog at binuhusan ng tubig kanina sa room, alam niyo naman kung sino sya di ba? Oo! Siya nga! Si Kiel nga! Tsk!!!

Bumangon naman ako at itinayo ko si Andrew, kinuha ko na yung damit sa kanya at padabog na nagpunta sa Comfort Room ng clinic, kaysa naman makita ko yung pagmumukha ng ugok na Kiel na yun!

Kiel POV.

Kagagaling ko lang sa canteen kasi katatapos ko lang kumain ng lunch ko, napadaan ako sa clinic at nakita ko si Andrew pati na rin si Kathrine. F*CK!!!! BAKIT SILA NAKAGANON?!

Isang malakas na "EHEM!" ang pinakawalan ko, para hindi matuloy kung ano man yung gagawin nila. Kung hindi ako napadaan sa clinic, baka nahalikan na ni Andrew si Kathrine.

Nung nakita naman ako ni Kathrine, kinuha niya agad yung hawak ni Andrew na naka-plastic at padabog na nagpunta sa Comfort room ng clinic.

Hinila ko si Andrew papunta sa labas ng clinic.

"Bakit kayo magkasama?!" Naiirita kong tanong.

"Ehh, ano bang masama kung magkasama kami?." Kampante niyang tanong na parang nang aasar pa.

"Ehh, ayaw kong magkasama kayo e!" Tinaasan ko na siya ng boses

"Eh bakit nga kasi ayaw mo?" Kampante pa rin siya sa pag sasalita.

"Wala ka nang pake kung bakit ayaw kong lumalapit ka sa kaniya!" Sabay hawak sa kwelyo niya "Pag nakita ko ulit kayong magkasama malilintikan ka na sa akin!" Nagtinginan kami ng masama, nakahawak pa rin ako sa kwelyo niya.

"Bitiwan mo siya!" Sabay lapit sa amin at tinanggal niya ang pag kakahawak ko sa kwelyo ni Andrew. "At bakit ayaw mo kaming magkasama ha?! Sino ka para umasta ng ganyan ha! Tatay ba kita, kuya o pinsan? Ano?!" Lumayo muna ako sa kanila at hindi ko sinagot ang tanong ni Kathrine.

Kitang kita ko sa malayo na aligagang aligaga siya kay Andrew. Pumasok uli sila dun sa clinic. Dumiretso naman ako sa Parking Lot para pumunta sa bar ni kuya, gusto ko munang maglabas ng sama ng loob, hindi na ako papasok sa Next Class ko, sus MAPEH lang naman yun.

Kathrine POV.

Habang nagbibihis ako narinig ko na sumisigaw si Kiel.

"Ehh, ayaw kong magkasama kayo e!" Nino? Kami ni Andrew bakit?

"Eh bakit nga kasi ayaw mo?" Sagot ni Andrew pero mukha namang hindi siya sumisigaw.

"Wala ka nang pake kung bakit ayaw kong lumalapit ka sa kaniya!" Hala! Kailangan ko nang bilisan baka nag reresbakan na yung dalawang yun!

"Pag nakita ko ulit kayong magkasama malilintikan ka na sa akin!" Lumabas na ako.

Nakita kong nakahawak si Kiel sa kwelyo ni Andrew, sabi na eh!

"Bitiwan mo siya!" Ano 'to action star lang ang peg ko?! Haha! Tas may hawak akong baril?! Hahahaha nilapitan ko sila at tinanggal ko ang pag kakahawak niya sa kwelyo ni Andrew.

"At bakit ayaw mo kaming magkasama ha?! Sino ka para umasta ng ganyan ha! Tatay ba kita, kuya o pinsan? Ano?!" Lumayo siya sa amin at hindi na sinagot ang tanong ko.

Pumasok na uli kami ni Andrew sa clinic. "Ano ayos ka lang ba? Binugbog ka ba nung mokong na yun ha?! Tara resbakan na natin!" Natawa siya sa sinabi ko, anong nakakatawa? Gagawin ko naman talaga yun e.

"Wag ka ngang mag alala! Ayos lang ako! Saka mas malakas pa ko dun no! Hindi ako kayang bugbugin nun!" Sabay macho sign, with matching taas kilay pa. Sabay naman kaming natawa.

"Pumasok ka na. Di ba last subject mo na. Math." Ay oo nga pala hindi na ako nakapasok sa ibang subject ko. "Ihahatid na kita.." Alok sa akin naman ni Andrew. Ngumiti naman ako at tumango.

Pagdating namin sa classroom, lahat ng kaklase ko ang sama ng tingin, mapababae o mapalalaki. Nababakla na ata yung mga lalaki sa kagwapuhan nitong kasama ko eh.

"Simula ngayon, lahat ng papatol, mang-aasar o mang-aaway kay Kathrine malilintikan sakin." Naks superhero ang peg. Yung mga kaklase ko naman sa Math, mga nag puppy eyes, yung iba tas yung iba naman nag mala-anghel yung mukha. Hayss

"Thank you..." Mahina kong sabi sa kanya..

"Your welcome..........
My Princess...."

Stupidly Inlove With A CheaterWhere stories live. Discover now