The RAMBOLAN

10 1 0
                                    

RESSY’s POV

“Bart, dalhin mo muna si Ate sa Clinic.”

Dali-dali namang inakay ni Bart si Ate papuntang Clinic.

Tumingin ako na nanlilisik ang mata ko kay Adrian. Biglang umatras ang loko.

“IKAW!”

Dinuro ko naman sya.

“LALAKING MANLOLOKO KA AHH.”

“Aray.aray.Ressy.”

Sinabunutan ko nga.

“PAGBABAYARAN MONG PANLOLOKO MO SA ATE KO. DAPAT NOON PA KITA KINALBONG LALAKI KA! PAG MAY NANGYARING MASAMA SA ATE KO. KUKUTSARAHIN KO YANG MGA MATA MOOOOOOOOO!!”

Kahit marami nang nanunuod samin. Panay parin ako sa paghila sa mga buhok nitong ULOL na to.

“Wag mong saktang ang Baby ko!”

Akma namang lalapit yung babaeng PAYASO. Kapal ng KULAY sa muka eh.

“Sige,lumapit ka. Mabubungal ka talaga. Susuntukin kita!”

“ARAYYY. BALIW KANA RESSY. BITAWAN MO ANG BUHOK KOOO!!”

Pinipigilan naman ang ng mga estudyante. Hinahawakan na nga nila ako ngayon eh. Puchahamnida! Papatayin ko pa to. Mga pakialamero’t pakialamera. >_<

“Sisipain ko yang bibig moo!!!!”

Sumisipa-sipa pa ako.

“Wag nyong tulungan yang manlolokong yan!!! HE! Bitawan  mo nga ang balakang ko Raymundo. Okay na. OA ka masyado. At IKAW!!”

Dinuro ko na naman ulit si Adrian gung-gong na to.

“Umalis kana at wag kang magpapakita sakin at sa Ate ko kung gusto mo pang mabuhay! MALIWANAG? Gold digger! Break na kayo ng Ate ko! Magsama kayo ng MOUTH-EATER mong haliparot na KULANG NALANG MAGHUBAD DITO SA MGA HARAP NAMIN!Biskwet!”

At naglakad na ako paalis. Mabuti at di na pumalag ang mga loko.

“Ressy!”

Tawag ni KURDAPYO pagkalapit nya sakin. Di ako sumagot.

“Ressy,grabe ka ahh. Nakikita ko pa mga buhok nung Ady sa sahig ahh. Kita ko rin kung gaano ka takot  yung Adeline sayo. Walang magawa eh. Hahaha. Pag ako nagkagirlfriend ayaw kong maganon. Nakakahiya. Oh ito na gatas mo. Hahaha.XDD”

Kakastress.

“Gusto mong masubukan? Ha? Wag ka magpakabaliw ngayon. Mainit ulo ko! Hmmp!”

Kinuha ko naman sa kamay nya yung gatas ko at ininom ko na.

Papunta na kami ngayon sa clinic. Ang hina pala nung Ate ko na yun eh. Niloko lang ng isang walang kwentang lalaki. Hinimatay na agad. Tsk.

“Nurse, kumusta na po yung hinimatay kanina?”

“Puntahan mo nalang dun sa room#2.”

Ay,tupakin din tong nurse na to eh. Sabi ko kumusta. Ipapapunta badaw ako sa kwarto ni Ate.

“Okay PO!”

Diniinan ko nga pagkakasabi ko ng PO.Pumunta na agad kami ni Kurdapyo dun sa kwartong tinuro ng nurse samin.

*TOK TOK TOK*

“Pasok”

Sabi ng boses sa loob. Kaya pumasok na kami ni Kurdapyo.

“Oh,Ressy. Kumusta na yung Ady?”

“Patay na. hahahaha!”

Sagot naman ni Kurdapyo kay Bart.

“Hala?”

Lokoret talaga din to minsan si Kurdapyo.

“Baliw na yan.”

Sabi ko nalang.

“Kumusta na nga pala yung babaeng nakahiga dito?”

Tanong ko kay Bart.

“Ipapagpahinga na muna daw sya sabi ng nur---“

Natigil sa pagsasalita si Bart ng biglang umupo ng tuwid si Ate sa kama nya.

“Hoy Teresita! Kelan ka pa natotong di ako tawaging Ate ahh!”

Galit nyang sabi sakin.

“Ngek.”

Sambit nalang ni Kurdapyo at Bart.

Gulat na gulat kaming tatlo kasi bigla-bigla ba naman umupo ng tuwid sa kama.

“Ateng,nakakagulat ka ahh.”

Sabi ni Kurdapyo kay Ate.

“Aray.”

Dahan-dahan naman syang humiga sa Hospital Bed tsaka iniinda ang sakit ng ulo nya. Yan kasi.

“Tamo to. Baliw talaga. Tsk.”

“Umayos ka nga dyan Ressy kung ayaw mong hablutin ko yang bibig mo.”

“Oo na po. Kumusta na pakiramdam mo Ate?”

Tinanong ko nalang sya.

“Medyo okay na pero te---“

“Wala na kayo nung Ady mo ahh. Break na kayo. Wag mo nang hanapin pa yun. Ikaw kakalbuhin ko.”

“Oo na. May tiwala ako sayo Twin Sissy WILAB.”

At ngumiti si Ate sakin. The sweetest smile na pinakita nya sakin.

“Ayos. Bart punta ka ngayon sa bahay ahh. Dun ka na magdinner. Itetext ko nalang si Manang Edang, Ate. Ako na bahala sa mga problema natin ngayon. Kasi sure akong ipapatawag tayo sa Guidance at Principal Office.”

At nagsmile lang din ako kay Ate.

"Magpahinga kana muna Ate,bibili lang kami ni Kurdapyo ng makakain.

At lumabas na nga kami ni Kurdapyo.

“Ang galling natin Ressybaby ahh.”

“Nameen,tara na nga. Ambagal mo. Hahahaha.”

(A/N:Vote and Comment po kayo ^_^,sorry kung maikli lng UD ko. ^_^)

THE CRAZY DUO*SHORT STORY*by Dreamhigher26Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon