Ang Lalaking Naka-earphone.

2K 30 11
                                    

Authors Note: Itong storya na ito ay idedicate ko kay FragileHeart26. O ayan ha? HOHOHOHOHOHOH. Favorite reader ko kasi siye eh. Hahahaha sana magustuhan mo ito :*

------------------------------------------------------------------------------------

May minahal akong lalaki na palaging kong katabi tuwing sasakay ako sa jeep para makapunta sa school at saktong alas sais ng umaga ko lang siya makatabi o makapareho ng jeep na masakay. Kaya kung lalagpas ako ng alas sais ay hindi ko siya makita o makatabi sa isang jeep. At tuwing nangyayari iyon ay parang may parte sa puso ko na nalulungkot. Ewan siguro type ko nga siya o crush, palagi kasi itong naka earphone kapag nakikita ko siya, hindi ito nagsasalita at hindi din ito tumatanggap ng pamasahe para ibigay sa driver ng jeep. Minsan nga marami nang nagagalit sa kanya o naiinis dahil hindi man lang kunin ang pera.

Naalala ko nga nuong pumaparaan ako sa kanya para lang mahawak ang kamay niya.

Binigay ko ang pamasahe sa kanya para ipasa sa driver  pero laking gulat ko na hindi niya ito tinanggap instead tiningnan lang niya ako na parang wala lang. Aishh suplado nga kaya ibinigay ko nalang ito sa ibang tao.

Ayun nga suplado siya. Ewan lang pero merong parte sa puso ko na nagsasabi na 'hindi siya suplado maniwala ka'. Pero sa actions niya parang suplado siya eh.

Heto na naman kasabay ko naman siya. Tinitingnan ko lang siya at sya pokerface na naman. May nagpasa sa kanya ng pamasahe pero hindi na naman niya eto tinanggap. Sayang lang talaga ang kapogian niya.

"Eh nakakainis kang bata ka ha?!!" bulyaw nang babaeng matanda na nagpasa ng pamasahe.

"Bigay niyo nalang po sa akin. Ako nalang po ang magpasa." sabi ko sa ale.

Binigay nga ito ng Ale sa akin pero panay salita pa ito na nakakainis daw ang lalaki. Tiningnan ko ang lalaki pero parang wala siyang alam at parang nagsasabi ang mata niya na "salamat".

Ano nga bang problema nito.

Isang araw, may nahulog siyang papel ng bumaba siya. Una kasi siyang bababa sa akin eh. Kinuha ko nalang ito at binasa ang nakasulat sa pael.

Isang address ang nakasulat nito. Iniligay ko nalang sa bag ko iyon at itinago. Ibibigay ko nalang ito kapag nakita ko ulit siya.

After kung nakita ang address na iyon ay hindi ko na din siya nakita. Sobrang lungkot ko nun. Ewan, siguro mahal ko na iyong lalaking iyon. Bakla ako eh kaya ganoon pero hindi naman ako dumadamit ng pambabae. Simple lang ako.

After 2 weeks na hindi ko siya nakita ay parang gumuho na ang mundo ko kaya nakapagdesisyon akong puntahan ang lugar na nakasaad dito sa papel.

Sumakay na ako ng kotse at ipinakita ito sa driver, hindi ko kasi alam ang lugar na ito.

Nang huminto ang taxi ay lumabas na ako at bumungad sa akin ang napakagandang bahay. Nasa subdivision ako.

Nagdoorbell muna ako at pagkatapos ay bumungad sa akin ang isang matandang ale. Siguro maid ito dito.

"Iho, anong kailangan mo?"

"May ipapakita sana ako" sabay pakita ng papel na nakita ko.

"Ah kay Sir Lance ito." sabi niya.

So Lance pala ang pangalan niya.

"Hali ka pasok ka. Nandito si Madam iyong ate niya. Wala kasi ang magulang nila iho nasa ibang bansa"

Pinapasok ako ng Ale at bumungad sa akin ang napakagandang babae, para siyang anghel.

"Hi po. Isasauli ko lang po ito kay Lance. Nawala kasi niya eh. Alam kung hindi ito gaano kahalaga" at ibinigay ko ito sa kanya.

Ngumiti ito. "Mahalaga ito sa kanya"

Mahalaga? Eh papel lang ito eh at nakalagay ang address ng bahay nila.

"P-po?"

"Alam kung naguguluhan ka. Bingi kasi ang kapatid ko, at itong papel na ito ay ipapakita niya sa driver para makauwi siya."

Kaya pala. Hindi niya pala kami naririnig at hindi siya nakapagsalita. Nagkamali ako at jinudge ko siya nang hindi ko alam ang dahilan.

"Bakit po siya nag-e-earphone kung sa gayon hindi po siya nakakarinig?"

"Para hindi siya kaawaan ng tao at para hindi nila ito nalaman na bingi pala ito. Matapang si Lance at hindi niya gustong kinakawaan" ngumiti ito.

Iyon pala ang dahilan kung bakit nag eerphone siya? Life is unfair really unfair. Kung pwede ko lang idonate ang hearing sense ko ay matagal ko na itong ibinigay sa kanya. Siguro mahal ko na talaga siya kaya ganito ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko ding marinig niya ang napakagandang himig ng musika at himig ng kalikasan.

WAKAS

DIFFERENT FACES OF LOVE [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon