His Last Words...

494 12 0
                                    

His last words...

Ako mahal mo? Nagpapatawa ka ba? Isa ka sa hinahangaan ng nag-gagandahang kababaihan at binabae at dito ka babagsak sa akin? Sa akin na walang ginawa sa buhay kundi gustong patayin ang sarili? Tapos binabae ako? Mahal mo pa din ako?

Nagpapatawa kaba?

Ewan ko lang sa iyo kong bakit ka nahulog sa akin?

Marami akong bisyo, nandiyan ang sigarilyo, alak, drugs at iyang pagtatalik tuwing gabi sa iba't ibang lalaki.

Gusto kong mamatay.

Mahal mo pa din ba ako?

Hindi ka bagay sa akin!

Doon ka nalang sa babaeng humahanga sa iyo ng todo todo.

Oo, inaamin ko na type kita pero you're too perfect

for me.

Ikaw na sobrang bait, sobrang talino, sobrang yaman, walang bisyo, napakaswurte sa buhay, busog sa pagmamahal ng magulang, makakamit mo ang iyong pangarap o inaasam mo at ikaw na parating nakangiti dahil sabi mo kapag nakangiti, hahaba ang buhay mo.

Tapos ako? Kabaliktaran mo.

Kaya hinding hindi tayo bagay?

Bakit ako ganito?

Eh sino ba naman hindi magkakaganito kung wala ka ng pamilya.

Wala ka ng pag asa sa buhay.

Napakahirap mo.

Nirape ka ng paulit ulit ng kinikilang tiyohin mo iyon pala hindi at iyon ang pumatay sa magulang mo.

Eh sino bang gustong mabuhay niyan?

Ikaw, tatanungin kita Mark, bakit mo ako minahal? Bakit mo minahal ang makasasalang nilalang at walang ginawa kundi gumawa ng mali?

Pero bakit? Ang kulit kulit mo? Bakit kinukulit mo akong magbago? Bakit gagawin mo ang lahat mapasaya mo lang ako at mabago mo lang ako? Bakit parati mong sinasabi sa akin na masarap ang buhay?

Gusto kong magpatiwarik ba pero parati kang susulpot para pigilan ako.

Hindi ko alam Mark kung anong nakita mo sa akin?

Ano nga ba?

Gusto kong malamin kung ano.

Gusto ko.

Pero mapagbiro ang tadhana.

Minahal kita, minahal na kaya kong baguhin ang sarili ko para lang sa iyo.

Pero, mapaglaro din ang tadhana.

Nang minahal na kita ay ikaw na ang lumayo.

Siguro, napagod kana no?

Siguro, hindi mo na kinayanan ang ugali ko.

Siguro ganyan diba?

Ako na naman ang naghahabol sa iyo at ikaw naman ang umiiwas.

Noon, kabaliktaran ito eh.

Ikaw ang humahabol sa akin tapos ako naman ang umiiwas.

Umiiwas dahil natatakot ako.

Natatakot akong mahalin ka dahil noon pa man ay gusto na kita pero pinigilan ko.

At iyon nga minahal na kita, minahal na kitang lubusan at iyon ay ngayon.

Gusto kong sumigaw at sabihin sa iyo na "Nagbago naman ako Mark ah, bakit ka umiiwas? Bakit?"

Pero wala akong lakas na loob na gawin iyon.

DIFFERENT FACES OF LOVE [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon