Sorry...

1.5K 20 16
                                    

Akala ko siya na talaga pero hindi pala sadyang mapagbiro lang talaga si Kupido at ako pa talaga ang naiisipang paglaruan. Akala ko mahal niya din ako pero sadyang ang assuming ko lang talaga. Naniwala ako sa mga salita niya. Ayun nahulog tuloy ako at tingnan mo ako ngayon nagkasugat sugat ang puso ko. 

Naranasan mo ba iyong tipong kakantahan ka niya at ikaw naman nakahiga sa lap niya? Naranasan mo ba iyong tipong yayakapin ka lang bigla sabay sabing "ang bango talaga ni babe ko"? Naranasan mo na ba na palagi kayong naghahang-out kasama ang cousin niya then at the same person ay bestfriend-classmate ko? Naranasan mo na ba na kasama mo siyang matulog sa iisang kama? Naranasan mo na ba iyong sinasabihan ka ng mga sweet na salita? Dahil ako, naranasan ko lahat iyan sa kanya kaya heto ako ngayon nahulog sa kanya at nasaktan. 

Naalala ko pa nga iyong sinabi ng cousin niya-bestfriend-classmate ko sa akin. Ganitong ganito ang eksena, nasa kuwarto kami, wala siya noon kasi naglalaro siya ng basketball sa gym kaya heto kami ngayon ni bestfriend nagkuwekuwentuhan ng biglang naging topic namin siya. Hindi naman awkward sa akin dahil alam naman niya ang mga actions namin. Nagambala ako sa sinabi niyang "Oy may crush si Wade sa iyo sabi niya sa akin. Ayeee may lovelife kana Jay. I'm so happy for the both of you" Wade kasi pangalan niya at Jay naman ako. Kitang kita ko sa mata niya na kinikilig siya. Pero ang isinagot ko lang ay "Tumigil ka nga Shey." sabi kong ganyan sa kanya at oo Shey pangalan niya. Nag-iba ako ng topic pero sadyang bumabagabag sa isipan ko ang sinabi ni Shey. Umasa ako sa salitang iyon. Dahil alam kong may pag-asa ang one sided love story ko. 

Pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Ng nagbukas na ang klase ay nasa public school ako at ikaw naman nasa private school sadyang gusto ko lang talaga ang public school. Nawalan na tayo ng time na nakibonding at naghahangout. Kapag weekends naman ay wala din akong time dahil ang dami kong gagawin nasa DOST Section kasi ako. Pero walang oras na hindi kita naalala. Ang mga tawa mo, mata mo, boses mo at lahat ng nasa iyo ay naalala ko pa at laging tumatatak sa isipan ko. Sadyang ganoon na nga kita kamahal. At pati communication natin naputol na, nawalan din kasi ako nang time na nakapagFACEBOOK at text. Sadyang ganoon lang kahirap maging nasa DOST Section.

Kaya noong free ako ay nag GM ako na free ako pero sadyang nagulat ako sa reply mo. Ganitong ganito iyon, "Sino po kayo?". Tatlong salita lang iyon pero parang ang sakit sakit na. Ewan kahit ganyan lang iyan kahit isipin mo pang OA ako. Sadyang ganyan lang ang nararamdaman ko. Ewan parang binuhusan ako ng malamig na tubig at may bumulong sa akin ng "Itigil mo na itong ilusyon mo na ito baka masaktan ka ng sobra". Pero hindi ako nakinig sa nagbulong sa akin kaya nagreply ako at sinabing "Ouch Wade ha?! Si Jay ito." Sana naman ay may maganda siyang dahilan para naman maibsan ang sakit sa puso ko pero parang gusto nang tadhana na saktan talaga ako. Nagreply ka noon at sabi ng "Jade? Last name please." Ewan parang ang daming Jade sa buhay niya pero sadyang nagkapit pa din ako at nagreply ng "Jade Lastimosa :)". Pero parang ang sakit lang ng reply mo, alam mo kung bakit dahil ganito ang reply mo sa akin, "Sorry ha wala kasi akong kilalang Jade Lastimosa". Bakit ganyan ka? Siguro naman ay di na si Wade ito kaya nagtanong ako, "Si Wade ba ito?" pero ang reply mo ay "Oo." 

At sa reply mong Oo ay parang tumigil ang mundo ko at sinaksak ang puso ko ng isang libong patalim. Ganyan na ba sa iyo para kalimutan ang lahat? Ewan para akong tanga sa oras na iyon. Ewan, umiyak lang ako ng umiyak.

Sumapit na ang Linggo. Alam kong sisimba siya sa oras ng alas kuwatro kaya naisipan kong kausapin siya. Alam kong ang laking tanga ko sa oras na iyon pero wala akong magawa eh gusto kong malaman kung anong ibig sabihin sa text mong iyon.

Natapos na ang misa kaya napagdesisyon kung puntahan ka sa park dahil malapit lang naman ang park dito sa simbahan at alam ko din na nandoon ka. At hindi nga ako nagkamali dahil nandoon ka. Kinuha ko ang kamay mo at kinaladkad patungo sa private na lugar. Kita kong lumaki ang mata mo pero wala akong magawa gusto kong maging manhid sa mga text mo kaya ginawa ko ito.

"Wade, ano bang ibig sabihin ng text mo?" sabi kong ganyan. Pinakalma ko muna ang boses ko dahil alam kong iiyak ako.

"J-jay? Sorry, sorry, sorry" sabi mong ganyan. Paulit ulit mong sinabi ang salitang "sorry" pero naguguluhan ako.

"Sorry?" 

"Oo sorry. A-a-ayaw na kasi kitang ma-ma-kita pa eh at makasama. Ayaw na kitang maging kaibigan o kahit anong parte sa buhay ko. Ayaw ko na ayaw na ayaw bakla ka eh. Sorry ha" tapos yumuko ka.

Ewan parang gumuho na talaga ang mundo ko. Sadyang ganoon lang ba iyon? Parang ewan, gusto kong magalit sa iyo pero hindi ko magawang magalit sa iyo. Ano ba kasing nasa iyo at mahal na mahal kita?!! 

"At please lang huwag ka ng magpapakita sa akin at guluhin ang buhay ko" 

Guluhin? Ginulo ko ba ang buhay niya? Hindi ako sumagot. Pinasok ko lahat sa utak ko ang sinabi niya. Napakaling gago ka Wade! Kaya ang ginawa ko ay...

*plak*. Oo sinampal ko siya at pagkatapos ay tumakbo ng tumakbo. Ewan, hindi ko alam kung saan ako pupunta. At biglang umulan ng napakalakas. Sadyang nakiramay sa akin ang panahon. Hindi ako sumilong, tumakbo lang ako ng tumakbo. Gusto kong mamatay na. Gusto kong makalimot na. Ewan parang ang sakit sakit lang ng ginawa niyang iyon. Bakit ganoon lang kadali niyang masabi iyon. Gusto ko siyang sampal sampalin at maghiganti pero may parte sa puso ko na hindi ko kayang gawin iyon. SIguro pinaasa lang niya ako. Bakit nga ba bakla ako? Kaya ba niya ito ginawa dahil bakla ako? At napakalaking kasalanan ko na ito? Bakit ba? Bakit Wade!

WAKAS

DIFFERENT FACES OF LOVE [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon