Mahal kita, bata.

771 14 7
                                    

Napangiti nalang ako sa aking naalala. Parati nalang akong ganito kapag naalala ko siya. Ewan parang baliw na yata ako. Pero first crush ko siya. At siya din ang dahilan kung bakit nalaman ko ang aking kasarian na heto ako isang sirena, at huwag ka ibahin mo ako sa mga malalanding bakla diyan na grabi lang kung makasuot ng pambabaeng damit. Pweeee! Nakakasuka! Sakit sa bangs! Dejoke lang wala akong bangs. At dejoke na hindi ako nasusuka kapag nakakita ako na ganyan na bakla. Ewan ko nga ba sa sistema ko kung bakit ako nandidiri eh bakla din naman ako. Siguro dahil simple lang ako. Walang kakiyeme kiyeme. Lalaki sa appearance pero babae sa loob. Pero sabi daw nila babaeng babae daw ang mukha ko at walang bahid na pagkakalalake sa katawan ko. Pero Di ako naniwala diyan. Huwag sila hoooy! Mahirap lang kami wala akong mabibigay na piso! Hohohohoho.

Balik tayo sa naalala ko, siya ang lalaking nakilala ko sa park noong bata pa ako. Siguro, 10 na siya at ako naman 5. Napakaguwapo niya grabe. Iyong mata niyang sarap titigan, iyong ilong niyang sarap inose to nose, iyong lips niyang sarap halikan. Pero siyempre di ko iyan inisip noong bata ako. Bergen pa ako noon at siyempre kahit ngayon na 16 na ako. Pero sadyang crush na crush ko siya noon siguro love na ang nafeel ko ngayon.

Naalala ko nga noong nasa park ako. Magisa lang ako noon ng bigla siyang sumolpot. Ngumiti siya sa akin at siyempre ngumiti din ako. At iyong ngiti na iyon ay doon ako nahumaling.

Sabado at Linggo ko lang siya makikita sa park na iyon. Ewan, parati naman ako doon eh. At parati din akong naglalaro sa park na iyo kaya kapag nagtatanong ako sa Mama ko kung Sabado na ba o Linggo ay tumalon ako sa tuwa. Siyempre makikita ko na siya.

Nagmamadali nga akong pumunta ng park at di nga ako nagkamali. Naglaro na naman tayo ng walang humpay. Tawa doon, takbo doon, tago doon at kahit ano ano pa. At ang tawag mo sa akin noon ay BATA at ako naman ay KUYA.

Pero isang araw na Sabado ay di kita nakita at hanggang sa nagkasunod sunod na Sabado na hindi kita nakita. Umiyak ako noon. Wala akong kinausap. At naiinis ako sa iyo noon, ewan ko nga ba kung bakit. Kahit hanggang ngayon di na kita nakita.

Pero hanggang ngayon hinahanap pa din kita. Pero ewan ko na sa akin di na ako bumalik sa park na iyon kahit gustong gusto ng katawan ko pero sadyang ayaw ng isipan at puso ko. Kahit malakad lamang ng tatlong streets lamang iyon. Pero ayaw ko lang talaga.

Ng biglang naalala ko ang number one na sumisira sa araw ko si Keiffer. Siya iyong taong gustong gusto akong ipalabas ang aking masamang ugali kasi nakakainis siya!!!!!!!!!!!!! SOBRAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Aisssssssssssshhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!! GUSTOOOOOOOOOOOO KOOOOOOOOOOOOO SIYANGGGGGGGGGGGGGGGGG PATAYIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNN!!!!!!!!!!!!!!

Heto na naman ako sa classroom namin, makikita ko naman ang impakto na iyon dahil may kaibigan siya na classmate ko kaya UGHHHHHHHHH!

DIFFERENT FACES OF LOVE [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon