Elle's
Chapter 1
Life is unfair. Hindi lahat ng gusto natin kaya nating makuha. Malungkot pero kailangang tanggapin. Hindi naman laging tayo yung talo, tayo yung mawawalan. Pero bakit sa akin ako lagi ang talo, ako lagi ang nawawalan. Paulit ulit na lang ba? Di na ba mababago?
~
"Elle!"
May tumatawag ba sakin?
"Elle! Elle! Look at your back!"
Okay, may tumatawag talaga sakin. I looked at my back and there I saw my one and only girl best friend together with my one and only guy best friend. Oh my gosh! I miss them!
Tumakbo agad ako sa kanila at yumakap. Tatlong taon ko silang hindi nakasama! Sa Singapore kasi ako nagtatrabaho at tatlong taon na ako doon. Swerte nga kasi na assign ako dito sa Pilipinas. It's good to be back!
"I miss you two! Nakakaiyak." Umarte akong nagpupunas ng luha. Ganto talaga kami mga baliw.
"Luka! Parang hindi tayo nagiiskype no? Pero nakakamiss naman talagang makita yang muka mo nang personal at balik curly hair ka na ngayon." Napangiti naman ako sa sinabi ni Louis. Hindi na kasi nakakapagskype ng ilang buwan na din busy kaming tatlo sa sarili naming mga trabaho kaya di nila nakikita ang hair ko.
"Oo nga namiss ko yang curly hair mo girl! Oh ano dito ba tayo magkukwentuhan? Di tayo nakaharang sa daan in fairness." May point si Alli. Nakaharang nga kami sa daan. Namiss ko lang talaga tong dalawa na to kaya di ko napansin.
"Tara na nga. Tulungan niyo ako sa bagahe ko di ako si superwoman." Natawa naman silang dalawa.
"Oo na tara dami pa nating pagkukwentuhan! Chikanes!" Nagtatawanan kaming umalis at sumakay sa sasakyan.
~
Nandito ako sa bahay ng mga magulang ko. Old house. Old room. Nothing has changed. Nakakatuwa at walang nabago sa kwarto ko. Ang nabago lang naman sa bahay namin ay konti nalang ang nakatira. My brother and my sister already had their own families. Ako na lang ang natitira. Bata pa naman ako kaya no pressure.
"Elle may bisita tayo. Labas ka na diyan." Sino naman kaya ang bwisita. Kidding, pero sino naman nga kaya? Wala namang nabanggit si mommy na may dadating.
"Okay Mom, coming!"
Lumabas kaagad ako ng kwarto at dumeretso sa sala. I was surprised.
"Welcome back Elle!"
My brother and my sister is here together with their families. Wow, just wow. They both hugged me. I missed them.
I look at everyone, the wife of my brother and their cute little boy. The husband of my sister...and their twin daughters.
"Jack! Long time no see!"
"Yeah." Then he just smiled.
He's my ex-boyfriend and now he's my sister's husband. We lasted for a year but he fell out of love. Mas matanda siya sakin ng dalawang taon. We dated when I was in first year college. Matagal na din yun ngayon friends na kami. He fell out of love kasi nainlove siya kay ate. Ate doesn't know about our past. Hindi ko kasi siya pinakilala sa pamilya. Nagulat nalang ako ng ipakilala siya ni ate. We decided na wag nalang sabihin. Past is past naman na.
"Wala ba kaming pasalubong diyan?" Si kuya talaga ang hilig sa libre.
"Syempre meron! Lalo na sa cute na cute na mga chikiting niyo. Pakiss nga si tita."
Lumapit naman sakin yung tatlo at kiniss ako sa pisngi. I smiled at them then kinuha ko na yung mga pasalubong.
We spend the whole day chatting and bonding with each other.
"Elle, punta ka sa birthday ko ha?"
"Syempre naman kuya. Tatanda ka na naman matatawanan na naman kita. Saan ba ang celebration?" Nakangiti kong sagot sa kanya.
"Tse!" Sabay irap. Nagmuka tuloy siyang bakla kaya napatawa kaming lahat. "Sa bar ng kaibigan ko. Di pwedeng di pupunta!"
"Pupunta nga ako! Sasama ko friends ko ha. Kanino bang bar?"
"Kay Ian yung kapatid ni Kurt?"
Napatigil ako bigla. S-sa kapatid ni K--kurt?
"Hoy! Natulala ka diyan. Basta punta ka ha. Aalis na kami bye. Babe! Tara na!"
"Ahh.. Sige bye kuya! Balik kayo!"
OMG! As in Kurt Ian Cruz Alfonso? OMG!
BINABASA MO ANG
Elle's
RomanceBakit ang unfair ng life? Kung kailan masaya na tsaka may dadating na problema.