Chapter 5

7 0 0
                                    

Chapter 5


Nang makabawi si Kuya sa pagkagulat naging matalim ang tingin niya saming dalawa o kay Kurt lang, sa kanya lang nakatingin si kuya eh. Wag naman sanang magalit si kuya kay Kurt. Matagal na silang magkaibigan ayokong masira yun.

"Magbihis kayo. Maguusap tayo." Sabi niya ng parang nagpipigil ng galit. Padabog niyang sinarado yung pinto kaya nagulat ako. This is bad. Galit talaga si kuya.

Nagkatinginan kami ni Kurt. Walang may gustong magsalita. Pareho kaming kinakabahan.

"Magbihis muna tayo haharapin pa natin ang kuya mo." Hinawakan niya ang kamay ko at nginitian na parang sinasabi na kaya namin to.

Pagkabihis na pagkabihis namin lumabas na kami ng kwarto na magkahawak kamay. Nakita namin si kuya na nakaupo sa sofa. Emotionless. Nakatingin lang siya ng deretso.

Lumapit kami kay kuya pero nasa may likod ako ni kurt. "Bro-" hindi pa natatapos magsalita si Kurt sinuntok na siya ni kuya ng malakas kaya natumba siya. "Kurt!" Sigaw ko tsaka ko siya dinaluhan.

"Don't you dare call me bro! How could you Kurt?! She's my sister! My little sister!" Sigaw ni kuya na galit na galit. Mag rereact na sana ako ng magsalita ulit si kuya. "Kapatid ko pa! Wag mong igaya si Elle sa mga babae mo! Anong klase kang kaibigan?"

Hindi ko na kaya ang sinasabi ni kuya kaya nagsalita na ako. "Kuya! I'm not little anymore! Malaki na ako! Alam ko na ang ginagawa ko at mahal ko si Kurt!" Pinipigilan ako ni Kurt pero ayaw ko. No! Kailangan ko siyang ipagtanggol kay kuya.

"Ano ba Elle! Wag kang magpabola diyan! Alam ko ang likaw ng bituka niyan. Walang sineryosong babae yan kahit isa. Kaya halika na Elle, uuwi na tayo!" Hinila ako ni Kuya mula kay Kurt. Walang reaction si Kurt nakatulala lang siya. Why?

Umiiyak na ako. "No! Let go of me!" Hindi ako binitawan ni kuya. Kinaladkad niya ako hanggang makalabas kami mula sa unit ko. "Kurt! No!" Sigaw ako ng sigaw at nagpupumiglas habang hinihila ako ni kuya pero parang wala lang. Hanggang sa makarating kami sa parking lot at pinasok ako ni kuya sa kotse niya. Naubusan na ako ng lakas kaya umiiyak nalang ako.

Walang sinabi si kuya habang nagdadrive siya hanggang sa makarating kami sa bahay. Hindi na ako umiiyak. Binuksan ko agad yung pinto at pumasok sa bahay nang hindi hinihintay si kuya. Nakita ko sila mommy and daddy pero nagdirediretso lang ako hanggang sa kwarto ko.

Pabalibag kong sinarado ang pinto. Paano nagagawa ni kuya sakin ito? Bakit hindi nalang siya maging masaya dahil kaibigan niya ang mahal ko? Bakit lagi na lang napuputol ang kaligayahan ko? Kung kailan akala ko happy ending na kung kailan akala ko wala nang problema bigla nalang may susulpot. Hindi ba talaga ako magkakaron ng happy ending?

~


Gabi na at hindi parin ako lumalabas ng kwarto ko hindi parin ako kumakain simula kaninang umaga. Hindi ko kayang lumabas hindi ko kayang kumain dahil alam ko nandito parin si kuya. Hindi ko siya kayang makita.


Kanina ko pa tinatawagan si Kurt pero hindi niya sinasagot. Nagaalala na ako dahil baka kung ano na ang ginawa ni kuya sa kanya. Bakit ba ayaw niyang sagutin?


Nabaling ang atensyon ko nang may kumatok sa pinto. "Anak, I brought you some food. Hindi ka pa kumakain simula kanina. Baka magkasakit ka." It was mom.

Binuksan ko ang pinto. Nakangiting muka ni mommy ang sumalubong sakin. "Can I come in?" I nodded then opened the door wider para makapasok siya.

Nilapag niya muna sa study table yung tray na may pagkain tsaka niya ako hinila para maupo sa kama.

"Elle, anak, dalaga ka na talaga." She's teary eyed. "Mommy.." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Simula pa noon ako na ang baby nila pero hindi nila ako inispoiled kahit minsan. Lumaki ako ng pinaghihirapan muna bago makuha ang isang bagay na gusto ko. Sana naman kahit ngayon lang wag na nila akong pahirapan.

"Kinuwento na sakin Carlo ang lahat. What you and Kurt did was wrong. You know that." Hindi ako nakasagot. Alam ko naman pero mahal ko kasi si Kurt. Sabi nga nila ang mga matatalino nagiging tanga pagdating sa pagibig.

"Elle, listen to me. Intindihin mo naman ang kuya mo. Gusto ka lang niyang protektahan. He always wants the best for you."

"But mom, I love Kurt."

"Yes, you love him but there's always a right time for everything. Hindi ka dapat nagpadalos dalos sa mga desisyon mo. But now is not the right time to be regretful. Harapin mo ang consequence ng ginawa mo." After she said that I realized mom was right. There's always a right time for everything but when will be the right time? Lagi na lang akong nabibiktima ng maling oras. Kailan pa magiging tama?

Mom kissed me then bid her goodbye bago lumabas ng kwarto. Nakatulala lang ako sa kawalan. Wala naman akong pinagsisisihan sa mga nagawa ko. I love him kaya kahit maulit man sa simula ganun parin ang gagawin ko. Siya kaya, nagsisisi kaya siya sa mga nangyari? Will he fight for me? I sighed heavily.


Kurt, where are you now?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Elle'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon