Chapter 4
It's already past three o'clock in the morning. I'm still wide awake. Nakatulala lang ako sa kisame at nagiisip ng mga what ifs.
What if hinayaan ko siyang magexplain?What if hindi ako umalis ng bansa?
What if hindi kami nahulog sa hagdan?
Punong puno ang utak ko ng mga tanong. Tanong na hindi ko kayang sagutin. Mga bagay na hindi ko kayang sabihin at gawin. Dahil natatakot ako. Natatakot ako sa mga posibiladad. Mga haka hakang sa isip ko lang nabuo.
Napagpasyahan kong pumunta sa condo ko. I grabbed a jacket in my closet, dahil hindi parin ako nakakapagpalit simula kagabi. Maybe, just maybe I can find my peace of mind there. What happened last night was so overwhelming. Masyado pang maaga para makita ko ulit siya. I'm not yet ready and I think, I will never be ready.
Nagtaka ako ng pagkarating ko sa pinto ng condo ko ay nakabukas ito. Oh my God! Baka may nakapasok na magnanakaw. What should I do? Natatakot man ako ay pumasok parin ako. Kinuha ko ang pinakamalapit na gamit sa may pintuan. A vase.
Dahan dahan akong naglakad patungo sa sala pero walang tao. May narinig naman akong kaluskos sa may kitchen. Baka nandon ang magnanakaw. Dahan dahan ulit akong naglakad papunta naman sa kitchen. I saw a man standing near my refrigerator. Nakatayo lang siya doon at nakatingin sa ref. What is he doing? Balak niya bang magnakaw ng pagkain?
Unti unti ako lumapit sa kanya at ipupukpok ko na sana sa ulo niya yung vase ng bigla siyang humarap. He...he's not.. Nabitawan ko yung vase at syempre nabasag yun. Bakit siya nandito?
Nakatulala lang ako sa kanya at nakatulala lang din siya sakin. Why? Why of all places dito pa niya napiling magpunta ngayon? Nangaasar talaga ang tadhana. Well, what a great joke! I almost laugh!
Nauna akong makabawi sa sa pagkagulat at nagmadaling umupo para ligpitin yun vase na nabasag. Sayang tong vase ang alam ko mahal ang pagkakabili dito ni mommy. I'm sorry mom. Siya ang may kasalanan.
"Wait don't touch that. Baka masugatan ka. Kukuha lang ako ng walis" umalis siya at ako naman tuloy parin sa pagpulot ng bubog. "Ouch!" Sigaw ko bigla. Wala ako sa sarili kaya nasugat yung kamay ko.
Naramdaman ko nagmamadali siyang tumakbo papunta sakin. Kinuha niya yung dumudugo ko daliri at itinayo ako. Hinili niya ako papuntang lababo tsaka niya hinugasan yung sugat ko. Habang ako nakatanga lang. Wala akong lakas na magprotesta.
"Sinabi ko na kasing wag hawakan." Pangaral niya sakin. Hindi ko siya sinagot at nakatingin lang ako sa kanya. He looks worried. Worried for me? No. Erase. Erase. Ayan na naman ako sa pagiging feelingera ko. Di na ako nagtanda.
Binawi ko sa kanya ang kamay ko at nagsalita. "Why.. Why are you here?" Nakatungo lang ako habang sinasabi ko yun. Tambayan na ba niya ito ng hindi ko nalalaman? May susi pa pala siya dito. Bakit hindi ko naisipang kunin iyon noon? Kaninis.
"I..hindi ko din alam." Sagot niya. Hindi niya alam? Ano yon bigla nalang may nagdala sa kanya dito? Dinala siya dito ni tadhana para magkita kami? Para masaktan ako? "I don't know why but when you walked away kanina sa bar. This is the first place the came into my mind."
"Ka-kanina ka pa dito?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. So hindi parin siya natutulog? "Yes, pagkaalis mo sa bar pumunta na agad ako dito."
Bakit? Bakit ganto siya? Naguguluhan ako sa mga inaakto niya. Para bang walang nagyari samin noon. Bakit normal parin ang itsura niya samantalang ako halos himatayin na?! Was it really just me?
BINABASA MO ANG
Elle's
RomanceBakit ang unfair ng life? Kung kailan masaya na tsaka may dadating na problema.