Chapter 2
Papunta akong coffee shop. I'm meeting up with my best friends. I need their help.
Pagkapasok ko sa coffee shop nakita ko agad silang dalawa. As usual ako na naman ang late kahit ako ang nagaya that's so me kaya ko nga nakausap for the first time si Ku... Ahh erase.
"Late ka na naman. Di ka na talaga nagbago." Sabi ni Alli na nakangiti ng peke. "Sorry po mam." Sabi ko habang natatawa.
"Ano bang problema mo at gusto mo kaming makita?"
"Problema agad di ba pwedeng na miss ko kayo."
"Nice joke."
"Tse! Iiinvite ko lang kayo sa birthday ni kuya."
"Ay game ako diyan saan ang party?" Ito talagang si Alli gustong gusto ang mga party. Si Louis naman okay lang."Sa bar ni Ian."
"Yon!" Biglang sigaw ni Louis. "Yon ang problema no? Kasi baka magkita kayo ni Kurt?"Tumango nalang ako. Kahit tumanggi ako kilala na nila ako eh. "Ay girl, reunion ito." Sabi naman ni Alli. Puro talaga kalokohan tong babaeng to.
"Paano kapag nagkita kami?" Hindi ko talaga alam ang gagawin.
"Ano pa syempre dedma lang. Alangan namang iyakan mo siya. It's over na no! Past is past move on girl!" Tama si Alli. Past is past dapat di ako maapektuhan kapag nakita ko siya.
"O pano may imimeet kami ni Louis na client. Mauna na kami."
"Sige layas na." Inirapan lang ako ni Alli at nakipag beso bago sila umalis ni Louis.~
Umuwi na lang ako sa bahay pagkagaling ko sa coffee shop tinatamad kasi akong gumala tsaka next week pa umpisa ng work ko.
Nilibot ko ng tingin ang kwarto ko... Nagfocus bigla ang mata ko sa isang box. Nandito parin to?
Kinuha ko yung color blue na box na may yellow ribbon. Favorite color ko to parehas...alam niya, bigay niya to eh.
"Oh.. Regalo ko."Pulang pula yung muka niya na parang sasabog na.
Ano ba yan! Bakit ko ba inaalala yon?! Panira ng mood. Itinago ko sa ilalim ng kama ko yung box. Di na dapat inaalala ang mga ganung bagay. Move on Elle! Move on.
~Birthday na ni kuya at nakalimutan kong bumili ng regalo late ko nang narealize kaya late na akong pumunta sa mall at late narin akong nakauwi kaya late na ako sa party ni kuya. Lagi nalang akong late. Well, that's me.
Minadali ko nalang ang pagaayos nagsuot ako ng black fitted above the knee na dress at black pumps konti lang ang nilagay kong make up at di ko na inayos ang hair ko madilim naman di na kailangang magayos. Nagmadali na akong sumakay sa kotse ko at nagdrive. Naku lagot ako kay kuya.
Nang makarating ako sa bar ni Ian. Walang masyadong tao sa labas. Nagsisimula na siguro ang party. Okay, kapatid ako pero late ako. Nakakahiya.
Pumasok nalang ako. Ang dilim naman sa entrance. Nagtuloy tuloy lang ako ng lakad nang bigla akong nabangga sa pader. Ano ba yan nakakahiya. Tumingin ako sa gilid ko mukang wala namang nakakita.
"Ehem.."
Huh? Tumingin ako sa harap ko. Nanlaki bigla yung mga mata ko. OMG! Wha- what the hell! Tao pala tong nabangga ko at....at......at..... Si....Kurt pa..
"Ah--ehh..." Wala akong masabi. Kung sino pang iiwasan ko sana siya namang biglang nagpakita.. Great.
"Long time no see Elle. Still the same huh. Always late."
"Ye-yeah.. Ge pasok na ako."
Nagmadali na akong maglakad papasok. This is insane. Bigla namang may tumawag sa pangalan ko. Napatingin ako sa isang grupo ng mga lalaki. Kuya's barkada. Ian, Karl, Matt, Josh, And Rev. Lumapit ako sa kanila."Late ka na naman."
"Maganda parin naman kuya."
Natawa naman silang lahat. Mga pilyo talaga tong mga to. Kahit mas matanda sila sakin ng ilang taon kaclose ko parin yang mga yan.
"So Elle.. How's life?" Tanong ni Ian. "Okay lang. Ikaw ha umaasenso ka sa pagbabar." Sabi ko tsaka tumawa. "Hehehe.. Madami kasing chicks dito." Parang manyak na sagot niya. "Ewww...Gross" tsaka ko siya binato ng ng french fries na nasa lamesa. "Di ka naman mabiro baby girl." With matching beautiful eyes pa siya. "Double eww.. Muka kang bading!" Sigaw ko sa kanya. Nagasaran kami ng nagasaran ni Ian. Siya talaga yung pinakaclose ko , noon hanggang ngayon, sa buong barkada nila. Next si...nevermind.
"Kuya ilang taon ka na nga pala?" Bigla kong baling ng usapan sa age ni kuya. Syempre di pwedeng di ko aasarin si kuya. "Secret!" Sigaw niya sakin habang nakatingin ng masama. Nakakatawa yung itsura niya kasi para siyang bata samantalang ang laki laki ng katawan niya.
"Secret daw.. Ilang taon na si kuya?!" Pasigaw na tanong ko sa kanila. Ngumiti naman sila ng nakakaloko kay kuya. "Thirty!" Sabay sabay nilang sabi. Nagkatawanan kami ng tinakpan ni kuya yung tenga niya habang nakamakeface.
"Hate you all!" Bawi ni kuya samin. "Love you too!" Sagot ko naman. Inirapan lang ako ng luko.
"Ikaw Elle? How old are you?" Tanong sakin ni Karl. "I'm twenty five years old. Single and ready to mingle." Natawa naman sila sa sagot ko. Age lang tinanong pati status sinabi. Yeah, I know I'm crazy.
"Parang kulang tayo.." Pansin ni Matt. Bakit napansin mo pa?!
Oo kulang talaga kayo! Wala si.. Nevermind the name!
"Wala si Kurt! Nasan na yung lukong yun?" Nakasimangot na sabi ni kuya. Arte talaga gusto pa complete. Wag na sanang bumalik yun. Please lord!
"Present!" Nagulat ako ng may nagsalitang lalaki sa likod ko. I know that voice. Hindi ko kayang kalimutan.
"Kurt! Saan ka nanggaling?" Tanong ni Josh. Hindi parin ako tumitingin sa likod ko. Ayoko nga!
"Nagpahangin lang sa labas." Dapat tinangay ka na ng hangin!
"Elle! Natahimik ka?"
"Ha?" Nakabawi naman ako agad tsaka ako sumagot ulit. "Bawal tumahimik? I invoke my right."
"Napoles?" Sabay sabay nilang tanong. Napatawa nalang ako at nakitawa nalang rin sila.
May humila sa upuan sa tabi ko. Alam na alam ko kung sino yun kaya di parin ako tumitingin. Nakakasuffocate na ang hangin dito. I need to find Alli and Louis!
"Guys! Alis muna ako ha? Hahanapin ko lang mga friends ko." Tumayo na ako. Paalis na sana ako ng may nagsalita.
"Welcome back Elle."
Napatigil ako. How could you do this to me?! Bago pa nila ako mahalata nagsalita na ako ng hindi parin lumilingon. "Thanks." At tuluyan na akong umalis.
BINABASA MO ANG
Elle's
RomanceBakit ang unfair ng life? Kung kailan masaya na tsaka may dadating na problema.