Oras ng practice ko ngayon kasama si Justin. Ito ang una kong practice pagkatapos kong makabalik sa Team kaya, excited ako.
Nag iistretching kami ni Justin nang magtanong siya.
"Amber, magagalit ka ba kung liligawan ko si Luisa?" Ohmygosh! For real? I mean.. talaga palang type niya si Luisa, tama pala ang hinila ko. Mukhang magkakaboyfriend na ulit si Luisa.
"Bakit naman ako magagalit kung liligawan mo siya?" I asked smiling.
"Uhm.. baka lang kasi ganun kayo sa Friendship niyo, yung kailangan ng permiso ng kaibigan kung pwede ligawan ang kaibigan niya."
I laughed. "Wala nu. Sige ligawan mo siya, kung gusto mo tulungan pa kita eh."
"Talaga?" He excitedly asked, smiling. I nodded. "Salamat."
Nag simula na ang Training namin sa tulong ni Coach. Ilang oras din ang naging Training namin kay Coach ganun siya kaseryoso, sabagay lahat naman ata ng Coach seryoso. Nag paalam din naman ako sakanila pagkatapos nun.
Kakalabas ko lang ng Field ng biglang may humarang sa daan ko. Nakayuko ako kaya sapatos ang una kong nakita, dahil kinakalikot ko yung cellphone tinitignan kung may text mula sa mga kaibigan ko. Sa pagkakaalam ko kasi mag Sleep over si Luisa sa Apartment ni Majah kasi wala itong kasama ngayon dun.
Unti unti kong inangat yung ulo ko at laking gulat ko na ang makita ko ay si Ian.. my ex.. Fuck!
"Babe, kamusta ka na?" Tanong niya. Nag init yung ulo ko sa narinig kong pag tawag niya sakin ng babe, pagkatapos ng mga ginawa niya?? Ang lakas ng loob niyang tawagin pa ko nun?
"Nakabalik ka na pala sa Team mo, Congrats." He said again. Tinignan ko lang siya ng blangko, ano bang ginagawa niya dito? Ano pang kailangan niya?? "Uhm.. binisita ko ang baseball team kaya dumaan na ko dito, nagbabaka sakaling makita kita."
"Nakita mo na ko makakaalis ka na! Hindi ka ba natatakot na may makakita satin at mag sumbong sa Papa mo?" Inis kong sabi.
"Wala na kong pakialam dun ngayon, babe. Sana patawarin mo ko sa nangyari sa anak-" hindi ko na pinatapos yung sinasabi niya at sinampal ko na siya. Ayokong marinig na babangitin niya ang anak ko, dahil wala naman siyang dating pakialam dun. Tapos ngayon babangitin niya?? Ni di nga ata siya naapektuhan nung nalaglag sakin yung bata.
Nagbabadyang tumulo ang mga luha ko, pero pinipigilan ko dahil ayokong umiyak sa harap niya, hinding hindi na mangyayaring iiyak ulit ako sa harap niya.
"Umalis ka sa harap ko!"
"Babe-"
"Baby!!" I heard Damon's voice. Nakita ko siyang papalapit sa direksyon namin. Hinawi ko si Ian at lumapit kay Damon. Hinawikan ko siya sa magkabilang pisnge at hinalikan ko siya labi. Without any second tought nag respond siya.
Our lips locked by our kissed.
Nagkatitigan kami sa mata after naming mag kiss. Hinalikan niya ulit ako sa noo tsaka ako inakbayan at humarap kay Ian.
"May kailangan ka ba sa girlfriend ko?" Tanong niya kay Ian. Hindi sumagot si Ian sakanya halata padin sakany ang gulat sa mga mata niya dahil sa nakitang paghahalikan namin ni Damon.
"Ikaw yung dating team captain ng baseball team diba?" Damon asked.
"At ikaw yung kilalang Playboy diba?" Ian asked, glaring.
"Yah.. that's me." Kompyansang sabi ni Damon.
"Seryoso kang nakikipag date ka dito?" Ian asked me, pointing Damon.
"Sa tono ng pananalita mo parang sinasabi mo na mali ang desisyon niyang nakikipag date siya sakin."
"Halata ba?" Sarkastikong sabi ni Ian.
"Tama na!" Pagpuputol ko sa nalalapit na away nila. "Alis na tayo." Hinila ko na si Damon palayo kay Ian. Naglakad lang ako ng naglakad habang hila hila si Damon hanggang sa makarating kami sa rooftop ng school.
Binitawan ko na ang kamay niya at humarap sakanya tsaka umiyak sa dibdib niya. Hinaplos niya lang ako sa likod bilang pag comfort niya sakin.
"Ang sakit pa din pala. Ang sakit, sakit padin Damon."
Niyakap niya ko. "Iiyak mo lang yan, baby. Nandito lang ako para sayo." He softly said. "Please after this wag ka ng umiyak, dahil pag nakita pa kitang umiyak ng dahil sa lalakeng yun sasabunutan ko na siya hanggan sa makalbo." He tried to jokes and it works.
Bigla akong natawa sa sinabi niya. "Damon naman eh."
He chuckled. "I just want to lighten your mood baby."
"Thank you."
"Welcome, baby." He whispered.
BINABASA MO ANG
Hot Chick (Unedited)
Roman pour AdolescentsHighest Rank: Number 5 in Teenfiction -- Amber Tuazon, ay tinatawag ng mga lalake na Hot Chick. Siya ay di maikakailang sexy at maganda sakabila ng mga pinagdaanan niya sa past niya. Damon Lawrence, ay isang playboy ngunit nagbago ito dahil sa isang...