Hot Chick (24)

22.9K 632 3
                                    

Hanggang ngayon mainit pa din ulo ko sa ginawa sakin ni Trish. Pag bintangan ba naman akong ako ang nagkalat ng chismis tungkol sa sakanya? Kapal talaga ng mukha, at mas lalong nagiinit ang ulo dahil sa itsura ko ngayong parang basang sisiw. I'm wearing white shirt, so it almost see my bra. Shyete talaga!

"Baby!" Damon called, concerned. Mukhang sumunod siya sakin dito. I face him. He's with the girls and Justin. Hinubad ni Damon yung polo shirt niya at ginamit bilang pang harang sa katawan.

"You okay now, baby?" He asked, concerned. Huminga ako ng malalim.

"Yah, I'm fine. No worries." I reassured.

"What the hell was wrong with that bitch?" Inis na sabi ni Luisa.

"Ipinapasa niya ang gawain nila sa iba. Karma na yan, buti nga sakanya." Majah said.

"Mag palit ka na, baby.. gamitin mo na yang polo ko." Damon said. I nod to him, ayaw ko mang magsuot nito dahil baka pag tsismisan na naman kami wala na kong choice dahil nakikitaan na ko.

Sinamahan ako ni Majah at Luisa sa restroom ng school para makapag bihis na dahil pinagtitinginan na ko ng mga schoolmates ko lalong lalo na ang mga lalake.

Tulad ng sabi ni Damon ginamit ko na muna yung polo niya. Ginamit ko nalang pamunas sa nabasa kong buhok yung suot ko kanina. Haaay! Bwiset talaga, kung sino mang nag post ng status na yun sa Group page humanda siya sakin.

Lumabas kami ng restroom nang suot suot ko yung polo ni Damon, naghihintay lang sila ni Justin sa labas. Lumapit siya sakin pagkalabas namin na naka T-shirt na siya ngayon, siguro may baon siyang damit. Buti pa siya.

"Thanks sa pagpapahiram ng polo mo." Nahihiya kong sabi.

"Anything for you, baby." He tapped my head. "You, okay?"

"I'm okay."

"You looked hot, baby.. hot chick." He winks.

"Damon, you're unstoppable." I shake my head, disapprovingly.

He holds my chin. "Just sayin the truth, baby." Hinawi ko din naman agad yun. Tsk. Ginagamitan na naman niya ko ng mga playboy moves niya.

"We should leave you two alone, kasi naman parang nakakistorbo kami eh." Luisa said grinning.

"Korak ka teh!" Majah agreed.

"Ewan ko sa inyo!" They just laughed. Hinawakan ni Damon ng palihim yung kamay ko kaya nakaramdam ako ng ilang kasi naman kasama namin sila Luisa at Majah. Habang di pa nila nakikita ang paghawak ni Damon sa kamay ko pinilit kong hilain yun at bumitaw naman agad siya.

"Uwi na tayo, wala naman kaming practice ni Justin eh." I said to them.

"Ayaw ko pang umuwi." Luisa said.

"Me too." Majah said.

"Gagala pa kayo?" Tanong ko.

"Bakit uuwi ka na talaga?"

"After ng nangyari sakin? Gusto ko na talagang umuwi."

"Pero maaga pa." Pagaangal ni Luisa.

"Damon pigilan mo siya." Majah said.

"Hayaan niyo na kung yan ang gusto. Tutal gusto ko na ring umuwi." Bakit parang bigla siyang na bad mood?

"Justin sama ka samin?" Luisa asked him.

"Uhm.. sige kung nasaan ka dun ako." Oh! Kita mo nga naman, mukhang in love na siya kay Luisa. Nag blush si Luisa sa sinabi ng manliligaw niya kaya di namin napigilan ni Majah ang tumawa. Sinamaan niya kami ng tingin, dahil sa hiya.

"Mauna na ko." Damon said. Pagkasabi niya nun nag simula na siyang maglakad palayo samin. Nagmamadali di pwedeng sabay sabay kaming lumabas ng Campus?

"Amber, bakit mukhang biglang na badtrip si Damon? Anong ginawa mo?" Majah asked. Shocks, nahalata niya din? Bakit nga kaya?

"Hindi ko alam." Shit, baka dahil sa pag pilit kong tangalin yung kamay kong hawak niya. Hala siya, parang yun lang. Bat naman siya mababadtrip kung hilain ko naman kamay ko? Eh hindi naman kami.. i mean mag kaibigan lang kami.

Minsan din talaga di ko siya mabasa.

Nagkanya kanya na kaming byahe pag kalabas namin ng Campus, sila kung saan man sila pupunta ako pauwi na.

Hanggang ngayon di mawala sa isip ko yung biglang pagkabad mood ni Damon. Nasa taxi palang ako ng maisipan kong tawagan siya dahil di ako sanay na may kagalit na kaibigan. Pero ring lang ng ring yung cellphone niya at di sinasagot. Aba mukhang badtrip nga ah.

Hot Chick (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon