Hot Chick (27)

23.4K 626 3
                                    

Practice!
Practice!
Practice!
Damon!
Practice!

Yan ang laging pumapasok sa isip ko habang nasa Sports Center ako ngayon at nag papractice. Bigla nalang talaga siyang pumapasok sa isip ko kahit hindi ko naman siya kasama.

Masyado na kaming nakapag bonding ng sobra kaya nakakaramdam na ko ng malalim sakanya. Ang weird ng feeling kasi magkaibigan kami.

Plano ko sanang kumuha ng tubig para makapag pahinga din naman nang marinig kong ring ng ring yung cellphone ko.. kinuha ko muna yung tubig bago kinuha yung cellphone sa bag ko. Tumatawag na naman si Damon.

"Yes?" I answered it then umiinum ng tubig.

"Yes agad baby? Di pa nga kita tinatanong." Sabi niya.

"Huh?" Korni niya.

He laughed. "Wala. Nasaan ka?"

"Bakit?"

"Basta nasaan ka?"

"Bakit nga muna?"

"Gusto kitang makita."

Hmm.. magkikita na naman kami? Ayos ba yun o hindi? Ayos sakin yun. "Makikita mo naman ako bukas." Pakipot kong sabi.

"Gusto din kitang makita ngayon eh."

"Bakit dahil miss mo na naman ako?" Pagbibiro ko.

"Yes, pero.. birthday ko din kasi." Omygosh! Birthday niya? Bakit di namin to alam? Grabe siya wala manlang siyang binangit, nangugulat nalang. "Pwede mo ba kong samahang mag celebrate?"

I cleared my throat. "Uhm.. Oo sige. Gusto mo isama natin sila Luisa, Maj and Justin?"

"Gusto ko tayo muna, mamayang gabi na sila." Okay, medyo may kunting paro parong lumipad sa tyan ko. Gusto niya kami lang muna? Date ba to? Naku naman Amber, wag kang ambisyosa!

"O'okay."

"So.. nasaan ka nga?"

"Sports Center."

"I'm coming there, baby."

"Wa'wait.." hindi ko na natapos yung sinabi ko dahil pinatayan na niya ko ng tawag. Sasabihin ko pa naman sana na wag na niya kong puntahan dahil uuwi nalang muna ko para makapag bihis muna kaso binabaan naman niya ko.

Nag jogging nalang muna ko habang hinihitay siya at habang nag jojogging iniisip ko kung anong pwedeng iregalo sakanya kasi naman hindi ako sanay mag bigay ng regalo sa lalake. May naging ex nga ko kaso, hindi naman mahilig sa materyal na bagay mas gusto niyang ipagluto lang siya.

Hmmm.. ipagluto ko kaya siya? Hindi, wala ng oras para dun dahil ngayon ko lang nalaman na birthday niya isa pa di ko alam favorite food niya. Ngayon ko lang naisip madami pa pala akong hindi alam sakanya, lalo na yung tungkol sa pamilya niya kasi mag isa lang siya sa Unit niya.

May kakaiba na kong nararamdaman sakanya pero di ko pa naman pala siya ganun kakilala maliban sa dati siyang playboy na nagbago na.. 'daw'.

Lagpas kalahating oras din bago ko nakita si Damon na kumakaway sakin. Tumakbo ako papalapit sakanya para batiin siya. Ang laki lang ng ngiti niya pag kalapit ko.

"Happy Birthday." I greeted, smiling. Hinalikan ko siya sa pisnge niya na ikinagulat niya.

"Isa pa nga baby." Request niya. I roll my eyes. This time yung kabilang pisnge naman ang hinalikan ko. Mas lalong lumaki yung ngiti niya.

"Isa nalang, promise."

"Abusado ka!"

"Please." He pouts. Haaay! Pasalamat siya birthday niya. Hahalikan ko na sana siya sa pisnge niya ng bigla niyang igalaw yung ulo niya at nagtama ang labi namin, dahil sinadya niya yun. Hinampas ko siya ng hinampas sa balikat niya.

"Pasaway ka talaga!" Sabi ko habang hinahampas siya sa balikat.

"Sorry baby." He said chuckling. Hinawakan niya yung dalawa kong kamay para pigilan ako sa pag hampas sakanya tsaka ako hinila para mapayakap sakanya.

"Damon, amoy pawis ako."

"No, amoy baby ka padin."

I chuckled. "Hindi na talaga mawawala yang kapilyuhan sa bibig mo."

He laughed. "Tama ka. Alis na tayo?"

"Pwedeng umuwi muna ko? Para makapag bihis manlang."

"Papasukin mo ba ko sa bahay niyo?" Tanong niya. Bigla akong napaisip. Nasa bahay ngayon si Mama kaya hindi pwede. Baka mag tanong pa siya kung ano ko si Damon. Haaay! Ang hirap ng ganito, kung di lang ako mahulog sa maling lalake dati edi sana buo padin tiwala ni Mama sakin. "Bibili nalang tayo ng masusuot mo, tapos dun ka na sa Unit ko mag shower." Suggest niya.

"Pero nasa bahay yung pera ko."

"Edi ako ang bibili."

"Ikaw ang may birthday kaya bakit ako ang bibilhan mo ng gamit?"

"Ayoko lang sayangin yung oras, baby. Please?!" Nagpaawa look siya. I sighed.

"Osige na nga!"

Hot Chick (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon