SINADYA niyang tagalan ang supposed to be hand shaking nila ni Kass.
Gusto niyang iparating dito na he likes her. Pero hindi niya maintindihan kung bakit tumalim ang mga mata nito nang sabihan niyang maganda ito. Which is true. Lalo na ng ngumiti ito at lumabas ang hindi naman kalalimang dimples.
“Kass... may tumawag na ba sa’yo sa pangalang Kassy?”
.
.
.
.
.
tanong niya ritong hindi pa rin binibitiwan ang mga kamay nito.
.
.
.
.
.
.
“W-wala pa..”
.
.
.
.
.
“Then from now on, I’ll call you Kassy. You won’t mind do you?”
.
.
.
.
.
.
“O-of course... I won’t mind.”
.
.
.
.
.
.
“So, I guess I have to go. Baka ma-late na rin kasi ako sa first class ko. See you next time.”
Nginitian niya muna ito ng nakakaloko bago binitiwan ang kanina pa niya hawak na mga kamay nito.
YES, He’s a total flirt. And he’s definitely not my type. Pero hindi niya maiwasang mangiti sa pagpapapansin nito sa kanya. Gusto sana niyang sabihin ditong mukang malabo na ang sinasabi nitong ‘Next time’ pero hindi na niya natutulan pa dahil mabilis na itong nawala sa paningin niya.
“Haayy..” Napabuntong hininga na lang siya.
Naabutan pa niya ang mga kaibigan niya sa lobby ng building. At base sa mga reaction ng mga ito, mukang nakita sila nito ni Charles. At malamang sa malamang ay alam na niya ang itinatakbo ng mga utak ng mga ito.
.
.
.
.
.
.
.
“Uyyy... si Ms. No-time-for-boyfriend, may boyfriend na?”
.
.
.
.
.
.
“Woah! That’s one hell of a news.”
.
.
.
.
.
.
“Tomoh! Paniguradong babaha ng luha ang mga kalalakihan.”
Gusto niyang itirik ang mga mata sa mga pinagsasasabi ng tatlong iyon.
“Hoy mga bruha!” sabi niya. “Imbes na ako ang pagtsismisan ninyo rito ay umakyat na tayo sa 3rd floor. It’s almost 7:15 am. Paniguradong iinit na naman ang ulo ni Ma’am Dulce sa inyo.”
.
.
.
.
.
.
“Sorry, ka na lang, girl. Katetext lang niya. Ang sabi niya ay hindi siya papasok.” Si Janu. Short for January. Ito ang pinakamadaling i-please sa kanilang lima.
“What?!” Gusto niyang magwala
“Yes,” si Kenjie. Ang play-girl ng grupo. “..at dahil walang first class, pag-usapan na natin ang tungkol sa Mr. Hot guy mo. So, Who is he?”
“Che! Sabi ko ng hindi ko siya boyfriend.” Singhal niya. Pero muka ba talaga silang mag-boyfriend kanina? Bakit parang gusto niyang kiligin?
Tumingin siya kay Anne, ang pinaka-seryoso sa grupo. Ito lang ang alam niyang matinong kausap. Hindi katulad nang tatlong iyon na puro Tsismis lang naman ang inaatupag.
She confirmed it. Oh, my! Ang sarap maglupasay. Hindi siya katulad ng ibang estudyante na ‘pag walang prof ay nagdiriwang. Sayang kasi ang effort niya sa pagpasok. At higit sa lahat, binabayaran niya ang bawat oras na ipinapasok niya. Hindi naman sila ganoon kayaman kaya nga pinipilit niyang hindi mawala sa list ng Dean’s Lister. Feeling tuloy niya, napakalaki na ng nawala sa kanya dahil nawalan ng klase.
“Oh, my.. Kass. Don’t look so disappointed. As if naman na gusto mong pumasok ang masungit na professor natin na ‘yun.” Si Nikki, ang fashionista sa kanilang lima.
Hinila na siya ng mga kaibigan niya sa Canteen sa loob ng building. Ni hindi pa nga lumalapat ang puwet niya sa upuan ay kung anu-anong tanong na ang ibinabato nito sa kanya. Daig pa niya ang na-hot seat.
“So tell us Kass, Boyfriend mo na ba siya?” si Kenjie.
“Did you, too kiss?” Si Nikki.
“Or baka naman umabot na kayo sa...–––.” Si Janu.
“Boyfriend? Kiss? Se––? What!? Ano bang piangsasasabi ninyo?” sabad niya sa mga ito. Gusto na niya kasing mahindik sa mga pinagsasasabi ng mga ito.
“Okay..” pagpapatuloy niya. Muka kasing hindi siya talaga titigilan ng mga ito.
“He’s not my boyfriend. Not my lover either. He just helped me.” Mga nakakunot ang noo ng mga ito.
“So, okay malabo..” ikinuwento niya ang lahat sa mga ito. Gosh, wala na ata talaga siyang maisisikreto sa mga ito.
“Ah, so hindi mo siya talaga boyfriend? Sayang naman..” wika ni Kenj.
“Hmmn.. Okay lang. Hindi naman kayo bagay. Muka siyang mabango kanina at ikaw ay...” tiningnan siya mula ulo hanggang paa ni Nikki. Base sa reaction nito ay hindi nito nagustuhan ang nakita sa hitsura niya.
“...mukang nilampasong katulong.”
Ngiting aso lang ang ibinigay niya rito.
Inabutan siya ng suklay ni Anne.
“Anne, oh. Si Nikki..” sumbong niya rito. “...cute pa rin naman ako kahit hindi nagsusuklay di ba?”
Nginitian lang siya nito. (TT.TT) wala n syang kakampi...
BINABASA MO ANG
Status: It's Complicated (ON HOLD)
Short StoryStatus :single. This is her last status, eh ngayon, Status: It's complicated. Hala! Pa'no nangyari 'yun. Kassandra Alonte, Ms.NO-TIME-FOR-BOYFRIEND, complicated ang status ngayon? At ang malala, "It's complicated with Charles Alecs Briones. Pwede ba...