Hope you like it readers :)))
.............................................................................
Papalabas na siya ng kwarto niya nang harangin siya ulit ng nanay niya. Nangunot tuloy ang noo niya.
"Baka gsto mong mag-ayos muna anak.." tiningnan pa siya nito mula paa hanggang ulo. At base sa reaksyon nito hindi nito nagustuhan ang itsura niya.
"NAy, naman.. Kailangan bang naka-formal attire pa 'pag magtataboy ng mga insekto?"
Nagtuloy na siya sa sala..
At......................................
Haaay.. buti naman at isa lang ngayon ang bisita niya sa bahay.
Tumayo na ito nang makita siya.
Si JJ, ang pinakamasugid niyang manliligaw. Kahit ata ilang ulit niyang itaboy ito ay 'di ito nagsasawang bumalik-balik sa kanila.
MAy itsura naman ito. 'Yung itsura na magugustuhan ng iba. Maganda rin naman ang ugali nito, 'yung ugaling magugustuhan ng nakararami, but not her. He's definitely not her type. MAginoo naman ito, 'yun nga lang may tinatagong kayabangan.
"Hello, Kass.. Tulips para sa'yo... hindi 'to rose."
Ano ako boba? Hindi ko alam ang pinagka-iba ng rose at tulips?
Nginisihan lang niya ito ng ngising aso. Asar, huh!
"If you don't mind, my exam kasi kami bukas... HIndi ko naman sinasabing nakaka-abala ka, pero ganun na nga. So , pwede ka ng-----"
Nagulat na lang siya ng biglang hiklatin nito ang mga braso niya.
"Bakit ba ang taray-taray mo? Ikaw na nga 'tong nililigawan pakipot ka pa.." Napuno na ata talaga ito sa ilang buwang pagtataboy niya sa bahay nila.
Aba, aba.. pina-i-init nito ulo niya ah. Mukang may mababalian siya ng buto ngayon.
"Hindi ako pakipot, let's just say na. ayoko sa'yo."
Ngumiti ito na parang demonyo. Nag-f-freak out na siya sa hitsura nito. Buti na lang at nasa loob na ng kwarto ang nanay niya, kundi malaking gulo 'yon.
"Bitiwan mo ako! 'Wag mo kong bastusin sa pamamahay ko.."
"Napakatayog mo! Tingnan lang natin kung sa gagawin ko sa'yo may maipagmalaki ka pa.."
Nanlaki ang mga mata niya sa gusto nitong ipahiwatig.
" Nandyan si Nanay.. hindi mo magagawa kung ano man 'yang iniisip mo.." Natatakot siya para sa nanay at kapatid niya. KUng siya lang ay kayang-kaya niyang protektahan ang sarili niya. Baka ikabaliw niya pag nakita niyang sinasaktan na rin nito ang pamilya niya.
"Kahit nandito pa ang buong pamilya mo, kayang-kaya kong gawin ang gusto ko.."
Unti-unti.. bumaba ang kamay nito sa puwetan niya. Bigla rin nitong hiniklat ang batok niya para sana mahalikan siya, pero mas mabilis ang mga kamay niya. Hinawakan niya ito sa kuwelyo, pagkatapos ay ibinalibag..
"..aray!"
"Sa susunod pipili ka ng taong babastusin mo. Hala, alis! O, baka naman gusto mong ibalibag kita palabas ng bahay namin.."
Huh, akala ata nito ay amkukuha nito ang first kiss niya.. .NO WAY!!!
Tumayo na ito. Lumabas naman ang nanay niya kasama ang kapatid niya sa kwarto. Nag-a-alala ito..
"Anak... anong nangyari? " Pinaglipat-lipat pa nito ang tingin sa kanya at kay JJ na sapo ang nasaktang balikat..
"Ahh... wala po nay, magpapaalam na raw po si JJ, 'di ba JJ?" binalingan niya ito pagkatapos ay nginitian ng napagkatamis-tamis.
BINABASA MO ANG
Status: It's Complicated (ON HOLD)
Short StoryStatus :single. This is her last status, eh ngayon, Status: It's complicated. Hala! Pa'no nangyari 'yun. Kassandra Alonte, Ms.NO-TIME-FOR-BOYFRIEND, complicated ang status ngayon? At ang malala, "It's complicated with Charles Alecs Briones. Pwede ba...