Araw nang lunes, pagkatapos ng mahaba at stressful na araw napag pasyahan namin ng mga katrabaho /kaibigan ko na pumunta muna sa isang mall at kumaen sa Mcdo para itry ang bagong bagong offer ng nito. Ang chicken fillet italiana.
Habang nagbibiyahe kame papunta hindi namin maiwasang hindi magkwentuhan ng tungkol sa mga past relationships namin.
Dahil ako lang ang nbsb sa grupo. Napagdesisyunan ko na manahimik at makinig na lang sa usapan nila. Sumasagot ng panaka naka at nakikitawa.
Hanggang sa makarating nakami sa mall at dumiretso sa pakay naming fast food chain.
"Ako na oorder." Pagpprisinta ko. Tumango lang sila at nagbigay ng kanya kanya nilang bayad.
Nang makarating ako sa counter ay napangiti ako dahil hindi masyadong mahaba ang pila.
Pangalawa lang ako kaya hindi ako masyadong nainip.
Lumipas ang 5 minuto ay ako na ang nakasalang.
Goodevening ma'am welcome to mcdo. What is your order po?"masiglang bati sakin ni ate.
Ginantihan ko ng ngiti ang energy niya at sinabi ko ang order ko.
Nagkaroon pa kami ng kaunting tanungan bago niya makumpleto ang order ko at sinabing sakabilang side ako maghintay.
Habang hinihintay ko ang order ko. Nakapag masid ako sa paligid.
Hanggang sa may matanaw akong isang gwapong lalaki sa likuran ng counter sa pinaka dulo.
Chinito siya. He has that rosy cheeks na tinernuhan ng kanyang redish and tiny but kissable lips na saktong sakto sa bilugan niyang mukha.
Hindi siya payat. Hindi rin mataba. Saktong tangkad lang din siya.Kausap niya ang isang babaeng crew ng oras na yon. Nakadama ako ng konting inggit sa babaeng kausap niya.
Tila napansin ni kuya na may nakamasid sa kanya, kase bigla siyang tumingin sa gawi ko.
Sa sobrang bilis hindi ko na nagawang alisin ang tingin ko sa kanya. Mga ilang segundo din kameng nagtitigan.
At sa ilang segundo na yun para akong nilalagutan ng hininga. Mabilis din ang tibok ng puso ko.
Pero mas lalo itong naghumarentado ng bigyan niya ako ng napakatamis niyang ngiti.
Dahil sa gulat ko hindi nako nakasukli na ngiti. Nang mga oras na yon. Feeling ko nasa ibang lugar ako. Parang wala na ako sa mcdo at nasa ibang lugar na kung saan kami lang dalawa ang naroon.
Natigil ang pagddaydream ko ng kalabitin ako ng isang crew at sinabing okay na daw lahat ng orders ko.
Nagpasorry pako dahil kanina pa pala okay pero hindi ko napansin.
At dahil mejo madami ung order ko. Nagpaassist ako sa isang crew para bitbitin yung ibang food namin.
Nang makadating ako sa table namin ay nag simula na kaming kumaen at nagkwentuhan na.
Paminsan minsan ay napapatingin ako sa may counter saka tinitigan ang gwapong nakita ko kanina.
Minsan ay nahuhuli niya akong nakatingin pero hindi na siya ngumingiti na katulad ng pag ngiti niya sa akin kanina.
Hanggang sa nag aya ng umuwi ang mga ksama ko.
At naghuling sulyap na ako kay kuya counter.Paglingon ko ay sakto naman na nahuli ko din siyang nakatingin sa akin.
Pero agad kong ikinalungkot ang inakto niya.Kumunot ang kanyang noo saka tumalikod na.
Lumipas ang ilang araw ay halos araw araw akong pumupunta sa Mcdo.
BINABASA MO ANG
One Shot Happy Love Story
Ficção GeralSomething to Unfold. Story to be told. A creative mind. From Imagination into life.