Chapter 2

2.7K 95 10
                                    

Unti-unti akong nagising. Nasa isang malamig na misla ako. Ang ingay sa paligid. Tumayo ako at napagtanto ko na nasa loob ako ng kulungan!

"Bakit ako nandito!? Ilabas niyo ako dito!!!" Sigaw ko. Natataranta ako sa mga pangyayari.

Walang pakialam ang mga pulis sa akin. Ano ba ang nangyari? Bakit ba ako nasa kulungan? Nag-flashback sa utak ko lahat ng nagawa ko. Shit! Dahil lang sa nabuhusan ko siya ng kape ikukulong na niya ako? Gago siya!

Iba't-ibang emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Nasunugan ako ng bahay, kamuntikan na akong mamatay at ngayon, nasa loob ako ng kulungan. Napahagulhol na lamang ako. Kailangan ko pang mag-aral. Marami akong pangarap pero paranh unti-unti na lamang itong nawawala, gumuguho. Paranh gusto ko na lang mawala sa mundong ito. Gusto ko na lang mawala. Wala rin naman akong silbi.

Umiyak lang ako ng umiyak. Wala namang pakialam ang mga babaeng kasama ko sa selda. Ni-hindi manlang nila ako kinakausap. Busy sila sa pagbabaraha.

"Ilabas niyo ako dito! Parang awa niyo na po..." Humagulhol na lamang ako sa pag-iyak. Pakiramdam ko'y ito na lamang ang magagawa ko- ang umiyak. Biglang binuksan ng mga pulis ang gate ng kulungan.

"Ms. Chelsea Azerallia, laya na po kayo." Sabi nung pulis.

"Ha? Ah-eh. B-bakit po?" Naguguluhan kong tanong.

Sa halip na sagutin ako'y hinila na lamang ako nung pulis palabas ng selda. Ang sakit ng pagkakahawak niya sa akin. Napakagat na lamang ako sa mga labi ko. Nang makalabas ako ay may pinapirmahan sila sa akin bago tuluyang paalisin.

"Pakipirmahan na lamang po nito." Sabi ng pulis sa akin na agad ko namang pinirmaham. Nakita ko sa labas ni Ma'am Janice. Niyakap ko siya ay umiyak ako sa kanya.

"Shhh. It's okay now Chelsea. Sorry for what happened." Sabi niya.

Nagpunta kami sa isang coffee shop ni Ma'am Janice. Kailangan daw naming mag-usap.

"Chelsea, tatapatin na kita. Hindi basta bastang tao ang nagpakulong sayo. Isang Del Fuego ang nagawan mo ng kasalanan. Ang isa pinaka-makapangyarihang pamilya sa bansa. Walang may alam ng itsura ni Razz Del Fuego na pinagsilbihan mo kagabi pero bali-balita ng mga nakakita na rito ay sobrang gwapo daw!!!" Biglang nagbago ang tono ng boses ni Ma'am Janice nang sabihin niya na sobrang gwapo nung Del Fuego na iyon. Animo'y kinikiti ito sa kilig. Nagpatuloy siya sa kanyang sinasabi nang mabawi niya ang kanyang wisyo.

"Bago pa man lumabas ang mga litrato nito galing sa mga paparazzi ay agad itong nadedelete. Isang pribadong tao si Razz del Fuego. Hindi ko pa nga siya nakikita pero na-meet siya ng may-ari ng resto dahil sa nangyari sa inyo. Pinapasabi ng owner ng elite restaurant na temporary lang ang pag-discharged sayo." Malungkot na sabi ni Ma'am.

"Nasaan siya?!" Papiyok kong tanog kay Ma'am Janice.

Gaya ng sabi ko kanina, hindi na ako makapag-isip ng matino.

"S-sino?" Naguguluhan niyang tanong.

"Si Razz! Makiki-usap ako sa kanya..." Naiiyak kong sabi.

"E-ewan ko? Nasa FGC siguro? Ano ka ba Chelsea! Wag kang padalos-dalos! Hindi lang basta tambay sa kanto ang kinakalaban mo! Pader yan!" Pa-alala sa akin ni Ma'am Janice.

Hindi ako nagpatinag sa banta niya. Desidido akong kausapin ang Del Fuego na iyan! No matter how hard it takes! I will please him. Ayokong makulong! Gaya nang sinasabi ng utak ko. Andito ako sa harap ng FGC. Alam kong mukha akong basahan. Alam kong para lang akong langaw sa kanya! Aanhin ang maganda niyang mukha kung masahol pa siya sa hayop! Gago siya! Para lang sa kape ipapakulong na niya ako!? Matalino akong babae pero hindi ako makapag-isip dahil sa kanya. Diret-diretso ako sa pag-pasok sa FGC pero agad akong hinarang ng mga guards.

MORE THAN THISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon