Chapter 6.

3.9K 161 53
                                    



"Wake up, sleepyhead..." isang malambing na boses ang narinig ko malapit sa aking tenga. Ramdam ko ang mabigat na bagay na nakadag-an sa akin ngayon dahilan para hindi ako makakibo. Unti-unti ko sanang ididilat ang aking mga mata nang may dumila sa aking leeg dahilan para mapasigaw ako! Mabilis na nagising ang diwa ko sa pangyayari. Hindi naman ako makakilos dahil ang higpit ng yakap ni Razz sa akin. Ang bango niya kahit hindi pa siya ligo. Mabilis niya akong iniharap sa kanya. Napansin kong pawisan siya nakahubad pala siya!




"Razz ano ba!"




Kunyari naiinis ako pero sa totoo lang kanina pa nalaglag ang panty ko sa ginagawa niya! Ang landi ko pero yun ang totoo. Ang bango niya! Para gusto ko nalang siyang amuyin maghapon.



"I'm tired, I need some rest." sabi nito.


"Bakit? Saan kaba galing?" sabi ko habang inaamoy siya.


"Jogging." matipid niyang sagot.


"Pawis na pawis ka, mag-shower ka kaya muna! Ang baho mo na!" Pag-iingay ko. Palusot ko lang yun. Baka kasi matuyuan siya ng pawis at magkasakit.



"You'll die if you're lying."




"JOKE! ANG BANGO-BANGO MO KAYA!" mabilis kong bawi sa sinabi ko. Jusko! Ayoko pang mamatay.


"Hey, it's Saturday and I don't wanna work today, wanna go anywhere?"


"Ta-talaga? kaso, hindi ko alam kung saan ko gustong pumunta eh." malungkot kong sabi.



"Then prepare yourself now, we'll be going somewhere." he said then kissed my forehead.



Na-excite naman ako sa sinabi niya kaya agad akong bumangon at naligo. Saan kaya kami pupunta? Pagkatapos kong magbihis ng dress ay agad akong bumaba. Nakita ko siyang naghahanda ng umagahan.



"Come here, let's eat." wala pa rin itong t-shirt. Tanging sports short lang ang suot nito. Hindi ko mapigilang mapa-kagat sa ibabang labi ko.



"Hey!" Bulyaw nito sa akin. Malamang dahil nakatulala ako sa kanya. Kanina pa pala niya ako iniintay na umupo at saluhan siya. Umupo ako sa tapat niya.



"Are you excited?" He said while eating.


"O-oo..." Ang bait niya sa akin ngayon kaya medyo kinakabahan ako. Hindi kasi ako sanay.


"Ahm, saan ba tayo pupunta?" Mahina kong tanong habang isinusubo ng pagkain ko.



"Beach." Matipid nitong sagot.



"SA BEACH! TA-TALAGA!?" halos mapasigaw ako sa kanya. Ang tagal ko nang hindi nakakapuntang beach. Jusko, huling punta ko ay kasama ko pa ang pamilya ko. Bigla namang kumirot ang puso ko. Wala na nga pala akong pamilya.



"Hey, why sudden changed of emotion?" Sabi nito. Nakakunot ang noo nito wari'y nagtataka.


"Wa-wala. May naalala lang ako." Sabi ko.



"Alright. Just going to take some shower." Sabi nito at umalis na sa harapan ko.



Pagkatapos kong ligpitin ang pinagkainan namin ay pumanhik na ako sa kwarto para ihandang mabuti ang mga gagamitin ko. Naliligo pa rin si Razz dahil rinig ko pa rin ang lagalas ng tubig sa loob ng banyo. Habang naga-ayos ng gamit ay naisipan kong itanong kung hanggang kailan kami sa beach kasi baka magkulang o magsobra ang dadalhin kong gamit. Isa pa,wala akong ibang sapatos kung hindi puro stiletto. Imposible naman na naka heels ako sa beach diba?


MORE THAN THISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon