Chapter 5.

2.7K 139 22
                                    

Nanunuot sa utak ko ngayon ang narinig ko. Bawat letra ng salitang yon ay nakatatak na sa isipan ko. Pinilit kong tumayo kahit inis na inis ako sa babaeng nasa harapan ko na walang ginawa kung hindi ang landiin si Razz.

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para magtanong. Siguro dahil wala naman siyang sinabi sa akin na bawal magtanong sa kanya. Kaya kahit kinakabahan ay pinilit kong makapagsalita.

"To-totoo b-ba?" Mautal-utal kong tanong sa kanya habang nakapikit.

"Yes, She is my fiance."

Isang malaking PUTANG INA ang sumampal sa akin. Hindi ko alam pero namalayan ko na lang na tumakbo ako papuntang elevator habang rinig na rinig ko ang halakhak ng babaeng malandi. Nang bumukas ang elevator ay agad akong pumasok. Napaluha na lamang ako nang sumara na ang pinto ng elevator, hindi dahil sa inis sa babaeng haliparot kung hindi dahil hindi niya ako hinabol.

Pero wala naman akong magagawa. Sino ba naman ako para habulin niya at bigyan ng kahit kaunting paliwanag? Wala lang ako. Isa lang akong basura para sa kanya.

Nang marating ko ang ground floor ay mabilis akong hinila palabas ng mga kalalakihang naka-tuxedo. Walang duda, tauhan ito ni Razz. Pinilit kong umalis pero ano bang laban ko. Hinawakan nila ako sa tigkabilang braso. Nagtitinginan na rin ang ibang mga empleyado.

"BITIWAN NIYO AKO!" sigaw ko habang pilit na kumakawala.

"ANO BA! AALIS NA AKO!"

*ting!*

Tumunog ang elevator hudyat para sabihing may taong bumaba galing sa ika-49th na palapag. Syempre, itong nagiisang elevator na ito ay para lamang sa opisina ni Razz.




Sino ka ba Chelsea para umasta ng ganon? Wala ka lang naman. Nakabase kay Razz ang buhay mo. Wala ka nang kalayaan.

Iniluwa ng elevator si Razz at ang malanding babae na naka-abresiete sa kanya. Matalim ko silang tiningnan pareho. Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit naiinis ako?

"Razz, why do you have to stop her? She's pissing me off!" Singhal nung babae sabay irap sa akin.

"Tama siya. Wag mo na akong pigilan. Pakawalan mo na ako! Magpapakasal na kayo diba? Ayokong maging kabit mo Razz." Mariin kong sabi kasabay ng pagluha ko.

Ano ba itong inaarte ko? Ilang araw pa lang kaming nagkakasama. Isang beses pa lang kaming nag-sex. Wala pa kaming matinong usapan. Wala rin akong alam tungkol sa kanya bukod sa pagiging mayaman at brutal niya sa mga tao.

Bakit nasasaktan ako?

"You are acting like that because I'm  marrying her?" He asked straight through my eyes.

Nakatitig lang siya sa akin. Hinihintay ang sasabihin ko. Para akong tanga kung oo-o ako dahil ano bang silbi non?

Bagkus ay umiwas na lamang ako ng tingin.

"Answer or I will take your silence as a yes."

Tumikhim ako at nanataling hindi tumitingin sa kanya. Nagulat na lamang ako ng marinig ang malakas na pagtulak ni Razz sa babae dahilan para mapa-upo ito sa sahig.

"Razz.. what are you doing?" Nanginginig na tanong ng babae.

"The wedding is off." He said then grab my hand. Hinila niya ako pasakay ng elevator at nagtungo kami sa opisina niya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bakit ba ganito ang ugali niya? Padalos-dalos siya ng desisyon at nakakatakot ang mga desisyon niya.

Nakaupo siya ngayon sa swivel chair habang tutok na tutok sa computer niya. Nakakunot ang noo nito habang kagat-kagat ang mamahaling pen niya. Ang hot niya.

MORE THAN THISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon