*2*

1 0 0
                                    

Broken-hearted girl

They stopped kissing then Henry turned his face on my way. His jaw-dropped.

I was hurt and so close to crying but i still manage to speak and pretend to be strong "Why did you stop kissing? Ituloy niyo pa, manonood lang ako"

Nang marinig ni Anya-- Henry's secretary slash other girl-- ang boses ko, unti-unti siyang napalingon sa gawi ko "K-karina" nakayukong sabi niya

"Pangalan ko palang,nauutal kana?" Taas kilay kong sabi sakanya. Ha! Pasalamat siya't buntis siya, kung hindi? Baka kinaladkad kona siya palabas ng opisinang 'to!

"Karina, lets talk" tila may pagpapanic sa boses niya

Dahan-dahan akong naglakad palapit sakanila,sinadya ko pa talagang siguraduhing tunog lang ng heels ko ang maririnig namin bukod sa mga kabadong pagpintig ng mga puso nila. Am i that scary?

Napansin ko pang ang higpit ng kapit ni Anya sa braso ni Henry at itinago siya ng huli sa kanyang likod. Sige, itago mo. Dyan ka naman magaling, magtago ng babae! Talent na ata niya,e.

"We got nothing to talk to, dear." I smirked "Dont worry. Hindi ako apektado" I lied, i won't give them the satifaction of seeing me hurting "Actually, i came here to break up with you.. Akala ko nga baluktot pa ang rason ko pero nung makita ko kayong naghahalikan? I felt relieved. Sa wakas, may sapat na rason nako para hiwalayan ka"

"What do you mean,Karina?" He asked.

I rolled my eyes "Hindi na kita mahal. May iba nakong napupusuan, so.. Break na tayo" another lie, syempre wala akong ibang nagugustuhan! Tangina. "Nakonsensya pako sa pag-aakalang hindi ako naging tapat na girlfriend sayo, patas lang pala tayo.." I eyed at Anya, she's now crying. Anong nakakaiyak? "Dont cry. Wala akong gagawin sayo. Hindi ako mag-eeskandalo.. Take care of your baby. Bye guys"

I made my way out of his office, i heard him calling me and stopping me from leaving, i just waved my hand. No, you can't fucking stop me.

Taas noo pa rin akong nakaalis ng impyernong opisinang iyon. Nagmadali akong makasakay ng kotse ko at pigil na pigil akong umiyak habang nagmamaneho. Delikado. Mamaya ikamatay ko pa, eh di lalo kong isusumpa yung animal kong ex!

Pagdating sa apartment mabuti nalang at walang tao sa sala,siguro'y nasa kani-kanilang silid ang aking mga kaibigan. Mabuti na siguro yun, sa ngayon kasi mas gusto kona muna sarilinin ang problema ko.

Pakiramdam ko kasi wala namang ibang pwedeng makatulong sa sarili ko kundi ako lang. Ako lang kasi nasa sakin ang desisyon kung ano na ang susunod kong marapat na gawin. Sisimulan kona muna siguro sa pagdadrama? Pag-eemote?

Pagpasok ko sa kwarto binitawan kona ang bag ko sa sahig at dali-daling hinubad ang heels ko saka tumalon sa kama at ibinuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang bumagsak.

Ang sakit sakit kasi tangina!

Nakakatawa na kanina masyado akong 'pa-strong' sa harap ng mga taong nanloko saakin tapos ngayong mag-isa nalang ako kulang nalang maglaslas nako sa sobrang sakit na nararamdaman.

Kaya ba naging cold na siya sakin?

Kaya ba hindi na kami madalas magkita? Bakit? Nakokonsensya ba siya tuwing magkasama kami? Naiisip ba niyang pinagmumukha niya kong tanga? Na naniniwalang mahal na mahal niya ko, na wala kaming problema, na hinding hindi niya ko kayang lokohin? Damn.

Isipin ko palang na buntis yung babae niya, sobra sobrang sakit na.

Mas nauna pang may mangyari sakanila kaysa saamin,ganun?

Kaya ba nangaliwa siya? Pareho lang sila ni Ryan ganun? Porket hindi bumibigay sakanila, maghahanap na ng iba? Para ano? Makapag paraos ng init sa katawan? Ganun ba sila kauhaw? Na kakayanin nilang maghanap ng ibang babaeng kayang tugunan ang mga pangangailangan nila?

Siguro nga, lahat ng lalake ganun na. They can't be loyal to their girl without sex. Sex na ba ang batayan ng pagiging loyal ngayon? Kailangan may ganung pangyayari para lang mag-stay silang tapat sa mga 'mahal' nila? Kung mahal nga ba nilang talaga.
Anong klaseng pagmamahal naman kasi yun diba? Mahal mo pero kailangan sa relasyon niyo involve ang sex? Edi wow.

Tuloy-tuloy pa rin ang patak ng mga luha ko.. Hindi ko nga alam kung unli ba 'to,e. Para kasing hindi nauubos. Walang katapusan ganun?

Nakakainis! Nakakagalit! Nakakatangina!

Ni hindi ko man lang naramdaman na ginagago niya na pala ko!

Kasi nga sobra-sobra yung tiwala mo sakanya ..

Oo nga,e. Sobra sobra. Buong buo yung tiwala ko sakanya.

Pati yung pagmamahal ko? Buhos lahat e. Bigay na bigay. Todong todo. Ni wala na nga ata akong tinira para sa sarili ko.

Totoo nga yung sinasabi nilang ‛lahat ng sobra,nasasayang' .

Or kasi sa sobrang 'sobra' ng pagmamahal at pagtitiwala ko sakanya, nalunod na siya. Kaya ayun, nagpasagip sa iba. Ang bangis naman pala. Tangina niya.

Ang sakit talaga,friend. Hindi ko na alam kung ano pabang mga sasabihin ko, kung ano bang mga dapat kong gawin, kung paano ba ako makakausad sa pinagdadaanan ko ngayon.. Kasi baguhan ako dito, ngayon ko lang 'to naramdaman. ..

He was my first love yet my first heartbreak.

I dont know how to deal with this kind of pain..

I dont know what to do. I can't even stop myself from crying. Damn.

Bakit kasi ganun? Nagmamahal kalang naman pero kailangan mo pang masaktan. Hindi ba pwedeng kapag nagmahal ka, masaya nalang kayong dalawa? Yung tipong walang ng hahadlang, wala ng problema, wala ng ending. Sabi nga ni Vice ‛Happy lang, walang ending' Di ba pwedeng ganun nalang?

Do i really need to get hurt? Do i really need to get my heart broken? Do i deserve this kind of pain?

Sa sobrang desperada kong mailabas itong sakit at sama ng loob na nararamdaman ko, i decided to log in my facebook account. First, i blocked him. And then i started posting. Sabi naman 'whats on your mind' diba?

Karla Ynna Coralez changed her status from In a relationship to Single

Pinalitan ko na rin ang relationship status ko. Aba, para malaman ng lahat na wala na kami ng gago kong boyfriend.. I mean EX-boyfriend.

Karla Ynna Coralez : Is it really that hard to stay loyal and faithful?...

Karla Ynna Coralez: I really thought you're the one im going to spend my life with ..

After a few minutes, inulan nako ng notifications. Likes and comments.

Mga comments sa pagbabago ko ng relationship status puro mga 'omg, for real?!' 'What happened?!' 'Sayang kayo..'

Tapos sa mga status ko naman.. ‛He cheated? That jerk!' Yes, he's really a jerk. ‛Move-on na agad,Kars. Madali lang yan' Madali lang? Maybe because they're not the one who's cheated on. They're not the one who's hurting. ‛Kaya mo yan! You'll get through it' Kaya ko? Oo kaya ko naman siguro, pero hindi ko pa kaya ngayon. Hirap na hirap pako.

Ganito pala pakiramdam ng sawi sa pag-ibig, masakit pala talaga.



The Brokenhearts RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon