Mr.Goodkisser
Ilang araw pa ang lumipas mula nung naghiwalay kami ni Henry.
Medyo feeling ko rin may improvement naman ang pagmo-moveon kuno ko, kung pagmo-moveon nga ba ang ginagawa ko?Pero effective talaga ang mga words ni Trisha kanina, na-enlighten ako. Well, kanina kasi nagmistulang teleserye ang peg namin ng mga kaibigan ko. Hindi na ata natiis ni Cole ang pagdadrama ko dito araw-araw sa kwarto ko kaya pinasok nako, may dala pang food. How thoughtful. Tapos sumunod si Trish na nagambala daw namin ang panonood sa ingay na namin ni Cole kanina.
Nakokonsensya pa nga ako kasi sinadya ko talagang hindi mag-grocery nung isang araw, nagutom tuloy sila at sila na rin daw ang namili kanina. Imbis na sermunan ako ni Cole tungkol sa break-up namin ni Henry, mas pinagalitan pako sa di pamimili ng pagkain namin,nagutom raw siya. Eh kasi naman, maaalala ko lang si Henry kapag nag-grocery ako! Isa kasi yun sa 'bonding time' namin nung kami pa, sabay kaming namimili.. Baka mamaya kapag nandun nako, umiyak lang ako sa loob ng supermarket habang nagtutulak ng cart. Mukha naman akong tanga nun diba?
After nung scene namin na pang-teleserye, kwinento ko sakanila yung rason ng paghihiwalay namin at pati dun sa part na nararamdaman kong nanlalamig na siya sakin.
Pakiramdam ko nga ang hina ko, hindi ko pa rin kasi maiwasang hindi maiyak kapag napag-uusapan. Or kasi ganito talaga kapag 'fresh' pa sayo yung break-up niyo.. ...
We decided to hang-out instead of building a drama club in our apartment. Malapit na kasi talagang maging drama club yun, parang kailan lang kasi si Cole yung umiiyak sa break-up nila ni Ryan,e.
Habang nag-aayos ako, todo titig at pahid ako ng concealer lalo na sa mata ko! Mukha nga akong zombie, walangyang Coleen kasi! Nung siya naman ang brokenhearted, hindi ko naman siya nilait lait kahit mukha na siyang ewan no'n!
Ganito pala talaga kapag brokenhearted,'no? Dati akala ko OA yung mga napapanood at nababasa ko.. Ang panget ko talaga! Ilang araw lang yun pero pumayat na agad ako, hindi na kasi ko masyadong kumakain palagi akong walang gana.. Ang laki ng eyebags ko tapos medyo maga pa yung mata ko, wala na rin kasi kong ginawa kundi umiyak at hindi na rin uso ang tulog sakin.. Nagka-pimples at blackheads na rin ako! Ugh! Napabayaan kona ng sobra ang sarili ko..
Brokenhearted na nga, panget pa. Goodluck talaga sakin! Hmp!
Bumukas ang pinto ng kwarto ko, nakita ko si Trish na nakapameywang pa "Ano? Aalis paba tayo o dyan ka nalang forever sa harap ng salamin at forever na rin makikipag-titigan sa mukha mo? Kahit dasalan mo yan 'teh, hindi mawawala yang nga anik-anik sa fes mo!"
"Walangya ka!" Hinagis ko sakanya yung concealer ko, alam ko naman na ang panget kona! Ipagduduldulan pa! "Oo na! Ang panget kona!"
Tumawa lang siya ng malakas with palakpak effect pa, napakawalanghiya talaga! Kaibigan ko ba talaga 'to?!
"Tara na mga friends?" Rinig kong nagsalita si Cole.
Saglit na tumigil sa pagtawa si Trish at tinuro pako "Tulungan mo yan, iiyak na e"
Pumasok si Cole sa kwarto ko ng nakakunot ang noo "Anong problema?"
"Ang panget ko,Cole.. Blackheads at Pimples"
Narinig ko nanaman ang pagtawa ni Trish sa likod ni Cole, diko na masyadong pinansin ang ngumuso nalang.
Cole giggled "Akin na nga, ako na bahala" then she started putting some creams and even applied make-up on my face.
"Ayan! Nagtransform kana,friend! Ikaw si Princess Fiona! Pero yung magandang version na,kanina kasi yung ugly version e! Hihi!" Kahit kailan talaga napakalakas mang-asar nito ni Trisha!