1 : The Plan

1 0 5
                                    

[Ito yung ibig sabihin ng pag-uusap nila, alangan namang mag imbemto pa ko ng salitaan tapos sasabihin ko rin naman meaning sa tagalog ehdi  ganito na lang.]

=Unknown Language=

"Kaylangan na po nating mabilisin ang pagpplano ng mga dapat nating gawin mahal na yenahrr." Bourianocuhlah, tagapayo ng pinakamataas at pinakaiginagalang na leonihr.

"Oo unti unti ko nang binubuo sa aking isipan ang mga gagawin nating hakbang aking mahal (term of endearment of high leonihrs to their subordinates). May konting panahon na lamang para iWan natin ang pinakamamahal nating planetang ito. Kung saan tayong mga leonihrs ay namuhay ng payapa at puno ng kaligayahan simula pa noong una." Sabi ng Yenahrr na punong puno ng paghihinagpis, saka tuluyang napaiyak.

Di mapigilan ng Yenahrr ang sarili sa pagtangis dahil sa masaklap na kapalarang dinaranas tng kanyang lahi. Sya at ang buong Legeprivi ay madalas na nagpupulong tungkol sa problemang kanilang kinakaharap, at gaya nya hindi rin mapigilan ng mga zela ang pagtangis dahil sa hinagpis na dala nito. 

Ngunit bilang pinakamataas na kapulungan sa buong Soleonah ay kinakaylangan nilang magpakatatag at mag-isip ng paraan upang maisalba ang kanilang lahi dahil kung hindi, ay tuluyan silang mauubos.

"Mahal na yenahrr kaya natin ito, nagtitiwala ang lahat sa magiging plano ninyo ng buong Legeprivi." Bourianocuhlah

"Salamat sa pagpapalakas mo ng aking kalooban, hindi mo alam kung gaano kalaki ang iyong naitutulong sa akin mahal ko. Ngayon, ipatawag mo na ang buong Legeprivi at simulan na natin ang bagay na dapat nating gawin." Yenahrr

*Legeprivi Meeting*

"Ano nang gagawin natin?" Zela Kriptula of kingdom Krilanti, the sweetest and most friendly among this prestige group.

"Haaaaaayyy nakoooohh...
Yan na nga mismo ang sinabi ng mahal na yenahrr, bakit mo pa inuulit??
Sa tingin mo ba'y nagkaron na ng diperensya ang aming mga pandinig?
Minsan ka rin talaga eh noh." Zela Wellula of kingdom Zebalu, ang pinaka mataray sa grupo pero mapagmahal ding tulad ng mga kasama.

"Hahahaha..
Mga mahal ko tama na yan. Wellula di ka na nasanay kay Kriptula, di lang nya kayang di magsalita.
Pero ang mas importante ngayon ay ang mapag-usapan na natin ang dapat nating gawing plano para sa  ating lahi." Ang yenahrr na si Zharlweyah, ang pinakamahinhin at ang nagsisilbing tagapamagitan sa grupong legeprivi dahil na rin sa kanyang katungkulan.

"Kaylangan na nating maghanap ng planetang maari nating pamuhayan na kagaya planetang ito, ang Soleonah, sa lalong madaling panahon." Zela Nuctazary of kingdom Phizalua, na syang pinakaseryoso sa grupo and most of the time na nagi-start ng suggestion time sa kanila every meeting.

[Pansin nyo naman kasi kung anong nauuna sa bawat meeting nila. Hahaha Kaya out of boredom sinisimulan na nya.]

"Salamat Nuctazary sa pagpapaalala at muli, sa paggawa ng paraan na matigil sila Kriptula at Wellula.
Mga mahal gusto ko lang ipaalam na gumawa na ko ng ilang hakbang para makahanap ng planetang maari nating tirahan." Yenahrr

"Mahal na yenahrr maari po ba naming malaman ang naging bunga ng inyong hakbang?" Nuctazary

"Kanina lang bago ang ating pagpupulong na ito ay nakatanggap ako ng magandang balita galing sa ating mga tauhan. Isang planeta ang kanilang nakita sa isang lugar sa malayong kalawakang kulay puti, at ang planeta ay kulay asul na maaring pamuhayan ng mga katulad nating nabubuhay sa hangin na nasa atmuspera."






Babysitting The Gorgeous PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon