9: Teaching (Part 2)

0 0 0
                                    

"Yan din ang kanina ko pang iniisip. Sumagi sa isip ko na baka ikinulong sya sa kagubatan mula pagkabata nya, yung parang napapanood sa tv. Pero kabaliwan lang yun kasi tignan nyo naman sya, di naman sya mukhang may trauma o nakaranas ng kalupitan."

"Tama ka dyan anak. Para lang talaga syang musmos na dalaga kung titignan. Parang batang walang alam ganoon. Hindi rin naman sya mukang yung mga special child kasi tahimik sya at mahinhin. Eh nga pala anong maiitulong ko sa inyo?"

"There! Turuan nyo po syang maligo sa ngayon nay para makapahinga na sya. Kasi yan nakikita nyong pulang damit nya, lupa lang yan. Hindi ko alam kung bakit lupa ang nasa katawan nya pero sa ngayon kaylangang kaylangan na talaga nyang maligo at matulog."

Habang nagsasalita ako halata kay nanay na nahiwagahan sya nung sabihin kong lupa ang damit na nakikita nya ngayon sa babae. Kaya pinakatititigan ni nanay ang damit.

Hahawakan nya sana ito sa unang pagkakataon pero umiwas ang dalaga. Pero ningitian lang sya ni nanay na parang nagsasabing wala syang gagawing masama.

Siguro'y naramdaman nya ang nais ipahiwatig ni nanay kaya pinahawak na nya mismo kay nanay ang kanyang braso. Namangha si nanay nung una pero hinawakan na rin nya ang parte ng damit sa braso ng dalaga.

"Ay susmaryosep! Lupa nga! Damuhong bata ito bakit ganito lamang ang pantakip sa kahubdan nya. Napakaganda pa namang bata eh. Paano kung hindi pala ikaw ang nakakita sa dalagang ito? Baka kung ano nang nangyari sa kanya. Alam mo naman ang mga lalaki, kahit anong tino kung nalapitan ng palay eh tutuka na lang ng tutuka."

Tuloy tuloy na litanya ni nanay. Nung una'y pagkabigla pero di naglao'y pag-aalala na.

"Ehem! Ehem! Nanay lalaki din po ako."

Sabi ko na tila nahihiya sa sinabi ni nanay tungkol sa mga lalaki. Totoo naman ang sinabi ni nanay tungkol sa mga lalaki. Kung di nga lang siguro ako nanghinayang na baka kasuklaman ako ng dalagang ito, baka nagawan ko na rin to ng kahalayan.

Pero buti na lang talaga't ako ang nakakita sa kanya. Makakapatay ata ako kung mapunta sya sa iba.

"Ay oo nga pala. Pero di ka kasali sa mga lalaking nabanggit ko anak. Eh kitang kita namang di mo pinagsamantalahan ang dalagang ito eh. Inalagaan mo pa nga..."

"AAAAAAAAHHHHHH......."

Napatigil kami ni nanay sa pag-uusap nang humikap na ang babaeng pinag-uusapan namin. Inaantok na talaga sya.

"Naku! Pasensya na ganda nalibang kami ni Zee sa pag-uusap. Tiyak na pagod na pagod ka na. Tara't tuturuan na kitang maglinis ng katawan para makapahinga ka na."

Sabi ni nanay na may buong lambing habang inaalalayan nya ang babae sa bathroom.

"Nay, please pakituruan na po sya ng lahat ng pwede nyang malaman sa loob ng cr. Madali po syang matuto nanay. Naturuan ko na po sya kanina kung pano kumaen at umakyat ng hagdan. Isang sabihan lang at demonstration nakukuha na agad nya. Salamat po."

"Ganoon ba? Eh napakagaling naman pala. Tila matalino din ang dalagang ito di lang maganda. O sya sige Zee ang damit pakikuha na lang dyan sa aparador, meron na ding malinis na tuwalya dyan."

Sabi ni nanay na parang naeexcite sa gagawing pagtuturo sa dalaga. Tuluyan na nga silang nakapasok ng bathroom habang kumukuha ako ng isusuot nya. Kinuha ko na lahat, walang halong malisya para di na magtagal. Kaylangang kaylangan ko na talaga ng cold shower.

*tok! Tok! Tok!*
"Nanay, ito na po yung mga gagamitin nya."

Di rin nagtagal ay binuksan na ni nanay ang pinto at kinuha ang mga gamit at isinara ulit.

Babysitting The Gorgeous PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon