Chapter 1 ~ Yaaaaan... Kasiiiiii...

2.7K 29 0
                                    

Gretch’s POV

“Gretch! Nak! Gising na!” pag gisng sa ‘kin ni Mommy.

Minulat ko naman ang mga mata ko.

“Nak, bangan na jan. Nasa baba na si Robi. Kanina pa.”

O_O

“HALA!!??” malakas na sabi ko sabay bangon.

“Sige na. Maligo ka na. Ako na ang mag-aayos ng kama mo.”

“Thanks Ma! The BEST ka talaga!” sabay yakap.

“Sus! Nambola pa! Manang-mana ka talaga sa Daddy mo.”

Tapos nun na ligo na ‘ko at sinamahan na ako ni Robi pa punta sa dorm. Dalwang araw na rin kasi akong hindi nakaka-uwi sa dorm eh. Miss ko na sina Dzi, Jem at iba ko pang teammates… Especially si Fille, ang best friend ko.

Siya nga pala, ang dami ko nang sinabi hindi pa ‘ko nagpapakilala sa inyo. Ako si Gretchen Ho, 2nd year BS Management Engineering Student at nag-aaral sa Ateneo de Manila University. Nag high school ako sa Immaculate Concepcion Academy at dun ko nakilala si Robi, Robi Domingo, ‘tong cute na chinitong katabi ko… Hihi. ^_^

Nandito na kasi kami ngayon sa kotse niya pa punta na kami sa dorm. Pagdating namin sa tapat ng dorm:

“B, una na ‘ko ah?” sabi niya habang naka-ngiti at naka-titig sa ‘kin.

“Sige. Mag-ingat ka ah.” Sabi ko habang naka-ngiti.

“Sige. I love you.” Kiniss niya ‘ko sa cheeks.

“I love you too!” niyakap ko siya.

Tapos pumasok na ako sa loob. Pagpasok ko nakita ko si Fille, naka-upo sa sofa at nanunuod ng cartoons kaya umakyat na lang ako. Ayoko na siyang istorbohin. Pero bago pa ‘ko maka-akyat sa hagdan:

“HOY! GRETCHEN ONG HO!” malakas na tawag sa ‘kin ni Fille.

Napalingon naman ako. “Oh, bakit?”

“Di mo manlang ba ‘ko babatiin?” -Fille

“Busy ka eh… Pero sige. ‘Hi Fille!’ Ok na?” -Me

“Umakyat ka na nga lang!!!” tapos medyo nag pout siya.

Pag akyat ko nakita ko sina Jem at Dzi naka-upo sa kama ni Fille... For sure pinaalis na naman sila ni A sa kwarto nila… Maingay din kasi ‘tong mga ‘to eh. Hahah. Nilagay ko sa tabi ng kama ko yung bag ko then kinuha ko yung phone ko at nagulat ako sa nakita ko.

Sa Ating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon