Chapter 12 ~ Yuuuuuung Anoooooooo

1.2K 23 0
                                    

Nobody’s POV

Ilang araw pa ang lumipas at ganoon pa rin ang routine nila. Gising, training, pasok sa school, training, tulog… Araw-araw ding hinahatid-sundo ni Dzi si A sa class niya ganun din si Gretch kay Fille kaya naman na iintriga na ang kanilang mga teammates…

Isang umaga bago ang first game nila versus NU…

“Good Morning LOVERS?!” bati ni Jem pagbaba nina Dzi at A.

“LOVERS kayo dyan!? Wala pa nga eh! Atat naman kayo!” sagot ni A.

“Oo nga noh A! Atat naman sila… Kelan mo ba kasi ako sasagutin hah?” tanong ni Dzi.

“Baka ikaw atat jan! Wala ka pangang isang buwang nanliligaw gusto mo tayo na agad?” sagot ni A.

“Awwwwww!!! Hard!” sabi nina Jem, Aly, Marge, Jirah, Mae at iba pang ALE. “Hahahahah!”

Bigla namang bumaba sina Fille at Gretch.

“Oh! Eto pa!” sabi ni Jem.

o_O? <<<--- Fille at Gretch

“1! 2! 3! Go!” sabi ni Jem at bumati naman ang Ale ng; “Good Morning Lovers!!! Hahahahahahahah!”

 

“Baliw talaga kayo!” sabi ni Gretch.

“Totoo naman eh!!! Bat kayo nag date!?” tanong ni Jem.

 

“Hanggang ngayon di pa rin kayo maka-get over dyan sa date na yan? Tagal na nun ah!” sabi ni Fille.

 

“Kaya nga…” sabi pa ni Gretch.

Bigla namang lumabas mula sa kitchen si Kara dahil tapos na siyang magluto.

“Girls, tama na muna yang chikahan niyo. Kumain na tayo may game pa tayo mamaya.” sabi ni Kara.

“Ayey Captain!” at kumain na sila…

Pagkatapos nilang kumain ay pumunta na sila sa gym para mag training…

Stretching…

Jog…

Serve…

Receive…

Sa Ating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon