Chapter 17 ~ DATE <3 :'''''>

1.1K 23 9
                                    

Nobody’s POV

Pagsakay nila ng jeep nagbayad na si Gretch pero di niya sinabi yung bababaan nila…

“Gretch, bat di mo sinabi kung san tayo bababa?” tanong ni Fille.

“Dun na lang pagnandun na tayo.” sagot ni Gretch.

“San ba talaga tayo pupunta?” tanong ni Fille.

“Basta…” sagot ni Gretch.

“Sabihin mo na…” pilit ni Fille.

“O sige. Ganito na lang… Clue na lang ibibigay ko sayo.” sabi ni Gretch.

“Geh.” pagsang-ayon ni Fille.

“Sa lugar na ‘yon ako nagpromise na dadalhin ko dun yung taong mahalaga sa ‘kin ‘pag alam ko nang hindi niya ‘ko iiwan kahit anong mangyari.” sabi ni Gretch.

Fille’s POV

Saan kaya yun? Mukhang special para kay Gretch yung lugar na yun kasi dun niya daw dadalhin yung taong alam niyang di siya iiwan kahit anong mangyari… Bakit ako? Eh alam naman nating lahat na si Robi ang boyfie niya at hindi siya iiwan nito whatever happens…

Gretch!!! Bat ako??? Tsaka bat ganito ka sa ‘kin?? Di ako sanay. Lalo tuloy akong nahuhulog sayo. Baka lumubog na ‘ko at baka dumating yung araw na…… Hindi na ko makawala sa pagmamahal ko sayo…

Nobody’s POV

After few minutes…

“Sa tabi lang po!” sigaw ni Gretch at bumaba na sila.

Napangiti naman si Fille sa nakita niya. “Dito talaga?” tanong niya.

“Oo. Ayaw mo ata eh?” sagot ni Gretch.

“Di gusto ko. Pero bakit ako ang dinala mo dito? Sabi mo dadalhin mo dito yung taong di ka iiwan kahit anong mangyari… Di ba si Robi naman yun?” tanong ni Fille.

“Ikaw yung di mang-iiwan sa ‘kin… Dahil ikaw ang Best Friend ko. Ikaw ang lagi kong makakasama. Alam ko yun.” sagot ni Gretch.

“Pero-” di na natapos ni Fille ang sasabihin niya dahil nagsalita na ulit si Gretch.

Sa Ating DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon