The Break Up

10 0 1
                                    

"What? You wanna break up with me?" Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. I know something is going on between Kei and that girl na classmate niya.

"Yes.. I.. I just.. I think this is not working out Jes. It's not you, It's me."

Wow did he really use that very old unrealistic freaking line?

"That's Bullshit. I know gusto mo lang makawala sakin para makasama yung babaeng yon. I know you very well Kei. Kahit amoy ng utot mo alam ko. Kaya wala kang maitatago sakin." Namula siya sa sinabi ko. E totoo naman e magkababata kami ni Kei, Niligawan niya ako nung pagkagraduate namin ng Grade 6. Naging boyfriend ko siya 1st year high school kami. 4th year na kami now at mag aapat na taon na dapat pero ngayon nakikipag break tong loko na to.

Mahal ko si Kei, sobra, na lahat gagawin ko wag lang siyang mawala. Wag lang niya kong iwan. Kaya ko siyang patawarin kahit gaano kabigat yung kasalanan niya. Ganyan ako katanga.

"That's not true. Wala akong iba Jes, We're just.. we're growing apart you know." Seriously?.

"Stop. Kei. Just Stop. I don't wanna hear your lies anymore. I know everything, para namang hindi mo ko kilala kei. Sa lahat ng tao sa mundo ikaw ang nakakakilala sakin ng sobra. Alam mo na wala kang maitatago sa akin."

Well that's true, Ilang araw ko ng inoobserbahan at iniistalk yung mga social media accounts ni kei at nung girl. Lagi akong dumadaan sa classroom nila at sinisuguro ko na hindi niya ko mapapansin, para lang ma observe ko kung may kababalaghan nga talagang nangyayari.

"I.Know.Everything." Madiin ang pagkakasabi ko. Gusto kong umiyak, gusto kong magwala, gusto kong manakit, gusto kong sugurin yung babae niya at sabunutan hanggang sa mawala lahat ng buhok niya sa katawan! Pero hindi ako yun. Hindi ako ganun. I am this girl who doesn't want any attention. A girl na isasacrifice yung sarili niyang kaligayahan para sa ibang tao. A girl na kahit nasasaktan na e lumalaban padin.

"Alam mo ang masakit kei? Yung kahit alam kong ginagago mo na ko gusto padin kitang ipaglaban, Gusto kong ipaglaban tong relasyon na to. Kaya kong patawarin ka kahit gaano pa kasakit at kalala yung ginawa mo. Ganyan kita kamahal Kei." Tears started falling down my cheeks. Hindi ko na mapigilang maging emosyonal.

Ang sakit sakit pag nalaman mong hindi ka pa sapat sa taong mahal mo, Feeling mo balewala lahat ng efforts mo, lahat ng sakripisyo mo, lahat lahat. Oras, pagmamahal, pagaalaga.

"Please Jes. Ayokong masaktan ka pa. Hindi mo deserve to. Please just let me go." See? Lumabas din yung totoo diba?

Tumahimik ako. Nagisip-isip. Parang sasabog yung utak ko, Yung puso ko parang tumigil sa pagtibok, nanlalata ako at ayaw ko ng gumalaw. Parang nawalan ako ng sigla, parang nawalan ng kulay yung mundo ko.

"It's ok. I understand. I'll let you go kei, kung dyan ka magiging masaya. Sana lang sa susunod na magiging girlfriend mo, wag na wag mo ng uulitin to. Hindi mo ikakagwapo yung panloloko ok?."

Magsasalita pa sana siya

"Ah-ah. No. Don't even try to say something that will make you look more like a douchebag."

Hindi na siya nakaimik, yumuko siya. Tinignan ko muna siya ng matagal bago ako nagdecide na umalis na. Hindi ko kayang makita pa siya, ang sakit sakit ng ginawa niya sakin. Biruin niyo ilang years na kaming magkakilala simula pagkabata, tapos gagawin niya sakin to? Wala bang halaga sakanya lahat ng pinagsamahan namin? Yung mga pangarap na binuo namin? Yung mga plano namin para sa aming dalawa at sa magiging pamilya namin? Lahat yun nawala, lahat yun wala ng kwenta ngayon.

Siguro masaya na siya ngayon kasama ng babaeng yon. Siguro wala lang sakanya yung nangyari.

Iniisip ko palang na masaya sila nung babaeng yun e naiinis na ko.

Win you backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon