The "Plan"

5 0 3
                                    

Ok i know this may sound insane but yes, I agreed to Mike's plan na maging kami.

Maybe you are asking why the hell did i ever wanted to be my ex's bestfriend's girlfriend?

Well my dear that is because i want Kei to be mine again, and mine alone.

Siguro nag tatanong din kayo, BAKIT?

Kasi mahal ko siya. No other reason. I know, I know. Ang tanga tanga ko. And yes! I certainly agree with you. E anong magagawa ko? Mababaliw ako kapag nawala siya sakin.

"You think this plan is gonna work?" I asked. Nakaupo kami ngayon ni Mike sa isang coffee shop malapit sa school namin. Every morning Kei and that girl always buy coffee here. Kaya eto kami waiting for them to come. Sasadyain naming makita nila kami, syempre in a less obvious way.

Its been five months simula ng maghiwalay kami ni Kei. at oo, five months naming pinaghandaan ni Mike tong plano na to. So this better work, or else i will go nuts.

"Of course it will, five months nating pinagplanuhan to no." Sabi niya habang lumilinga linga sa pinto ng coffee shop. Five minutes na ang nakalipas simula ng dumating kami dito, ten minutes na lang e mag uumpisa na ang klase, hindi padin dumadating sila Kei.

"Ten minutes na lang mag start na ang first class natin, ano? hindi pa ba tayo papasok?." Tanong ko, Yes i want this to work as planned pero i am more concern about my attendance and my studies right now.

"Here they come." Titingin na sana ako pero pinigilan ako ni Mike.

"Don't look." Oh yes.

Oo nga pala. Here's the first plan.

Target : Kei and Angel

Location : Coffee shop (malapit sa school)

Scene : Mag aantay kami ni Mike sa coffee shop hanggang sa dumating si Kei at Angel. Mapapansin ni Mike si Kei at tatawagin niya ito para batiin. Kakaway pabalik si Kei at makikita niya ako na kasama si Mike. lalapit sila ni Angel at magka kamustahan. Magtatanong si Kei kay Mike kung bakit kami magkasama, babakas sa mukha niya yung selos at pagtataka. Ngingiti si Mike at sasabihing "Jes and I are together" and then he will run off kasi nasaktan siya sa narinig niya, si angel naman e maiiwan sa coffee shop, still in shocked dahil sa pagtakbo ni Kei at pag-iwan sa kaniya nito. So here's what's gonna happen now. Susundan ko si Kei to ask him why did he run away at sasabihin niyang nagseselos siya at narealize niya na mahal niya pa ako, iiyak ako matotouch at boom kami na ulit. Si Mike naman e ico comfort si Angel na nagulat at maiinlove siya kay Mike dahil sa super gentleman nitong ugali at marerealize niya na ang tanga niya dahil hindi niya kagad napansin nuon si Mike. End of Story. And we lived happily ever after.

"Hey Kei." Binati ni Mike si Kei at kumaway siya dito. Ako naman e kunyaring nagulat at napatingin sa kanila. Masakit padin na makitang masaya siya sa iba. Nakahawak siya sa balakang ni Angel, katulad ng palagi niyang ginagawa sa akin dahil malaki ang balakang ko at masarap daw kasing patungan ng kamay nakaka relax.

Ngumiti ako kahit ayoko.

"Uy Mike, It's been a while ha. Ang hirap talaga kapag hindi na tayo magclassmate, bihira tayong magkita." Yes, nalipat ng section si Mike, nalipat siya sa amin.

"Oo nga e. Kamusta na pala?." Tanong ni Mike kay Kei na papalapit sa amin, nakita ni Mike na para akong natataranta at nacoconcious kaya sinipa niya ako sa paa.

Nagulat ako e, aba magugulatin pa naman ako. E anong magagawa ko? 5 months kong tiniis na hindi makita si Kei para sa plano na to. Para lang hindi niya masabi na apektado pa ako at mahal ko pa siya.

"Ok lang naman. Oo nga pala si Angel, alam ko kilala niyo na siya."

"Of course." Sabay naming sabi ni Mike, hindi namin naiwasang ngumiti sa isa't isa dahil kilalang kilala namin sila no!

Parang nagtataka si Kei.

"Oo nga pala, Bakit magkasama kayo? I mean, naalala ko dati nag kakailangan pa kayo kasi nga naman bestfriend at kababata ko itong si Jes tapos bestfriend din kita kaya medyo alam mo na may selos factor." Natatawa niya pang kinukwento. Nagreminice pa ang mokong na to. at take note hindi niya binanggit na EX niya ako ha!

Kunyaring natawa na lang kami ni Mike.

"Ah so sila pala yung bestfriends mo na palagi mong ikinukwento sa akin." Nakangiting tanong ni Angel, napatingin ako sa kaniya. Hindi ko talaga maitatanggi na maganda siya at maamo ang mukha niya. Aba tumataas ang insecurity level ko sa katawan ha.

"Talaga? So ano pang naikukwento ni Kei sayo about sa akin?" Nakataas ang kilay ko habang nag tatanong kay Angel. ok wala yun sa plano pero naiinis ako e. Nakita kong medyo pinagpawisan si Kei ng kaunti, It's a sign na kinakabahan siya. See? hindi niya maitatago sa akin yon, kilalang kilala ko na siya no. Sinipa nanaman ako ni MIke.

Tumingin ulit ako kay Angel na mukhang nagtataka. Nginitian ko lang siya.

"We'll, Jes and I. We're together." Sabi ni Mike.

"Well yes obviously magkasama kayo ngayon." Nag tanga tangahan pa ang mokong na si Kei. Ito na, Ito na ang scene na pinakahihintay ko. 

"No, I mean. Kami na. Jes is my Girlfriend" Mukhang nabigla si Kei sa narinig niya.

Pero hindi siya tumakbo, katulad ng nasa plano. Ngumiti lang siya.

"Well Congrats bro. Ingatan mo si Jes. At wag mo siyang sasaktan"

Inaamin ko na disappoint ako sa response niya. Ang inaasahan ko kasi e magugulat siya at masasaktan at marerealize niya na mali na pinakawalan niya ako, pero hindi. Mukhang ako pa ang nasaktan.

Pasabi sabi pa siyang huwag akong sasaktan, pero siya ginawa niya!!! Napaka walang hiya talaga nitong lalaki na to pero bakit ba mahal na mahal ko padin siya?!!!

"Mike will never do that. Hindi siya katulad ng ibang tao dyan na walang pakialam sa mararamdaman ng iba. So selfish." Naiirita kong sabi. Alam ko na hindi na kami pare parehong komportable sa sitwasyon ngayon kaya siguro nag-aya na si Angel na pumasok na sila ni Kei. Naramdaman niya siguro yung bigat, yung galit. Dapat lang! Maramdaman nila ang galit ko!

Nagpaalam na sila ni Kei na papasok na, mukhang hindi talaga lahat ng plano nang-yayari

"Well. Mukhang Plan A didn't work." Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung anong gagawin, parang nawalan na ako ng gana sa lahat.

"Hey cheer up Jes, We have Plan B to Z diba? I'm pretty sure may mag wowork dun kaya kapit lang. Don't worry kasi I'm here for you, hindi tayo susuko."

Kahit kinocomfort ako ni Mike hindi ko padin maalis yung sakit at inis ko sa nang-yari ngayong araw na to, pero hindi ko pinahalata kay Mike kasi ayoko namang isipin niya na walang kwenta sa akin yung effort niya kaya ngumiti na lang ako sa kaniya.

Sa mga ganitong panahon hindi ako dapat panghinaan ng loob. I know eventually gagana tong mga plano namin, no room for negative thoughts muna ako.

Mag antay ka lang Kei, mapapasakin ka ulit. You better be ready 'cause I'm gonna give you the best fight ever.

---

End of Chapter 2 :)


Win you backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon