Unexpected Visitor

7 0 0
                                    

"So I've been thinking.." Pinatong ni Mike yung paa niya sa lamesita ng apartment ko.

Yes, nasa apartment ko siya and in case you are wondering, yes nakatira akong mag-isa dito. That is because my parents live in America. Yung other relatives ko naman e nakatira sa province. Only child ako. Nabubuhay ako dahil sa padala ng mga parents ko, and since high school palang ako, may guardian naman ako dito sa Manila. Medyo malayo nga lang siya nakatira.

"Hmm?" Saturday ngayon kaya walang pasok. Nagulat na nga lang ako nung kumatok tong si Mike sa pinto ko e. Hindi ko ineexpect na dadalaw siya. Aba e hindi pa nga ako nakakapag linis no, wala din akong ka ayos ayos!

"How can you live here alone?. I mean, medyo lonely mag-isa diba?." 

"Well, yes. Sinabi mo pa. Pero, wala akong magagawa e, wala dito ang parents ko."

Mike started asking about my family and such. Kinuwento ko naman sa kaniya lahat kasi wala naman akong dapat itago. I'm not very private naman when it comes to stuff like that kaya keri lang. I also ask him about his family. Only child din pala siya and nangungupahan din siya ng bahay malapit sa school. Sa totoo lang kahit madalas kaming magkainitan nung kami pa ni Kei e masarap din palang kasama at kausap itong si Mike, hindi ka mabobore. Ang dami niyang tanong, ang dami niyang mga toipics. Sobrang dami naming napagkwentuhan.

"Grabe, sa sobrang aliw ko hindi ko na namalayan yung oras. O pano Jes, Gotta go."

Sabi niya, tumayo na siya at dumiretso sa pinto. Nginitian ko na lang siya at nag babye.

Suddenly i felt like my room got bigger nung umalis si Mike. Parang ngayon ko lang napagtanto na malungkot ngang mag-isa. Kei used to visit me every weekends e. We all do things together. Minsan nagluluto kami, nag eexperiment ng kung anu-ano. Bibili ng pagkain at manunuod ng horror movies. Nakakamiss.

===

"Jes!. Jes! Gising!." Naalimpungatan ako ng tapik tapikin ako ni Tita Lany sa hita. Nakatulog pala ako kanina habang inaalala yung mga memories namin ni Kei.

"Tita? What are you doing here? How did you get in anyways?."

"The door is open. Naku kang bata ka, e paano kung magnanakaw na pala ako at rapist? Tulog na tulog ka pa dyan, bago ka mag-..." Tuloy tuloy padin ang bunganga ni Tita sa pagsesermon sa akin. So nakalimutan ko palang i lock ang pinto. Ano kayang ginagawa ni tita. Bihira lang kasi siya bumisita dito e.

"Nakikinig ka ba saking bata ka?." Napa Balikwas na lang ako ng pitikin niya yung nuo ko.

"Ouch." Sabi ko hawak hawak yung namumula kong nuo.

"Tita Lany naman e bakit ho ba kasi kayo nandito? May nangyari po ba?" 

"Kita mo na, sabi ko na hindi ka nakikinig e."

Umupo siya sa tabi ko. Ako naman wala pading imik. Ewan ba siguro wala ako sa mood makipag away ngayon o kung ano man.

"Ang sabi ko, tumawag sa akin si mama mo. Pinapasabi niya na kinausap niya yung pinsan mong si Kiara na lumuwas dito at samahan ka sa bahay, para na din may magaasikaso sayo dito." Wait, what? Si Kiara? Oh my God, Mom knows how much i hate that girl. Siya ang pinakaiinisan kong pinsan sa lahat! She's the worst.

"Tita naman, baka ako pa mag asikaso dun e, alam niyo namang burara at kadumi sa bahay yung si Kiara. What is my mom thinking?"

"Aba ewan ko. Yun ang sabi niya sakin e. Baka nagaalala siya na magisa ka lang dito. Bukas luwas niya kaya sa lunes andito na siya." The hell, no way! Think Jes, Think! Kailangan makaisip ako ng paraan para hindi matuloy to.

"Tita Lany." Malambing ang boses ko, tumingin siya sakin ng masama.

"Nakuuuuu kang bata ka. Bakit ganyan nanaman ang tono ng boses mo? Ano nanaman yan?."

"What? Wala no. I'm just thinking, Kung ang gusto lang pala ni Mommy e makakasama ko sa bahay para di ako magisa bakit hindi niyo na lang hayaang ako ang pumili ng makakasama ko?." Brilliant Jes. Ang galing ko talaga magisip.

"Ha? At sino naman yang papatirahin mo dito aber? Wag mo sabihing mag lilive in na kayo ni Kei?." 

"Tita Lany, Hindi po no. Atsaka wala na kami ni Kei. Anyway tita meron na kong makakasama dito. So what i am thinking is.." Hindi siya umiimik.

"You talk to mom and convince her na wag ng pauwiin ni Kiara dito kasi may makakasama na ko dito. And don't worry cause he's a good person I swear.

"Wait, He?."

===

"Come on. If hindi ka papayag then makakasama ko sa bahay yung pinsan kong sakit sa ulo. PLease?." Kanina pa ako nagmamakaawa kay Mike na dito na lang siya manirahan. Hindi ko na nga siya pagbabayarin ng rent e. Libre na lahat, pero ang hirap i convince neto. ANg dahilan niya be baka daw kung anong isipin ng iba, e ano namang pakialam ko sa sasabihin ng iba? I mean wala naman akong ginagawang masama at wala namang akong gagawin na makakaapekto sa ibang tao.

"I understand you jes, but.. I can't.  I'm sorry, parang mali naman ata kasing tumira tayo nsa iisang bahay." Nawawalan na ako ng pag-asa na mapa oo ko tong si Mike. Siguro hahanap na lang ako ng iba.

"Mike!..-" Narinig kong may kumatok sa pinto niya, ang lakas e.

Napilit ko din si tita na kausapin si mama about dun sa pagtira ng pinsan ko dito, and of course napilit niya si mama kaya heto ako kinakausap si Mike. Wala na kong ibang malalapitan e, wala naman akong ibang malapit na kaibigan.

"Oh shit. Wait lang ha, don't hang up."

Habang nag-aantay ako sa kaniya e hindi ko naman sinasadyang marinig yung pinaguusapan nila nung kumatok sa pinto niya no. Sadyang malakas lang boses nung kung sino man yun.

"dalawang buwan ka ng hindi nagbabayad ng renta mo, ano? Idadahilan mo nanaman ba yung pagkamatay ng pusa mo o gagawa ka nanaman ng kwento?."

"Jeez, you don't have to shout you know. Next month pa magpapadala sila mommy. Can you give me one month extension? Promise babayaran ko lahat next month."

"No. No more extension Mr. Kinley. Puro ganyan na lang tayo walang mangyayari sa business ko. I don't want to see you in my house tomorrow morning and that's final."

Woopsie look like someone needs me now. Perfect opportunity. Umaayon talaga sa akin ang tadhana.

Narinig kong iniangat niya yung phone niya.

"I'll take that as a yes."

"Haha. Mukhang nagperform ka ng ritual bago mo ko tinawagan a." Natawa kaming dalawa. May pagka baliw talaga tong si mIke.

"Sira. Sadyang umaayon lang sa akin ang tadhana."

===

Knock! Knock!

There you go. Kanina ko pa inaantay tong si Mike e. Gabi na siya dumating at inaantok na ako.

"Hello room mate." Bati ko sa kaniya, ngumiti lang siya sakin.

Tinulungan ko siya na magpasok ng mga gamit niya sa kwarto niya.

"Salamat Jes."

"Saan?"

"Well kung iisipin mo, parang hindi ikaw ang humingi ng pabor sa akin na tumira dito diba?."

Na gets ko na yung sinabi niya, pero parehas lang naman kaming nakinabang sa naisip kong to e. Kapag dito siya tumira e hindi ko na makakasama si Kiara. Sa part niya naman e may matitirahan na siya ng free. Oh diba.

"Ano ka ba, ang drama mo ha." Natawa ako.

"So now hindi ka na magiisip kung nalulungkot akong mag-isa dito kasi kasama na kita."

Nginitian niya ko, hindi yung natural na ngiti niya.

I found myself looking at him..no, staring at him pala.

"Baka mainlove ka niyan sa akin ha. Makatitig ka wagas e." Pagbibiro niya.

Tinapik ko lang siya sa braso niya sabay  labas ko sa kwarto. Namula kasi ako e, naramdaman ko. Shit ano to? Bakit ako kinikilig?. Damn Baka antok lang ako. Yup, I really need some sleep.

---

End of Chapter 3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Win you backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon