May mga alaala talagang hindi na mabubura, kahit na dinaanan na ito ng taon, magagandang alaala at mapapangit na alaala. Nagagawa pa nilang magparamdam ulit.
"Nakakainis ka! Hindi ka talaga mapagsasabihan!" Nagkabuhulbuhul ang buhok niya sa nakatikom kong kamay, kinakaladkad ko siya pabalik sa kwarto namin. Alam kong mali lahat ng ginagawa ko. Alam kong mali, pero hindi ko mapigilan. Lagi akong may nararamdamang mali. "Ayusin mo mga kalat mo." sigaw ko sa kanya. Kinupkop siya ng mga magulang ko nang magkahiwalay ang mga magulang niya, ama ng batang ito si uncle Jose na kapatid naman ni tatay.
Alam kong mali ang ginagawa ng isang anim na taong gulang na tulad ko sa limang taong gulang na si Rom. Marami akong ginawang mali. Wala sina tatay, namalengke si nanay at nasa kapit-bahay naman si Ben. Naririnig na ng mga kapitbahay ang sigaw ni Rom.
"Mildred! Ano itong sabi nila na sinasaktan mo si Romina?" Hindi pa nakakapasok si nanay, ito na agad ang narinig ko. Nanginginig si Rom na lumapit kay nanay.
"Hindi kasi mapagsabihan, kainis! Hindi ko na mabilang kung naka-ilan ko na siya pinagsabihan, napuno na ako, hindi ko na siya kayang pagtimpian" Nagwawala pa rin ako, may iilang buhok ang nakatakip sa kaliwang mata ko, pinabayaan ko ito dahil naninigas sa galit ang mga kamay ko at baka makalmot ko pa ang mukha ko kung hahawiin ko pa ito.
"Mas bata siya kaysa sayo. Kaya kailangan ikaw ang magparaya." Sa sinabi ni nanay naintindihan ko na kung bakit nakakaramdam ako ng inis, ng galit, lahat ng mali. Hindi na ako ang bunso. Kung dati sariling gamit ko lang ang kailangan kong intindihin, hindi na ngayon. Andito na si Rom, kailangan ko siyang bantayan, magparaya at intindihin. "Ikaw na ang magpulot ng ginawa niyang kalat." Mas lalo akong nainis sa sinabi ni nanay. Nakakaimbyerna!
Matapos noon hindi ko na linalapitan si Rom para maiwasan ang pananakit ko sa kanya. Naglalaro ako mag-isa kapag naglalaro sila ni Ben. Naglalaro pa rin akong mag-isa kapag nakikipaglaro siya sa mga anak ng kapitbahay.
"Gusto mo?" Linapitan niya ako, nakalahad ang palad niya na may candy.
"Ayaw!" Inirapan ko siya at umalis ito sa harap ko.
"Mildred, magiging schoolmate na natin siya sa darating na pasukan" bulong saakin ni Ben.
"Eh ano ngayon?"
"Eh ano ngayon." Ginaya niya ako sa maliit at pangit niyang boses. "Makakasama na natin siya sa school malamang!"
"Tapos?" irita kong tanong.
"Grade four na ako sa pasukan at malapit na akong maggraduate."
"Oh tapos? meron pa namang two years ah!"
"Isipin mo nalang," Nagbilang siya gamit ang kamay niya. "meron ka pang two years na kasama ako at wala kang problema pero pag naggraduate ako, four years ka niyang maso-solo." Nakangiti ito habang nakakunot ang ilong, alam niya na ayoko mangyari yun. "Hindi mo na yun mababago." tumawa siya. "Kaya kung ako sayo, kaibiganin mo na siya habang bata pa tayo."
"Eh anong gagawin ko kung ayaw niyang makinig sa akin?" nayayamot kong tanong. "Kung magsusumbong ako kina nanay, ako lang naman ang ipapagawa. Kung hindi ko naman gawin at pabayaan siya ako naman ang pagagalitan. Parang siya pa ang anak kaysa sa akin!" Nagkibit-balikat lang ito sa mga tanong ko. "Tignan mo, kahit nga ikaw hindi mo rin alam kung ano ang dapat kong gawin."
"Kung tanggapin mo nalang kasi."
"Hiiih. Dati ok lang ako, kasi alam ko na kung ano ang dapat kong gawin, tinuturuan ko lang siya tapos siya pa ito ang ayaw makinig, ako pa ngayon ako pa ang masama?" Pinipigilan kong kurutin si Ben sa inis.
BINABASA MO ANG
Remember, Mildred.
ChickLitMemorya. Alaala. Gunita? meron pa bang ibang choices of words? Tanging ang memorya natin ang makapag papaliwanag sa kung sino tayo at sa mga dahilan kung bakit ganito ka o ako kung kumilos. Sa memorya natin nakatago lahat. Mga pangyayari, mga araw...