4. Benjamin Salvador

109 13 17
                                    

"Ayaw ko nga niyan, ilayo mo." Marahan kong itinulak palayo ang kamay niya para hindi ito mahulog sa kumot ko. Nanonood ako ng animal documentary tapos papatayin niya lang bigla-bigla.

"Ang tigas naman ng ulo, konting subo lang naman." Linapit nanaman saakin ni Ben ang kutsara sa mukha ko. "Kung hindi mo ito kakainin mag request ako sa doctor mo na ibalik ang NGT mo?"  nakaramdam ako ng panlalamig sa mga braso ko sa sinabi ni Ben. Almost two months na mula nang inalis sa katawan ko yung tubo na nakasaksak sa ilong ko para daanan ng pagkain papunta sa tiyan ko. Hindi, ayaw ko nang maramdam ang tubo na iyon sa lalamunan ko. "Mabait naman pala!" masayang sambit ni Ben nang binukas ko na ang bibig ko para kainin na yung pagkain na ibinigay sa akin ng hospital.

"Ibang tao nalang ang ipabantay mo sa akin." Kunot noo kong reklamo.

"Huwag kang magsalita habang kumakain kung ayaw mong ituloy ko yung banta kanina."

"Ako nalang magsubo sa sarili ko. Kaya ko naman na."

"Ako na para masiguro kong kakainin mo itong lahat."

"Yung lugaw nalang, sayo na yung ulam." sabi ko nang akma niyang lagyan ulit ng togue ang kutsara.

"Kailangan mo ng gulay, kailangan mo lahat ng sustansya sa buong mundo." Gumuhit pa siya ng bilog sa ere gamit ng kutsara, naiinis na siya.

"Busog na ako." Pagsisinungaling ko, malakas ang lasa nung mabahong togue, hindi ko alam kung paano ito niluto pero alam kong hindi ito ginisa, at alam kong kailangan deretcho itong mapunta sa tiyan ko para hindi ako makareklamo.

"Naka-isang subo ka palang. Sabi ng doctor dapat daw may pagkain ang tiyan mo kahit mga tatlo hanggang limang subo. May physical therapy ka pa mamaya, nguyain mo yan ng mabuti."

Naka-abang na sa mukha ko ang kutsara, kunot ang noo ko tinignan ang kutsara at siya habang mataman na inoobserbahan ang pag-nguya ko. One month na ako nagpi-physical therapy at may lakas na rin ako "Apat na subo o palalagyan na kita ng NGT."

Wala akong magawa kundi tanggapin ito "Nakakainis ka naman." daing ko.

"Lunukin mo muna ang pagkain mo bago magsalita." Natahimik ako sa sinabi niya.

"Yan ok na apat na yung nakain ko. Ikaw naman ang kumain jan." nakahinga ako ng malalim pagkatapos kong lunukin ang pagkain ko.

"Inom ka ng konting tubig." Pinagmamasdan parin niya akong uminom. Nang contento siya sa nakita, ginawa na niya yung para sa kanya.

"Monday na bukas kaya uuwi na muna ako ng bahay ngayon gabi." Inalis niya sa movable table ang tray ng hospital at ilinapag dito ang pananghaliang pinadala nina Celia, hinayaan ko munang makakain siya ng una niyang subo bago nagsalita.

"Bakit nung una akong nagising yung mga kaibigan mo lang ang dumalaw sa akin?" Kunot ang noo niya sa tanong ko "Sina James? Diba kaibigan mo sila?" Napatigil ako sa pananalita nang napagtanto kong busy sina Bernadette. Baka nasa abroad sila ngayon at naghahanap buhay, may boyfriend na o nagkaroon na ng asawa at hindi nila ako madadalaw ngayon. Biglang nagbagting ang ulo ko nang naalala kong pitong taon na pala ang nagdaan. Hindi, nawalan ako ng pitong taong memorya.

Tumikhim siya bago nagsalita "Yung mga taong dumalaw sayo, epecially si James, naging kaibigan mo siya sa loob ng ilang taon," Tumaas ang mga kilay ko sa sinabi niya, ilang taon? apat, tatlo o dalawang taon? "ipapaliwanag nalang namin sayo ni tito Greg ang lahat kapag ok ka na."

"Pero hindi ba ok na ako ngayon?" Bahagyang tumaas ang tono ko, unbelievable! Kaya ko na nga ang tumayo at maglakad ng ilang oras pero hindi ako pinapalakad o tumayo lang man ng ilang minuto ni Ben, hindi ko alam kung may balak pa siyang palabasin ako dito kahit fully recovered na ako. "Sabihin niyo na kasi."

Remember, Mildred.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon