Lagi nalang. Sa impluwensya ng mga panaginip ko, may ilang pagkakataon na bumabalik ako sa gabing yun.
"Kapit babangga tayo!" Umaalingaw-ngaw ang boses ni tatay.
Sumakit ang lalamunan ko sa pagsinghap, parang nalunod ako sa madilim na panaginip. Masakit ang mata ko nang iminulat ko ito, nararamdaman ko na ang mga daliri ko at nabibigatan ako sa mga braso ko. Puting kisame, mahinang ilaw galing sa bintana at may isang nurse sa kanan ko, meron siyang tinurok sa IV fluids ko dahil may nararamdaman akong hapdi na kumakalat sa ugat ko.
Sinilip ko ang whiteboard na nasa paanan ko, NURSE FOR TODAY: LESLIE. seventh nurse ko. Hindi ko alam kung ilang araw na mula sa paggising ko, yung pagpalit lang ng mga nurse ang ginagawa kong basehan.
Tumingala ako sa nurse. Lagi ko itong ginagawa, ang magsalita. Sana hindi ako mabigo ngayon. "Ilang araw na ako... dito?" Naghalo ang matinis at paos sa mahina kong boses. Lumingon siya sa akin, gulat at ngiti ang nakita ko sa mukha niya. Lumapit siya saakin at itinapat ang tenga sa bibig ko. Kailangan ko pa pala ulitin ang sinabi ko. "Ako.. kailan pa dito?" Naramdaman ko ang paos sa lalamunan ko, nadama ko ang paninikip dito, naiintindihan ko na ngayon kung saan papunta ang tubo na nakakabit sa mukha ko, nakasuksok ito sa ilong-dito dumadaan ang mga pagkain ko.
"Three months no po kayo ma'am in coma." Lumayo ang mukha ng nurse sa akin "Tatawagin ko lang po muna ang doctor" Kumaripas na ito ng takbo, naiwan pa niya ang mga gamot sa tabi ko. Three months na pala akong nakaratay dito. Three months from the accident.
Pumasok na ang doctor sa kwarto ko, nagmamadali ito at biglang napatigil. Hinay-hinay niya akong linapitan kasama ang parehong nurse sa likod niya. Parang mga taong nakakita ng sugatang hayop, nakapako saakin ang malalambot niyang titig. "Naalala mo kung ano ang pangalan mo?" tanong ng doctor.
Akala ko hindi ko na kailangan magsalita pero nakikita ko sa mga mata niya na kailangan ko itong sagutin. Katulad ng nurse inilapit din ang tenga niya sa bibig ko para sa sagot, nakita ko ang nameplate niya. Dr Gino Andiman.
"Mildred Salvador." Ininda ko ang sensasyon na ibinibigay ng tubo sa lalamunan ko.
"Alam mo ba kung nasaan ka ngayon?"
"Uhumm" Maiksi kong sagot. Lumalabo ang paningin ko dahil sa namumuong mga luha sa mga mata ko.
"Nalaalala mo kung bakit?"
"Aksidente, kami lahat. Magulang ko... si Ben." Lumayo ang mukha ng doctor sa sagot ko, walang emotion ang mukha nito ngayon at kinausap ang nurse na nasa tabi niya na.
Lumingon ito ulit saakin at nakangiti habang bahagya namang nakakunot ang mga kilay niya. "Magpahinga ka." Tumalikod na ito at lumabas kasama ng nurse dala-dala ang mga gamot. Bakit ako nakakaramdam ng panghihinayang sa mga titig ng doctor?
Wala nang ibang ingay kundi yung mga apparatus na ginagaya ang pagtibok ng puso ko at pump na nagbibigay ng oxygen sa katawan ko.
Bakit hindi ako dinadalaw nina Ben? Nasaan na kaya sina nanay? Sina Celia lang ang dumadalaw ng madalas sa akin, ang iba ay kaibigan na ata ni Ben o ni Celia. Kinapa-kapa ko ang kaliwang kamay ko dahil iniiwan ng nurse ko ang remote control sa kamay kong hindi tinuturukan. Binuksan ko na ang malapad na TV. Huli kong nakakita ng TV ay nung gabi bago ng party, hindi pa ganito ka lapad ang TV nun. Parang salamin ito sa lapad at nipis, dito ko rin tinitignan kung anong oras na dahil walang relo sa ward ko, 5:30 na ng umaga sabi sa morning news.
Sana dumalaw dito sina James para naman kahit hindi nila alam patatawanin nila ako ulit pero wag nalang, baka kulitin lang ako nung James na magsalita. Sana yung mga kaibigan ko naman ang pumunta dito, hindi puro mga kaibigan ni Ben ang laging nasa paligid ko.
BINABASA MO ANG
Remember, Mildred.
ChickLitMemorya. Alaala. Gunita? meron pa bang ibang choices of words? Tanging ang memorya natin ang makapag papaliwanag sa kung sino tayo at sa mga dahilan kung bakit ganito ka o ako kung kumilos. Sa memorya natin nakatago lahat. Mga pangyayari, mga araw...