KAPRE

788 6 0
                                        

                 Ang kapre ang tinaguriang "big foot" ng Pilipinas. Ito ay isang maitim, mabalahibong higante na mahilig diumanong manigarilyo ng tabako. Masangsang daw ang amoy kapag may kapre sa paligid. Mahilig itong manatili sa taas ng malalaking puno tulad ng balete, matandang acacia, o di kaya’y puno ng mangga.

Tinatakot ng kapre ang mga batang mahilig maglaro sa gabi. May kasabihan na kung ikaw ay naliligaw at parang paikot-ikot sa iisang lugar, baliktarin lamang ang suot na damit dahil malamang napaglalaruan ka ng kapre.

Ang sabi ng matatanda, ang kapre ay di naman napagpahamak na nilalang. Huwag lamang daw sisirain o puputulin ang kanyang tirahan. Maari daw mag-iwan ng pagkain sa paanan ng puno kung saan nakatira ang kapre, hudyat na ikaw ay kaibigan niya.

WAKAS

HORROR STORY (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon