Umuwi na sila Pequi.
Nagligpit lang ako bahagya tapos umakyat na din ako sa kwarto. Tumungo ako sa may veranda, bitbit ang Macbook ko. I opened it and start logging-in in facebook. I searched Joedy Salazar , hindi naman ako masyadong nahirapan sa paghahanap dahil unang search ko pa lang ay siya na agad ang lumabas. I saw na mutual friend sila ni Coach Vince pati na rin ni Pequi.
Clinick ko ang DP niya. Pinakatitigan ko sya'ng mabuti. Ano'ng nagustuhan sa kanya ni Pequi? Morena siya, Maputi naman ako. Maikli ang buhok niya, shiny naman ang long hair ko. Model type lang siya pero pang Ms. Universe naman ako. Hahaha. Ang bad ko na ata. Clinose ko yung DP niya at nagpunta ako sa Abouts niya.
Sa Amercium din siya nag aaral, Tourism ang course. Mahilig sa softball sports and 'in a relationship' na siya? Ha?! kanino? kay Pequi ba? or sa iba? Hmmm alam kaya ni Pequi 'to?
Binalik ko ulit sa profile niya tapos clinick yung mga Photos niya. Akala ko may makukuha ako dun pero nakaprivate lahat ng photo niya. My gaaaaadd! ang hirap naman makakuha ng impormasyon sa babaeng ito, Kainis!
Sinarado ko ang laptop ko. Umayos ako ng upo at nagrelaks. Tinaas ko pa yung dalawang paa ko sa isang upuan habang nakatingala at pinagmamasdan ang kalangitan.
Nakita kong may dumaan na bulalakaw. Pumikit ako at nagwish.
'Sana maging akin ka na..'
Kinabukasan...
*DING*DONG*KNOCK*KNOCK*KNOCK*
"Coming!!!"sigaw ko.
Damn! I'm effin late! Nakatulog pala ako sa veranda ka gabi, inabot ako ng ala una medya, kung di pa tumawag si Ayelle sa akin di pa ako magigising. Napaulanan pa tuloy ako ng sermon bago ako napasok sa kwarto kagabi.
*KNOCK*KNOCK*KNOCK*
"Pababa na!!" mapipigti na yung litid ko sa leeg sa lakas ng sigaw ko. Tumakbo na ako pababa para pagbuksan ang gwapitong mahaba na ang nguso sa sobrang pagkairita sa akin.
"Sorry babe." paumanhin ko.
"Tara na." masungit na utos niya sabay talikod sa akin.
"Ang bagal mo kasi." gatong nung bubwit sa likuran ni Pequi.
Pinandilatan ko na ng siya. Gagatungan pa kasi e.
Sabay-sabay kami naglakad papasok ng school. Malapit lang din naman kasi. Hindi naman ako gumagamit ng sasakyan t'wing papasok. Alam mo na low profile. Dinadaanan naman ako lagi ni Pequi para may kasabay akong pumasok.
Malapit na kami sa gate ng Amercium University ng may dumaang kotse sa gilid namin. Bumisina ito at huminto. Binaba yung bintana at malapad ang ngiting binati si Pequi.
"Good Morning Pequi."
"Good Morning." bati din ni Pequi.
Ang ganda na sana ng umaga kung hindi lang sumulpot 'tong si Joedy.
"Tara na BABE, late na tayo." singit ko sabay hatak sa kanya palayo. Sinandya ko lakasan yung Babe para umabot sa pandinig ni Joedy.
"Selos hehehe."mahinang bulong ni Perui na di ko naman narinig.
Hindi pa kami gaano'ng nakakalayo nang bigla na lang niyang inalis yung kamay ko sa braso niya.
"Mauna na kayo ni Perui, babe."
"Ha? Pero bakit? malelate tayo niya."giit ko kahit na alam kong aantayin niya lang yung babaeng yun.
"Hantayin ko lang si Joedy."
![](https://img.wattpad.com/cover/9136763-288-k530708.jpg)
BINABASA MO ANG
Beasts of Quintuplets ||Volume 1||
Teen FictionWe have identical face but different traits, Same age but different fate, We are rich kids but not too much bitch Ask our name but never forget our hair, We are Quintuplets so better prepared. ^Q^ || Beasts of Quintuplets : Ayelet Montecillo || Sig...