Chapter 5

12 0 0
                                    

*Poke*Poke*Poke*

"Teka lang.." nagcoconcentrate kasi ako sa pagdadrive e. Mauunahan ko na kasi yung kalaban. Naglalaro ako nang GT Racing yung bang car racing na nilalagyan ng token.  Konti na lang, konting konti na lang talaga tanaw ko na ang finish line. 

"Te Ayeleeet!" sigaw ni Perui.

Sa gulat ko umikot yung manibelang hawak ko. Oa na kung OA pero nanlaki talaga ang mata ko sa nangyari. Imbis kasi na mag over take ako dun sa inuunahan kong sasakyan e natuluyan akong napaliko  sa may damuhan. Nanalo tuloy yung kalaban. Tsk! Sa banas ko nahampas ko yung manibela. Sayang!

"Perui naman e. Nandun na ko e! konti na lang!" reklamo ko habang sinasamaan siya ng tingin. Wala man lang akong makitang bahid ng pagsisi sa ginawa niya. Binigyan niya lang ako ng poker face. Dinekwatro ko yung mga braso ko at ngumuso.

"Ano bang kailangan mo? Wala ka na bang token? Oh eto may dalawa pa'ko" iniabot ko sa kanya kaso hindi naman niya tinanggap. Ni hindi man lang nga sinulyapan e. 

"Do you know what time is it?" tanong niya. Kunot noo akong tumingin sa wrist watch ko at takang sinagot siya.

"It's eleven thirty." 

"Exactly." para bang naamaze na nasagot ko ng tama yung tanong niya. Lalo pa akong nagtaka.  

"So ano naman kung-waaaaaaaaaah!" bigla akong napatayo ng may marealize. Omaybebegulay! "Eleven thirty na?!" sa pangalawang pagkakataon ay sinulyapan kong muli ang aking relos. Sheet! oo nga. 

"Eleven thirty na nga."

Tumango siya. "Uhuh."

"Waah! Bakit ngayon mo lang sinabi?! Patay tayo! gabi na pala." sabi ko habang inaalong alog ang balikat niya.

"Ano ba ate nahihilo ako." saway niya sa akin. "Kanina pa kasi kita inaayang umuwi e. Gutom na ko!"

"Bakit ngayon mo lang kasi ako kinulit!" sita ko habang natatarantang hinagilap sa bag ko yung cellphone. 

"Kanina pa kaya." sagot niya.

Nang mahanap ko ito ay agad kong swinipe yung screen para tignan yung 20 messages at 50 miscalls na galing sa kapatid niya at mga kapatid ko. Deym! Iniopen ko yung huling message na galing kay Pequi at mukhang pinagsisisihan kong binuksan ko pa ito.

MyForeverBABE:

AYELET! WHERE THE FUCKING ARE YOU????!!!! WILL YOU ANSWER YOUR  GODDAMN PHONE!!!

Huhuhu patay talaga ako nito. Galit na si Babe, naka capslock na siya oh. Ito naman kasing batang ito ba't pa kasi naaya-aya ako dito e.

"Kasalanan mo 'to e!" sisi ko sa kanya.

"Kasalanan mo din kaya ate!"

"Hindi! kasalanan mo."

"Hindi! kasalanan mo." pang-gagaya niya.

"Sino ba nag aya?!" tanong ko.

"Ako!"

"Ikaw naman pala e. So kasalanan mo!"

"Nah! Diba pumayag ka?!"

"Oo!"

"Edi kasalanan mo din. Bakit ka pumayag?!" 

"Arrghh! Tara na nga! mapapatay ako ng kuya mo." Nginisian niya lang ako. Di na ko nag abala pang makipagtalo. Hinatak ko na agad siya palabas.

Paglabas namin. Sobrang madilim na pala. Wala na dumadaang sasakyan pati tao wala! Mukhang kaming dalawa na lang ni Perui ang gising.

Beasts of Quintuplets ||Volume 1||Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon