Noong unang panahon ay may roong isang baryo na pinangalanan na baryo kagandahan, ngunit kabaliktaran ang mga taong nakatira dito.May mag asawang lara at leo na malapit nang magkaanak.
Isang araw habang si lara ay nanunungkit nang mga damit ay napatingin sya sa kalangitan at agad syang nasilaw pero puro ulap lamang ang naroon sa kalangitan.
Nang isinilang nya ang kanilang anak na babae ay namangha ang buong bayan dahil sa taglay na kagandahan at kulay dilaw na buhok nito, pinangalanan nilang mara.
Nakakasilaw ang kagandahan ni mara hanggang sya ay nag dalaga. Marami ang nagbadyang manligaw sa dalaga ngunit kahit sino man ay walang nakakuha ng puso nya. May ilan ding kababaihan ang naiinggit sa kagandahan ni mara.
Isang araw ay tumungo si mara sa kagubatan para kumuha ng mga maliliit na kahoy, ng makita nya ang isang makisig at matipunong lalaki na ngayon lamang nya nakita.
Ang lalaking ito ay galing sa ibang baryo at tumungo lamang sa baryo ng kagandahan para mangaso, ang kanyang pangalan ay adolfo.
Lumapit sya sa lalaki at nagpakilala, nagulat ang lalaki dahil akala nya ay isang dyosa si mara. Nag pakilala rin sya rito kayat nagkwentohan sila sa ilalim ng punong awin at di nila namalayan na gabi na pala kaya hinatid ni adolfo si mara sa kanilang tahanan.
At nang makaalis na si adolfo ay pinagsabihan si mara ng kanyang mga magulang na wag nang makipag kita kay adolfo dahil walang tiwala ang mag asawa sa lalaking nagugustohan ni mara.