Simula noon ay dumadalas na ang paghingi ni adolfo kay mara ng pera at okey lang kay mara iyon dahil alam naman sya na sa nanay ni adolfo mapupunta iyon, at simula din nun ay madalas na syang mangupit sa kanyang mga magulang.
Lumipas ang ilang linggo ay dumadalas naman ang di pagsipot ni adolfo sa kanilang tagpuan naisip naman ni mara na baka inaasikaso lamang ni adolfo ang kanyang ina.
Sakabing banda naman ay nalamamn na nang mga magulang ni mara na kumukuha si mara ng pera.
Ilang araw na si mara ay nahihilo at naduduwal kaya't nag tataka na ang ina ni mara. Gustong patunayan ni lara na buntis nga ang anak nya. At dumaan na ng ilang araw ay napatunayan na ng ina na nag dadalang tao nga ang anak nya dahil nag lilihi ito.
Kinausap nya ang kanyang anak at umamin naman si mara na may namamagitan sakanila ni adolfo. Inindindi na lamang ng kanyang magulang ang kanilang anak dahil sigurado naman daw si mara na pananagutan sya ni adolfo.
Isang buwan na ang nakakalipas at di parin nagpapakita si adolfo at lumalakina ang tyan ni mara kalat na rin sa buong baryo ang kalagayan ni mara kaya naman pinagtitinginan sya sa tuwing naglalakad sa daan.
Pumunta ulit si mara sa dati nilang tagpuan at inaasahan nyang nandoon ang ama nang kanyangpinag bubuntis. Naghintay sya at di nya namalayan na nakatulog na pala sya at ng magising sya ay nakita nya si adolfo na katalikod at aalis na ito.
Pinigilan nya at lumapit niyakap nya ito mula sa likuran. Sinabi nya na nagdadalang tao sya at humarap sa kanya si adolfo at inilayo sya sa pag kakayakap nya.
Sinabi ni adolfo na di nya mapapanagutan ng bata dahil kasal na sya sa ibang babae at meron na rin syang anak.
Umalis na si adolfo at naiwan si mara na nakatulala at umaagos na ang luha nito.