alamat ng araw

2.1K 10 1
                                    

Di sinununod ni mara ang bilin ng kanyang mga magulang nakipag kita parin sya kay adolfo. Naging tagpuan na nila ni adolfo ang lugar kong saan sila nagkakilala ni mara sa puno ng awin.

Araw araw na silang nag kikita at nahulog na ng tuloyan ang loob ni mara kay adolfo, mahal na mahal na nya ito at alam nya na ganun din ang nararamdaman ni adolfo sa kanya.

Makalipas ang tatlong buwan na pagkikita nila ni adolfo na patago sa mga magulang ni mara.

Araw ng lunes ay nag tungo si mara sa tagpuan nila ni adolfo ngunit pag dating nya dito ay wala pa si adolfo. Naghintay sya buong hapon ngunit wala parin. Dumilim na ang langit ngunit wala parin ang anino ni adolfo nag aalala na si mara para sa kanyang minamahal. Napag desisyonan nya na umuwi na lamang sa kanilang tahanan.

Kinabukasan.

Ay tumungo ulit si mara sa tagpuan nila ni adolfo at laking tuwa na lamang nya na nandon si adolfo na nakaupo sa ilalim ng puno.

Agad agad syang lumapit kay adolfo at niyakap nya ito.

Itinanong nya kung bakit hindi sya nakapunta kahapon, agad namang nagbago ang emosyon ni adolfo at naging malungkot sya. Sinabi nya kay mara na nagkasakit ang kanyang ina at kaylangan nya ng pera para sa gamot nito.

Naawa naman agad si mara sa sitwasyon ni adolfo at agad syang umuwi para kumuha ng pera pero di sya nagpaalam sa kanyang magulang dahil pag nalaman ng kanyang magulang ang dahilan ay papagalitan sya.

Bumalik sya kay adolfo at ibinigay nya kay adolfo ang pera na kinuha nya.

Natuwa naman si adolfo kaya't niyakap nya si mara.

At umuwi na si adolfo para daw makabili na ng gamot ng nanay nya.


Alamat Ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon