One Last Chance (Part 2)

6 0 0
                                    

"Shakira may Leukemia ka sabi ng doktor sa akin kani kanina lang,, 3 buwan na lang ang natitira mo dito sa mundo"- Saimon
(may kalungkutan sa boses)

Kita ni Shakira sa mukha ni Saimon na nalulungkot siya ng malaman niya na may sakit siya...

Ngunit ng marinig ni Shakira ang balita kay Saimon akala niya niloloko lang siya nito ngunit seryoso at malungkot ang tingin ni Saimon kaya mukhang di nga magagawa ni Saimon na lokohin siya dun sa sakit niya...

Marahil alam niya sa sarili niya na malalaman ito ni Saimon at di niya masisisi ang panginoon na matutungo rin siya sa kamatayan ang kaniyang buhay...

Umiyak ng sobra si Shakira sa harap ni Saimon at hinagod nito ang likod para pagaaalahanin ito...

Kaya napagisipan nila na umalis na lang sa hospital at dumiretso na sa Apartment nila

>Apartment<

Nang nasa Apartment na sila nag-usap sila tungkol sa karamdaman nito at umamin na rin si Shakira kay Saimon na may sakit na siya nung bata pa sila

Di magawang magalit si Saimon dahil alam niya kaya niya ito nilihim sa kanya to marahil ayaw siya pagalahanin nito...

Masaya silang dalawa,,kahit alam nila na konti na lang ang natitirang araw nito sa mundo...

Subalit gagawin ni Saimon ang lahat para maging masaya si Shakira sa mga natitira niyang araw sa mundo...

( 2 MONTHS  LATER )

Lumipas na ang 2 buwan ngunit malubha pa rin si Shakira ngunit kahit lumipas na ang 2 buwan ay nanatili nilang masaya  sa isa't - isa...

Sa 2 buwan marami na silang nagawang masasayang ala ala

Nagkuha sila ng litrato sa isat -isa

Nagkuha ng litrato ng mga kaibigan ni Shakira

Pumunta sila sa dati nila paaralan nung Elementarya at Sekondarya nila nung bata pa sila...

Nagpasyal sa buong bicol at ang mas ikinasaya ni Shakira ay yung naging sila ni Saimon

Alam nila na pag naging sila may isang masasaktan ngunit di nila pinansin ito basta't alam nila na mahal na mahal nila ang isa't- isa...

Napag - isipan din ni Saimon na magpakasal na sila ni Shakira kahit alam niya na mawawala din ang babaeng mahal niya sa mundo

Ngunit wala siyang pakelam

Basta ang gusto niya ay pakasalan niya ang babaeng mahal niya sa harap ng altar at sa harap ng diyos

Pagkatapos ng kanilang kasalan ay pinagpatuloy pa rin nila ang kanilang pag-aaral

Ngunit dumating na ang araw na kinatatakutan ni Saimon...

Dahil Isang araw

nahimatay si Shakira kanina sa Laboratory Room kaya dinala niya agad si Shakira sa pinakamalapit na Hospital sa paaralan nila ..

Halos 2 oras na siyang naghihintay sa Emergency Room ngunit di pa rin lumalabas ang doktor .. .

Ngunit naaalala niya ang huling usap nila ni Shakira kanina sa Apartment nila bago pa sila pumasok sa klase nila....

( FLASHBACK )

>Apartment<

"Saimon salamat sa lahat..sa pagmamahal mo sa akin, sa pag aalaga at sa pag aasikaso mo sa akin... Pasensiya na kung sakiting tao ako ah.. pero tatandaan mo Saimon na kung mamamatay man ako ngayon, pinapalaya na kita at papayagan na kita magmahal ng iba na bukod pa sa akin at di rin sakitin tulad ko. Pero kung hindi ako mamamatay ngayon,sana ganito pa rin tayo .."- Shakira

One Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon