Lumabas ako ng opisina ko matapos ang pag-uusap na iyon. I instructed my secretary to send me my schedules for tomorrow in my email.
Dahil sa iritasyon ay napagdesisyunan ko na umuwi na lamang ng bahay. Nang papalabas na sana ako ay nagtaka ako sa dami ng tao.
"Shit!" bulalas ng taong nasa harap ko.
Nakayuko siya na parang pinipilit na itago ang mukha at umiwas sa nagdaragsaang mga tao. What the hell is happening? Good thing, the guards and staff saw the mess. Mabilis nilang hinarang ang sarili sa dami ng tao.
Ngunit ang mas ipinagtaka ko ay hindi ako ang dinaluhan nila para lumabas. It was the man in front of me.
"Ma'am, sabay na lang ho kayong lumabas ni Sir." saad ng isang guard na nakapansin sa akin.
Wala akong nagawa kundi sumuong sa dagat ng tao at sumabay sa paglalakad ng lalaking iniiwasan ko. Our shoulders met but I don't have the time to think about that. Pareho kaming nakayukong dalawa at naghahanap ng daang palabas. Ang malilikot na kamay ng mga tao ay paminsan-minsang dumadapo sa braso o buhok ko.
"Aray!" mahina ngunit mariin kong sambit nang tumama ang isang braso ng di ko kilalang tao sa pisngi ko.
Ramdam ko ang hapdi ng pagtama nito kung kaya't napahawak ako sa pisngi ko. Tila lumagapak ang mga daliri nito sa pisngi ko ngunit wala naman akong magawa dahil alam kong di naman yun sinasadya. Isa pa, kumpol-kumpol na ang mga tao dito sa loob kung kaya't kailangan ko agad na makalabas. The crowded place looked like a maze for me. I need to find its end for me to be free.
"Are you fine?" he asked me as he turned to me.
Nabitiwan ko ang kamay kong nakahawak sa pisngi ko. Napataas ang kilay ko sa tanong niya. It was comforting but I need to alarm myself.
"Yes." sagot ko.
Maayos na sana ang lahat ng pagmamaldita ko kung hindi lang ako muntikan ng matumba dahil sa mga malilikot na galaw ng mga tao. Mabilisan niyang sinangga ang sarili niya para di ako tuluyang mamudmud sa sahig.
Ang kanyang braso ay pinulupot niya sa leeg ko para magabayan ako sa paglalakad. The heat coming from his arms are sending different sensations down to my spine that I wanted to stop. I know deep inside me that it is pure and strong hatred.
"Duck. We'll take the fire exit. The media are outside." utos niya sa akin gamit ang napakahinang boses.
Dahil sa desperasyon kong makalabas na rin lang sa masikip na lugar na ito ay sinunod ko ang payo niya. Slowly, we took a step back and made our way to the fire exit.
"Ang KiefLy ba yun?" yan ang tanong na siyang nagpakaba sa akin.
Paniguradong madami ang nakarinig sa sigaw na iyon dahil sa mas dami ng narinig kong mga tunog ng pagkuha ng litrato. Iyon ang naging hudyat namin para kumilos nang mas mabilisan.
Ilang mura ang kumawala sa bibig ko nang tuluyan na kaming makababa at mawala sa paningin ng mga tao.
Kasabay ng paghingal ko ay ang pagbuhos na napakadaming ideya sa utak ko. May nakakita sa aming dalawa. That's for sure. Pictures will surely flood in the media because a Kiefer Ravena, who is internationally popular right now is seen with me.
I can clearly see how people will judge and rate me. These thoughts are slowly killing me right now. Noon pa man ay nagpasalamat na akong medyo humina ang pagsuporta sa akin ng mga tao dahil na rin sa gusto kong magsimula ng panibagong buhay na simple at hindi na pinag-uusapan. Pero ngayon ay mukhang babalik na naman ata ako sa dati.
"That was fun!" natatawa niyang sabi kasabay ng kanyang paghingal.
I looked at him at raised an eyebrow. Seriously? He thinks that event's funny? I smirked at him in irritation.
"Nakakatuwa ba yun? Have you lost your mind? Ugh!" I said in gritted teeth.
I can't believe him! He really thinks this is funny, huh? Di ba niya naiisip na baka pag-usapan na naman siya? Or is he really that immune to fame? Paniguradong magagalit ang girlfriend niya.
"Oh come on, Miss CEO." sabi niyang nakapamulsa.
He smirked. And slowly, he was coming near me. Our eyes met and locked. His face is only inches away from mine. I want to move so bad but it will just give him an idea that he still affects me which isn't true.
"Are you still affected with something in the past, Alyssa?" he confidently said as he stressed my name.
Pinanindigan ko ang hindi ko paggalaw. Gusto kong lumunok pero di ko iyon pwedeng gawin sa ganitong sitwasyon sapagkat maaaring iba ang pagkakaintindi niya. I slowly raised an eyebrow again. Ganito ba ang gusto niyang laro? Pagbibigyan ko siya kung ganoon.
"Wag kang masyadong kampante sa mga akala mo sa akin, Mr. Ravena. I am not the same Alyssa you used to know. Keep that in mind!" may diin sa bawat salita kong sinabi bago siya tinulak palayo sa akin.
He's getting into my nerves. Tinalikuran ko siya at hinanap ang sasakyan ko. Nang makita ay agad ko itong binuksan at saka pumasok. Muli kong binalingan ng tingin ang direksiyon niya. He was their standing with an amused face looking at my direction. I know he can't see me since my car's tinted. But basing on the way he looks at me, it seems like he know that I am also looking at him. Fuck! I must go.
Pinaandar ko ang makina ng sasakyan ko at saka nagsimula magmaneho. Nang makita niya ang pag-andar ng sasakyan ko ay nag-iba ang ekspresyon sa mukha niya. Mukha na itong iritado at galit.
See, Mr. Ravena? You don't know the newest version of a Valdez.
Sa harapan niya talaga ako dumaan para mas asarin siya at naging epektibo naman iyon. Ang kanyang mukha ay di na maguhit pa sa sobrang iritasyon. Pinaharurot ko ang sasakyan ko at lumabas sa underground parking space ng Ally's.
He started the game. So why not play him, right? Kung noon ako ang natalo, sisiguraduhin ko na ngayon ako naman ang mananalo.
"Mommy! Mommy! Is it true?" salubong na tanong ni Kien pagkapasok na pagkapasok ng sasakyan ko sa gate.
Lumabas ako ng sasakyan ko nang maayos ko ng mailagay ang sasakyan ko sa garage ng bahay. Sinalubong ko ang anak ko ng halik at yakap.
"Mommy, is it true?" ulit niyang tanong na di ko maintindihan?
"What's true, baby? I don't get you." tanong ko sa anak ko nang papasok na kami sa bahay.
"That Kiefer Ravena of the Celtics is in Ally's." saad ng anak ko na siyang nagpakaba sa akin.
Shit! Ang bilis ng balita. I almost forgot that my son is a fan of the Boston Celtics. This is crazy!
"Uhm, I don't know, baby. Mommy's busy a while ago." pagsinungaling ko sa anak ko. "Come on, join Mommy eat in the kitchen." saad ko para maiba ang usapan.
Several curses are already in my mind. Bakit ganito pa? Tanggi ako ng tanggi sa bawat pamimilit ni Kien na pumunta sa Ally's para patunayang andoon nga ba ang isa sa iniidolo niya. Damn you, Mr. Ravena!

YOU ARE READING
Mend Her (The KiefLy Trilogy #2)
AléatoireShe pleaded. She begged. She kneeled. But he never forgave her. And worst, he left her. Left her with undying agony and pain. Left her with memories of him. Naging wasak ang buhay ni Alyssa sa pag-iwan sa kanya ni Kiefer. Ngunit sinubukan niyang kal...