Prologue

34 7 1
                                    


I never knew a teenager could be capable of loving someone with the opposite sex dearly.

Tandang tanda ko pa ang mga kasabihan ng matatanda sa mga kabataang nai-in love kuno.

"Naku, pagsintang pururot lang 'yan. Lilipas din."

"Maraming pang isda sa dagat."

"Ang paghanga, iba sa pagmamahal."

"Bata ka pa."

Iyang mga katagang iyan ang naging basehan ko at ipinamuhay ko. Naniwala akong masyado pa akong bata para magmahal pero nagkamali ako.

I fell head over heels in love.

Inalis ko sa utak ko ang mga sabi-sabi ng matatanda. Mas pinagana ko ang puso ko kaysa sa isip. Nagpakatanga ako para sa isang lalaki.

Akala ko hanggang sa mga koreanong idolo ko lang ako hahabol at kikiligin ng matindi. Akala ko sa kanila lang ako magmamahal, aasa at magpapakatanga pero nagkamali na naman ako.

4th year high school ako nang mahumaling ako sa isang napakagwapong nilalang.

"Uy, narinig niyo ba na may new student daw?" Bulong ni Jamaica sa amin ni Savannah.

"Oh, talaga?" Sarkastikong sabi ko saka nagpagulong ng mata. Itong si Savannah naman ay humarap sa kaniya at nagpakwento pa tungkol sa bali-balita.

Hindi na ako nakinig sa kanila. Hindi naman kasi talaga ako interesado sa mga transferee. Kadalasan kasi pangit at walang dating ang nagta-transfer sa school namin.

Tuwing may transferee na lang nadi-disappoint ako. Grabe naman kasing gumawa ng ingay tong mga kaklase namin. Lagi namang walang kwenta yung transferee! Hindi naman kulelat ang school namin. In fact, nasa Top 5 nga lagi ito pagka may events- academic man o extra-curricular. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit ang school yata namin ang bagsakan ng mga loser.

Nagsimula na ang klase pero 'di pa rin matapos-tapos ang bulong-bulungan ng mga kaklase ko tungkol sa transferee. Kairita!

Mr. Vasquez cleared his throat and the rest of the class fell silent.

"Children," he called. We're like seventeen and he calls us children? What's wrong with this guy? "Naririto na ang bago ninyong classmate. Dito sa inyo mapapabilang ang transferee."

Muling umingay ang klase at kitang kita ko ang kinang sa mga mata ng mga kaklase ko. Ayan, umasa na naman kayo. Kayo rin ang masasaktan sa huli.

"Sir, chicks ba yan?" Tanong ng isang kaklase kong lalake.

"I'm sorry, Mr. Siat, but he's a guy." Saad ni Mr. Vasquez.

Nadismaya ang mga lalake samantalang yung mga babae ay halos magpalakpakan ang mga tainga sa kilig.

Ewan ko sa inyo.

"Good afternoon, Sir." Bati ng isang lalaki pero di pa namin siya makita dahil nahaharangan ng pinto. Siya na siguro yung transferee. In fairness, maganda ang boses niya.

"Come in, please." Utos ni Mr. Vasquez.

A guy wearing a faded tattered jeans and a v-neck shirt came in. He turned his head to the class and smiled while waving his hand gracefully. 

Dumagundong ang tili ng mga babae sa buong klase. Halos himatayin naman 'tong dalawang katabi ko. But I won't argue. Hot 'tong isang 'to. 

Matangos ang kanyang ilong, manipis ang mga labi, at maganda ang mga mata na may mahahabang pilik. Ibang iba siya sa mga unang nag-transfer dito sa school.

"And your name is?" Myka, one of our classmates, said teasingly.

"I'm Ice Severino." Lumapad ang mga ngiti niya at muli siyang kumaway sa buong klase.

Head Over Heels In Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon