Chapter 2

10 3 1
                                    

CHAPTER 2

Nasa hallway kami ngayon sa tapat ng pinto ng function hall na papagdausan ng party.

"Wow, ang ganda mo bes!" Bati ni Jamaica.

"Ngayon lang 'yan kasi birthday mo." Pang-asar naman ni Savannah.

"Naku, kayo tigilan nyo nga ako at pumasok na kayo dun!" Saway ko sa dalawa.

I've known these two for as long as I can remember. Hindi ko lang alam pero mukhang nag-usap usap pa ang mga magulang namin na pangalan ng lugar ang ipangalan sa amin.

"We haven't mention yet who our dates are." Nakangising sabi ni Savannah bago tumalikod.

"Who?!" usisa ko.

"You'll know!" Sigaw ni Jamaica habang naglalakad palayo.

Jamaica just broke up with his ex. Savannah takes no one seriously. Sino kayang nabingwit ng dalawang 'yun? Tss.

Nagkibit balikat na lang ako saka pumwesto na sa tapat ng pinto. Nagpapawis ang kamay ko. Daig ko pa ang ikakasal sa kaba. Lels.

Maya-maya, bumukas na 'yung pinto saka nagsalita 'yung host.

"Ladies and gentlemen, let us all welcome the presence of our debutant, Miss Sydney Vera Baylon!"

Masigabong palakpakan ang sumalubong sa akin. Kitang kita sa mukha nila ang saya. Huminga ako ng malalim saka nagbigay ng matamis na ngiti at kumaway.

I walked down the aisle wearing a white and pink floor-length tulle dress.

All eyes were on me. This should be the happiest day of my life. I'm turning legal.

I can see Mommy, Daddy, Earl, my friends and some relatives. There are tons of people but there's someone I want to see.

Ice.

Hindi ko alam kung pupunta siya. He had seen my message but he didn't answer. Seenzoned. I'm still hopeful, though.

I hope magbago ang isip niya at pumunta siya dito. I'm still keeping my hopes up. After all, hindi naman siya tumanggi.

How can he say no? Ang ganda ko kaya sa picture. Hmp!

Nang marating ko ang harapan, nag-play ang music na sa palagay ko ay waltz. Automatic na gumawa ng linya ang ilang mga bisita. May isang linya sa kanan at meron din sa kaliwa.

I was about to walk in the midst of the crowd when my gaze met someone at the end of the hall, right where I stood a while ago.

Ice was there.

Uminit ang mga pisngi ko. Kung wala akong make up palagay ko ay halatang halata ang pamumula noon. Gusto ko sanang bawiin ang tingin ko at magtago. Though, that would be too obvious.

Nagsimulang lumakad si Ice patungo sa gitna. Nang marating niya iyon ay naglahad siya ng isang kamay. Lumingon ako kay Mommy at tumango naman ito. Kilala n'ya na kasi si Ice. Nakita nya yung picture nito sa Facebook. Sinabi kong si Ice 'yung bagong transferee. Alam nya ring inimbitahan ko ito. Of course, I didn't told her I like him. I just made her think, I invited Ice out of politeness. Clever, wasn't it?

Tinahak ko ang papunta kay Ice at inabot ang kamay niya. Nang makapwesto na kami ay lumakad na rin ang mga lalaking panauhin para puntahan ang partners nila. Nakita kong sumasayaw na ang ilan kasama sina Mommy at Daddy.

"You really know how to make an entrance, huh?" I said to break the ground.

Ngumiti lang si Ice saka ko lang napagtantong magkahawak pa rin pala kami ng kamay. Bumaba ang tingin ko dito. Hindi niya pinansin 'yun bagkus kinuha niya ang isang kamay ko at ipinatong sa balikat niya. Ang isang kamay naman niya ay inilagay niya sa baywang ko. Nagsimula na siyang sumabay sa tugtog.

Head Over Heels In Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon