Chapter 24

591 5 0
                                    

"AHHHHHH!!!!!" tili niya.

"Anong ginagawa mo dito!!" sigaw ni Yumi na itinulak siya sa kama. Kaya nahulog si Ryu.

"Aray! L-ikod ko!" daing ni Ryu na hindi makatayo.

"Hoy! Kahit magkunwari ka pa, wala akong pakialam!" sabi ni Yumi pero nag aalala na rin siya.

"Ahh! Ang.. Sakit.." sabi ni Ryu na hindi makatayo.

O___O teka..

Nasaktan nga yata siya..

"Ryu!" at nag-aalalang lumapit agad dito.

"Ikaw naman kasi.. Anong ginagawa mo dito?" hindi niya alam ang gagawin.

...Nang biglang hilahin siya ni Ryu at magkalapit ang mga mukha nila..

(Tug..tug..tug..) bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko?

"Masakit un ha! Kelangan ko yatang gumanti."

"Ha? Ka-si ikaw! Bakit ka nandito?" sabi niya na medyo ilang parin dahil ang lapit ng mga mukha nila.

Unti-unting lumapit ang mukha nito..

Oh no.. wag mong sabihing...

Napapikit siya..

Biglang sumakit ang ilong niya!

My Arrogant FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon