Chapter 30

567 4 0
                                    

Agad niya itong iniligtas at iniahon.

"Yumi! Gising!" sigaw ni Ryu.

Wala pa rin itong malay. Nagdesisyon na si Ryu. Dahan-dahang bumaba ang mukha niya dito.

Pagdilat ni Yumi ay eksaktong nasa ganoon silang sitwasyon.

O________O

Si Ryu... hinahalikan akooo?????

Sa sobrang pagkabigla ay itinulak

niya ito.

"A-nong.. ginagawa mo sakin!" parang tangang lumayo siya dito.

"Thank God! Akala ko kung napano ka na.."

"Ano? Eh bakit mo ko.. Hinali.." hindi niya masabi.

Napahawak na lang siya sa kanyang labi..

"Hindi iyon halik.. that's CPR.." sabi nito.

"Ha???"

"Magbihis ka na. Baka magkasakit ka." At pumasok na ito ng bahay.

CPR??? KAHIT NA! HALIK DIN UN! AND THAT'S MY FIRST KISS!!!!

Pumasok siya sa kwarto niya at nagpalit ng damit. Parang pang-asar naman na biglang bumalik sa ala-ala niya ang nangyari kanina..

Parang.. medyo sumama ang pakiramdam ko.. isip niya na dinama ang sarili..

Humiga siya sa kama at nagpahinga.

~~~~~~~~~~~~

Pumunta si Ryu sa kwarto ni Yumi.

"Yumi, mag order na lang tayo for dinner?" tanong niya pero walang sumasagot.

Pumasok na lang siya at nakitang pinagpapawisan ito na natutulog.

Pagkahawak niya sa noo nito ay para siyang mapapaso sa sobrang init nito.

Shit! Maysakit siya!!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Yumi!" nakangiting tawag sa kanya ni Vincent minsan habang masaya silang naglalaro sa may Garden.

"Bakit? Vincent?" tanong niya na nakangiti. 10yrs old na sya nun.

"Gift ko pala sayo.." nahihiyang iniabot nito.

Ngumiti siya at binuksan ang regalo nito. At mas lalong napangiti ng makita ang isang libro "A Love Story". Parehas kasi silang mahilig magbasa.

"Espesyal yan.. Dahil 2 libro lang niyan ang meron sa buong mundo" proud nitong sabi.

Pagkabukas niya ay naintindihan niya kung bakit. Sulat kamay lang kasi ito kaya talagang sila lang ang magkakaroon noon..

"Ikaw ang gumawa nito?" hindi makapaniwalang sabi niya.

"Yhup! Pasasalamat ko sayo dahil kahit mahirap lang ako.. naging bestfriend kita..." nakangiting sabi nito.

"Salamat! Pero may hindi ako nagustuhan sa sinabi mo...."

"A-no un??"

"Yung sinabi mong KAHIT NA MAHIRAP LANG AKO... Mali un Vincent.. hindi mo dapat minamaliit ang sarili mo.. Dahil sa mata ng Diyos, walang mahirap at mayaman.. Pantay-pantay lahat.." sabi niya na ngumiti.

"Talagang napakabait mo Yumi.. kaya Crush kita eh!" nakangiting sabi ni Vincent.

"Crush? Bata pa tayo!" at natawa si Yumi.

My Arrogant FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon