There are things in life that are so difficult for us to understand. And meron namang easy lang, but we are the one who make it complicated. Ang buhay nga talaga, napaka-komplikado. Kagaya nalang ng istoryang ito, simple lang sya ngunit dahil sa walanghiyang author na ito, hindi naging madali ang lahat. HAHA. Ready ka na ba’ng makinig ng mga walang kwentang bagay? Kung oo, basahin mo ito. Kung hindi naman, babasahin mo pa rin. Gets?
Love is like playing volleyball. Masaya ka sa iyong paglalaro ngunit kung hindi naman mapupunta sa iyo ang bola, nagrereklamo ka. At kung para sa iyo naman, nag-aalinlangan ka kasi takot ka.
“Kaya ko ba talaga to?”
“Paano kung mapahiya lang ako?”
May bubulong sa ating isipan na “huwag!” Kaya ayun, napakawalan mo yung bola. Ang ending? Ehhhhhhhk! Talunan ka! Hay pag-ibig! Bakit ba kasi may mananalo at may matatalo? Hindi ba pwedeng “fair” lang ang laban? Hay naku! Ngunit ang tanong, may ibang laro pa ba? Bakit ba kasi sinasayang lang natin ang pagkakataon? Tsk. Tsk. Tsk.
Pero ang mas mahalaga, may natutunan tayong aral sa kabila ng mga kabiguan. Kailangan lang nating makapag-relax para manalo sa susunod na laban. Kasi kung may mahal ka, matuto kang lumaban.
Huwag na nating patagalin pa, hali na kayo at tunghayan ang makulay na istorya ng pag-ibig, pag-asa at kabiguan. Close your eyes and welcome to the world of Celine and Nicho!