Chapter 2 "I'm having a bad day!"

109 2 16
  • Dedicated to Alypie Arong
                                    

Chapter 2 "I'm having a bad day!"

“Miss, okay ka lang?” wait, his voice sounds familiar. I slowly open my eyes and was shock to see him! Oh my! My prince charming turned into a terrible monster!

“Ikaw na naman?”  Aba! At sabay pa kaming sumigaw. Destiny ahh! Sya na siguro ang inilaan para sa akin. Inalaan para sirain ang buhay ko. Kainis! Bumitaw ako sa pagkakapit sa kanya at inayos ang sarili.

Ano ba yan! Kinikilig pa naman ako kanina. Hindi ko talaga alam kung ano ang meron sa lalaking ito bakit bad trip na bad trip ako sa kanya. Makaalis na nga.

“I was sure that you and I were bound by fate. Hope to see you again, princess!” hindi ko masyadong narinig yung mga binibigkas nya. Lumingon ako sa gwapong stranger, grabe! Hindi ma-describe yung smile nya. Kinikilabutan ako!!! Hindi ko alam ang kanyang mga pinagsasabi. Ano ba yun?

Tinalikuran ko nalang sya. Sobrang slow kong mag-walk at pumasok  na ng classroom na parang pagong kung makalakad. Nasa utak ko pa rin ang mga nangyayari kanina. Nung sa daan, yung pagkabangga namin at ang huling mga salita na kanyang binitawan. Naramdaman kong may parang bomba na sasabog sa parte ng aking katawan. Hinawakan ko yung chest ko, sobrang lakas ng tibok ng aking puso. “dugdug dugdug dugdug”

“Oyyy Celine! Ang ganda ng scene nyo kanina kasama nung lalaki ahh.”

“Alam mo? Bagay kayo!”

“Ayeeeee! Hindi pa nga sya naka-get over oh!”

Wala na talaga ako sa tamang pag-iisip. Kaya naman hindi ko namalayan na meron palang mga audience na naka-witness sa banggaan kanina hanggang sa pagpunta ko ng classroom na tulala. Nakakahiya!

“Itigil nyo na yan at baka hindi na makapaghanda si Celine sa kanyang contest.” Natunghayan rin pala ni Miss Elaiza ang pangyayari. Grabe. She’s wearing her captivating smile despite of the fact that I am late. She’s damn pretty! Her stunning beauty and pleasing personality makes Sir Jiro fall in love with her. Kaya naman idol na idol ko sya.

Pero teka, anong contest ang sinasabi nya? Wala naman akong natatandaan na contest na paparating ahh. Tapos na yung Math & Science Quiz Bowl  kung saan champion ako. Last August pa yung presscon in which 2nd place lang ako. Super galing and genius nung nanalo eh, fourth year. Sya lang naman yung second crush ko. Syempre, first si baby Sam ko noh. Hehe. Sayang, hindi ko na natandaan yung school nya. February na kaya ngayon. Foundation day lang naman ang meron, at wala namang contest for “brainy” and “witty”. Dun lang naman ako magaling ehh.

“Anong contest po Miss Elaiza? Wala naman po ehh.”

“Naku Celine! Hindi mo alam? Ikaw lang siguro ang walang kaalam-alam ah.”

“Sorry po talaga Miss, pero wala talaga eh. Hehe.” Ang inosente ko naman para ako lang ang walang alam. Ano kaya?

“Best! You’re one of those gorgeous ladies who will fight to win the crown! ” sabi ni Lenie, bestfriend ko. Remember my watch na binigay nya?

“Anong crown?” wala talaga akong “earth” sa mga pinagsasabi nila.

“Kasali ka sa Mr. & Ms. Valentine!” sabay-sabay nila akong sinigawan. Araaay! Ang sakit sa tenga.

“Anong Mr. & Ms. Valentine na pinagsasabi nyo? Hindi ako marunong dyan noh.” Ano ako, tanga? Eh hindi naman ako kasing-ganda ni Pinky ehh. Siya kasi yung nanalo last year. Simple lang ako. Simple!

“Kayung dalawa ni Pinky ang napili ng mga teachers as representatives ng third year.” paliwanag naman ni Miss Elaiza.

I give my bestfriend a “tulungan mo naman ako” look. Nag-grin lang sya. Waaaah! Wag mo naman ako iwan sa ere best, please?

“Oh diba best? Bongga! Ang babaeng libro lang ang inaatupag ay meron ding ibubuga sa pagandahan! It’s your time to shine best!” nag-add naman si Lenie. Hayy, bestfriend ko talaga. Ang traydor L hinding hindi na talaga kita ililibre ng lunch. Swear!

“Pasensya na talaga, sadyang hindi ko talaga kaya.” Maawa naman po kayo sa akin. Wag nyo naman po akong i-torture!

“Ooopppps! No ifs, no ans and no buts. Okay? Don’t worry best, we are here to support you, right guys?”

“YESSSSS!” at kasabwat talaga silang lahat ha?

“Basta, natatakot po ako. Wala talaga akong hilig sa mga heels and gowns. Mapahiya lang talaga ang batch natin. Pasensya na po talaga…..” pumunta na ako sa upuan ko.

“Hayaan nyo nalang si Celine class, magbabago rin ang isip nyan. ”

Anong nakain nila at ako ang isa sa mga napili? At kasali pa si Pinky. Destiny ko ba talaga to? Kung minamalas nga naman.

“Ang malas mo talaga best! Hindi mo pa nadala yung project mo sa Chemistry. Paano na yung pagiging top 1? Haha.” pinagtatawanan pa ako ha? Tumahimik ka best! Lang’ya ka! Hindi mo ako tinulungan kanina.

Nag-sip lang ako ng paborito kong pineapple juice. Nandito kami sa canteen ngayon eating lunch. I mean, brunch for me coz I don’t eat breakfast. Libre ni bestfriend, para naman daw mapagaan yung loob ko.

“Best? Why you didn’t help me last time? ” hindi mo ako kinampihan nung kailangan talaga kita.

“Eh bagay ka naman talaga para dun eh! Ayaw mo nun? Baka magka-boyfriend kana after that.”

“Tsee! Huwag mo nga’ng ipaalala sa akin na NBSB pa ako. Darating rin yung lalaki na para talaga sa akin. He will wait for me and we’ll be together, when the right time comes.”

“Wait for me wait for me ka dyan! Speaking of boylet, infairness, bagay kayo ni Mr. Handsome! Kung sya na talaga best, wag mong pakawalan ha? Don’t wait for the right time baka mahuli na ang lahat! Pagsisihan mo yan.”

“Mas gustuhin ko pa’ng maging NBSB forever kesa maging boyfriend sya” hay nako best, di mo talaga naiintindihan.

“What if kilala ka na nya noon pa? At kaya lang nya nagawa yun para mapansin mo sya? Ayaw mo pa rin ba sa kanya?”

“Tssss. Kulang pa ba ang kinakain mong fried chicken best? Gusto mo bilhan kita ng isa pa? Para naman ma-function ulit yang brain mo at hindi ka na magsasalita nang kung ano-ano. Okay?” mas grabe pala kung mag-isip ang isang ‘to eh.

“Ano ka ba best, syempre joke lang! Para naman magkaroon ka na ng lovie dovie noh and you’ll live happily ever after.”

“Hayy naku! Happy ever after is not true. We have a never-ending journey and incessant challenges. Atsaka hanggang nandito pa si Pinky sa buhay ko, happy ever after won’t exist.”

“Speaking of the devil. Nandito na sya best! At hindi sya nag-iisa ha, kasama yung dalawang alien na kagrupo nya” tumingin ako sa kanyang tinuro. Tama sya, at hindi lang sila nandito, papunta pa sila sa amin. At heto na sila, papalapit ng papalapit. Ano naman kaya ang problema ng narcissistic na ito?

“Hey Celine! Are you insane? At balak mo pa talaga akong kalabanin ha? Back off! Well, hinding hindi mo makukuha ang korona ko at sisiguraduhin kong mapapahiya ka. Kaya kung ako sayo, mag-back out ka nalang. Good luck dear, pagsisihan mo ang desisyon mo. Let’s go girls!” umalis na ang mga bruha. Kinakabahan na talaga ako.

“Don’t listen to that nasty girl best, you’re far better than that b*tch.

Neseyeneenglehet, okay?”

“Haha. Ay sezs! Asa naman na affected ako? She’s not worth it, right?” I manage to smile. Kailan kaya mawawala si Pinky sa buhay ko?

“Maldita talaga yang Pinky na yan noh? Pinagsasalitaan pa si

Celine ng ganyan.” May naririnig kaming mga reaction ng mga taong nandun.

“Ate Celine! Kasali ka pala sa Mr. & Ms. Valentine? For sure ikaw ang mananalo. Good luck!”

“Good luck Celine, wag kang magpapatalo kay Pinky ha?”

At ayan na nga, ang dali naman ma-spread ng good news! Hindi pa nga alam ni mommy at hindi pa ako ready. Makakain pa nga. Gutom ehhh!

RIIIIIIIIINGGGGGGG! Lunch break is over.

[Looking for Chapter 3? Sorry, it's currently not available right now.]

By ChanceWhere stories live. Discover now