Chapter 1 “Introducing Me”
“I love you, Celine”
“I love you more, Sam” hahalikan na sana ni Sam si Celine nang biglang----
“Celine! Gumising ka na dyan baby at male-late kana! May pa-Sam Sam ka pang nalalaman ha.! Haha.” tawang-tawa habang pinapalo ni Myrna ang anak niyang nanaginip na naman ng kanyang idolo na si Sam Conception.
“Aray ko po mommy! Maganda na sana yung panaginip ko. Huhu.” Nagsimula nang dumilat si Celine habang hinahaplos ang kanyang kanang binti na pinapalo ng kanyang mommy.
“Baby, it is the best way. Sometimes you really need to wake up in reality. Okay? Sige, bumangon ka na dyan at ayusin mo ang higaan mo. ” umalis na ang kanyang mommy.
“Yes Ma’am! Ano ba to, waking up is hard to do and sleeping is impossible too (parang kanta lang?). ” bumangon na kaagad sya at tiningnan ang oras.
“Huwaaaat? It’s already 7:16 a.m! 8:00 a.m na yung pasok ko. Ano ba ‘yan! Ang malas naman! Huhuhuhu. ”
Celine’s POV
***
Hi! I am Celine Gail Reyes, 15 years young and a junior student from St. Paul Academy. I am Friendly, amiable, intelligent and pretty. Nyahahaha. Feeler na ba ako? Pero napaka-moody ko at kung minsan, madali lang akong ma-HB as in “high blood”. But don’t you worry, mabait ako ^grins^ :D. Hehe. I’m lazy sometimes. No, not sometimes. ALWAYS! I don’t know but sadyang hinahabol talaga ako ng gravity dito sa mundo. Ang lakas ng force! And that’s it, I’m always LATE.
And speaking of late, I’m in a hurry right now waiting for a tricycle. Sezs! Kailan kaya babalik yung driver namin? He’s actually having a vacation in his province, matagal na raw kasi syang hindi nakauwi doon. One week na akong nag-tricycle, yeah! Hindi ako maarte.
How I wish babalik na si manong! L Hindi naman sa nagrereklamo about tricycle, sadyang napakalupet lang talaga ng tadhana. Kung kelan ko pa sya kailangan, wala sya dito. Waley naman akong daddy, he just passed away when I was 8 because of heart attack. At ako ang susunod sa kanya. Hindi, joke lang! Hehe. Pero pwede nalang din kung gusto mo. Joke ulit! ^simpers^
Tiningnan ko ang relo ko, naku! 7:50 na! Tapos tumingin ulit ako sa daan baka meron nang tricycle. Ansaklap! Wala pa rin. Tingin sa relo, tapos sa daan. Tumingin ulit sa relo tapos sa daan. Ginawa ko yun for how many times, hindi ko na nga mabilang. Limang minuto na ang lumipas ngunit wala pa rin ang aking hinahanap. Haaaaay! Tiningnan ko ulit ang favorite watch ko na bigay ng bestfriend kong si Lenie at pinagmasdan ang paggalaw ng segundo. Wala na talaga akong chance!
“Araaay! Hindi ka ba tumitingin, ha?” sa sobrang busy kong magpakatanga, hindi ko na namalayan na muntik na pala akong masagasaan ng bicycle. Ansaket ng braso ko! Super T_T
Bigla niyang hininto ang bisekleta at tumingin sa maamo kong mukha. “Sorry miss.” Kitang kita sa kanyang tantalizing eyes ang pag-aalala. Ang gwapo nya! Maputi, matangkad at good boy naman. Super seductive!
Tseee! Hindi nya ako madadala sa kagwapohan noh! Never ko syang pagnanasaan! Pero teka, we are on the same school!
“Excuse me! Hindi mo ako madadala sa sorry-sorry mo. Are you blind? Gusto mo to? Ha?” I told him with contempt while pinapakita ko sa kanya ang bagsik kong kamao. Astig to eh! Hehe.
“Sorry na nga…. Ang ganda-ganda mo naman para maging masungit, madali kang tatanda niyan!” feeling ko namumula ang pisngi ko. Excuse me lang po, hindi sa kinikilig, ngunit sa galit! Grrr. I can’t accept the fact I’ll hate this good-looking guy in front of me. Kung hindi lang sana mataas ang pride ko.
“I don’t care! I don’t need your opinion, you bastard!” sige na nga, total nasimulan ko namang maging maldita, itotodo ko na talaga to. ^snorts^ nagsimula nang tumutulo ang aking mga luha.
“Umiiyak ka? Hindi ko naman talaga sinasadya eh. Sorry na talaga miss, please? Gusto mo sumakay ka nalang sa akin?” haha. Nakakatawa yung mukha nya. Lol.
“Umalis ka nalang! L Atsaka sabi ni mommy, don’t talk and go with strangers. I don’t know you, mister!” tinalikuran ko nalang sya at doon na nag-emote.
May dumating na na tricycle. Agad agad akong sumakay. “Oh iha, pinaiyak ka ba nong boyfriend mong pogi?” hindi manong, nagkakamali ka. Hindi ko sya kilala at lalong hindi sya pogi, hideous beast! Yan ang perfect definition nya. Hindi nalang ako nag-abalang sumagot kay manong.
Nakarating naman ako sa paaralan. Nagmamadali akong lumalabas sa tricycle. Paglabas ko, maraming bumabati sa akin na nasa lower years. “Good morning ate Celine!” I give them my killer smile. “Hello!” Ganito na talaga ang istorya, marami talaga akong mga kaibigan. Hindi ko na nga ma-memorize lahat sa sobrang dami. Hehe.
Kaya naman pinipilit ko nalang ang sarili kong ngumiti to show respect even if nag-alala na talaga ako. Ayaw ko kasing ma-disappoint si Miss Elaiza, yung gorgeous adviser namin, late naman ako ngayon. L
8:10 na. I’m a certified late comer, tanggap ko yun. Well by the way, I’m happy with my school. We have convenient facilities and good teachers as well. The students are well-trained, but not all have the sense of morality. Some are social climbers, back biters, feeling high class, etc. Lahat naman siguro ng schools may ganun diba? Kaya okay nalang yun, atleast mahal ako ng mga tao dito. Except nalang siguro sa isang grupo dito sa pangunguna ng kanilang bruhang leader. Oopps! Sorry sa term. Hindi ko alam kung ano ang nandun sa grupong iyon ehh. Feeling nila they already conquered the whole campus! Palibhasa mga anak ng negosyante.
Papunta na sana ako ng classroom ko, III-A, ngunit natanaw ng aking mga mata si Pinky, ang kontrabida ng buhay ko. Let me correct it, kontrabida sa buhay namin. Nandun sya sa garden kasama ng isang lalaki, ang aga-aga, naglalandian! Ibang hunk na naman siguro ang pinag-lalaruan nya. Kawawang mga lalaki! Pagkatapos nyan, hihiwalayan nya. Hayyy naku!
Pero parang nakikialam na yata ako sa buhay nya. Makapasok na nga sa classroom.
*Blag!* na-out of balance ako and was about to fall down but a knight in shining armor saved me. Waaaaah!
^pikit ang mata, i-feel ang moment^
He hug me! Oh my! Sinusubsob ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. I guess my day will not be distasteful after this. Ang landi!
“Miss, okay ka lang?” wait, his voice sounds familiar. I slowly open my eyes and was shock to see him! Oh my! My prince charming turned into a terrible monster!