* FLASHBACK *
Nagsimula lahat sa tanong na " Will you be my girlfriend? " saktong Feb 14 noon valentines day.
Nasa eskwelahan ako nung mga oras bago niya itinanong saakin yan, maglalakad na sana ako paakyat ng aming classroom ng may nag takip ng aking mga mata gamit ang panyo sabay may familiar na boses na nagsabi " Wag kang sisilip. Sundan mo lang kami at aalalayan ka namin ".
Nung una hindi ko maintindihan ano ang nangyayari dahil bagong student lang ako sa esekwelahan na yon first time ko palang maka encounter ng mga BOOTHS, akala ko nahuli ako ng jail booth ( parang tanga diba jail booth tas naka blind fold ) syempre nakangiti ako habang walang nakita, sinundan ako ang 2 babaeng nag aalalay sakin ( oo alam kong babae kasi naramdaman ko at na bosesan ko ) dahan dahan kaming umakyat sa hagdan, muntik na ko matalisod pero naalalayan naman ako, bigla akong nakaramdam ng malamig kaya ramdam ko sa mga oras na ito ay nasa loob na kami ng classroom. Nakarinig ako ng love song kaya tawang tawa ako dahil hindi ko alam ang nangyayari.
Ginabayan ako ng nag aalalay sakin pa-upo at bumulong sakin ung nag aalalay sakin na babae " wag mo muna tatangalin un blind fold " tumango ako at nakinig naman sa sinabi. Lumipas ang ilan minuto at inip na inip na ako habang naka blind fold, habang nakaupo ako nag try akong kumapa, sakto pag kapa ko nakaramdam ako ng matigas, naisip ko na ito ay isang lamesa. maya maya may bumulong " Tanggalin mo na yung blind fold " pag tangal ko ng blindfold nakita ko siya nakaupo sa harap ko may hawak na bulaklak at chocolates - syempre gulat na gulat ako malay ko ba na may manliligaw sakin, diba nga sabi ko AKALA KO NAHULI AKO NG JAIL BOOTH HAHA TANGANG BATA anyway, sabay tanong " will you be my girlfriend " walang pasikot sikot sinagot ko agad siya " OO " sabay aka ng mahigpit sakanya.
DOON NAGSIMULA MAGING KAMI.
Masaya kami lahat ng bagay napag uusapan namin, nagkakilala, naging close and parents namin at naging bestfriend ko ang ate niya. Tinuring akong anak ng mommy at daddy niya. Everything went well and we were both so happy with eachother's company, sa lahat ng bagay kami ang magkasama. Takot kami ma walay sa isa't isa, pinangako namin na hindi kami mag bbreak at kami ang magsasama habang buhay.
Lumipas ang ilan taon at lahat ay biglang nag bago..............................
5 YEARS LATER :
Naglalakad ako kasama ang chix kong bestfriend na si Andie papuntang coffee shop biglang tanong ni Andie " Ella, ba't di pa kayo nag bbreak ni Ralph? Jusko di pa ba kayo nag sasawa sa isa't isa? "
Napatigil ako bago pumasok ng coffee shop at napaisip " Bakit nga ba " natulala ako ng saglit ng binatukan ako ni andie " HOY BABAE KA NATULALA KA NANAMAN KINAKAUSAP KITA JUSKO PUMASOK NA TAYO SA LOOB " naghanap ako ng upuan sa coffee shop habang nag oorder si Andie ng favorite kong Vanilla Latte nakatulala sa bintana iniisip parin yung tanong ni Andie "bakit hindi pa kami nag bbreak ".. Dumating na si Andie dala dala ang drinks na inorder ko at umupo na siya sa upuan sa harap ko, dahan dahan niyang ininom yung kape at bigla kong sinagot ang tanong niya " Kasi, ilan taon narin kami eh. Ang tagal na kasi " napahinto si andie sa pag sipsip ng kape at sinabi " So, naging basehan niyo nalang ang panahon kaya hindi pa kayo nag hihiwalay? " Sinagot ko " parang ganon na nga ". Biglang iniba ni Andie ang topic dahil, ayaw niya sa seryosong usapan nung araw na iyon kaya iba na ang pinagusapan namin.
Hinatid na ako ni Andie sa bahay ( rk na chix si andie eh may sariling kotse ). Nagpalit ako ng pang bahay sabay higa sa aking kwarto, mag babasa sana ako ng paborito kong libro sabay tumunog ang cellphone ko dahil may nag text.
Recieved.
From BABY <3
Ella, mag usap tayo bukas sa park
pagkatapos ng klase niyo
7/10/16 6:00pm
sabay nag reply ako.To BABY <3
May problema ba? Tungkol saan?
7/10/16 6:03PM
Sabay hindi na siya nag reply non.
Aantayin ko nalang na mag usap kami bukas kung ano man yon.
BINABASA MO ANG
Bakit tayo nag break? ( SHORT STORY)
RomanceMay mga taong dumarating sa ating buhay na hindi natin inaasahan, ngunit akala natin sila ay pang permanente pero, bakit sila lumilisan? Ang storyang ito ay base sa totoong karanasan na may halong kathang isip lang na pangyayari. medj slow update.