The next day....
Ella's POV
4:55 am at wala parin akong tulog, nakahiga parin ako sa kama nakikinig parin sa broken hearted songs. Wala naman akong ginawa buong magdamag kungdi, kumuha ng pagkain sa reff at mag emote sa kama ko.Pumunta ako sa guest room para i check si andie kung maayos ba siya na, tulog doon nakita ko naman na okay na okay naman siya at ang sarap ng sleep ng bestfriend ko infact humihilik pa siya buti pa siya ang sarap ng tulog samantalang ako 0 hours of sleep. Sinara ko ang pinto ng guest room at pumunta sa terrace ng kwarto ko, nakita kong pasikat na yung araw, sobrang na na adore ko yung sunset ang sarap tignan sa mata, looking at the sun made my mood light hearted in some ways, after the sunset pumasok na ako sa room ko then, bumaba sa kitchen at nagluto ng pancakes and omelette for breakfast namin ni andie then bumalik ako sa kwarto ko para ayusin yung bed ko.
7am na and nagising na si andie, " goodmorning, bb nakasleep ka ba? sabi sakin ni andie, " haha ako nakatulog? nakikita mo ba yung eyebags ko bakas yan ng pagpupuyat ", sabi ko. Inaya ko na kumain si andie ng breakfast then kumain na kami. After eating, nag shower si andie then nag paalam na sakin na aalis na siya dahil may flight si andie papuntang US mamayang gabi, hindi ko makikita ang bestfriend ko ng isang buwan dahil mag babakasyon siya sa states. Nag thankyou ako kasi sinamahan niya ako, ginoodluck ko siya sa flight niya at nag hug ng super mahigpit at sinabing " mag iingat ka ah! dont forget to video call pag andon ka na " pumasok na si andie sa car niya then nag drive na siya paalis. Sa mga oras na to ako nanaman mag isa at nalulungkot nanaman. Naglinis ako ng bahay, lahat ng bagay na kaya kong gawin para makalimot ginawa ko. Pero, nag ring yung phone ko
Baby <3 calling
Ni reject ko ang tawag ni Ralph at dinelete yung number niya. Maya maya tumawag ulit siya
Unknown calling
Hindi ko parin sinasagot. Hanggang sa naka ilan miss calls na siya. Pinatay ko na yung cellphone. Hindi ako handang kausapin siya he hurted me so much.
Naligo ako at nag bihis, maya maya kinuha ko yung box na punong puno ng mga regalo / sentimental things na galing kay Ralph, yung love letters, movie tickets from every movie we've watched, chocolate wrappers na pinagkaininan namin, bracelets na binigay niya sakin, kinuha ko rin from my closet yung mga tshirt na binigay niya sakin at tinupi at nilagay sa isang paper bag, sa box ng memories namin may nakita akong ring this was our promise ring na may naka in grave na " i love you always " syempre nag flash back sakin, binigay niya to sakin after 3years of being together, before niya isinuot to sa aking mga kamay he was on one bended knees ( na akala ko mag ppropose na siya ) syempre na shock ako, and he told me " Ella, this ring symbolizes my love for you na mahal kita araw araw hindi man forever dahil forever is impossible but a life time isn't, as long as nabubuhay tayo ikaw na ang mamahalin ko, aantayin ko yung araw na handa na tayo and i will make you my wife. Ella, i can never ask for anyone but you, ikaw lang ang babaeng nag papasaya parin saakin kahit gaano na tayo katagal, Tulad ng promise ko sayo dati hindi kita iiwan kahit anong mangyari. Hanggang ngayon mahal kita at mas mamahalin pa kita. " I found my self crying again, iniisip ko na ang dali para sakanya iwan ako, pagkatapos ng mga sinabi niya sakin at lahat ng pagsubok na na pagdaanan namin dati, he even gave me a promise ring and told me na ako na yung gusto niyang pakasalan, nasaktan ako dahil napako lang lahat ng mga pangako niya sakin.
The future that we built together is now over. He gave everything up so easily. Hindi ko maiwasan isipin na sisihin ang sarili ko, for everything. Siguro, kung inayos ko lang sarili ko hindi kami magkakaganito ni Ralph. Hindi sana siya nag sawa at nag hanap ng iba. Siguro kung hindi lang kami nanlamig at pinag patuloy ko parin ang effort, siguro kami pa. Siguro walang inah. Pero, hindi, parehas kaming talo sa laro ng pagibig.Ralph's Pov
Trinatry kong tawagan si Ella pero ni reject niya ang mga tawag ko, at after calling several times subscriber cannot be reached na siya. Gusto kong puntahan siya sa bahay niya pero alam ko na ipagtatabuyan niya lang ako, sana okay lang siya.
Tinawagan ko si inah dahil plano ko muna pumunta ng tagaytay para maclear ang utak ko na ako lang mag isa, gusto ko ayusin ung isip ko dahil, may halong guilt and desisyon ko dahil, mahal ko si Inah pero, minahal ko si Ella " Babe, ppunta muna ako ng tagaytay mag papahinga lang ako " sabi ko kay inah sa call, " Babe, bakit hindi ako kasama? kasar ka naman " sabi ni inah, " Babe ako naman muna please " sabi ko, " Okay babe. takecare ha, dont forget to update me. " sabi ni inah, nag impake ko ng gamit good for ilan days para sa tagaytay, may rest house kasi ang lolo ko doon kaya dun ko muna plano mag isip isip.
Tapos na ko mag impake, nakaligo at nakabihis na ko, ni lock ko ang pinto sa bahay, kinuha lahat ng inimpake kong gamit at nag drive ng kotse papuntang tagaytay.
After 2 hours, nakarating na ako sa rest house ng lolo ko sa tagaytay. Winelcome ako ni Mang Ronald ang tagapag alaga ng rest house ng aking lolo, " kamusta ka na iho matagal ka ng hindi nakabalik dito. " sabi ni Mang ronald sakin, " oo nga po mang ronald, masaya ako at nandito ako, aakyat lang muna ako sa kwarto ko at mag papahinga dahil pagod po ako " sabi ko, nginitian ako ni Mang Ronald at umakyat ako sa kwarto at humiga sa kama, tinawagan ko si iyah na asa tagaytay na ako. Sumapit na ang gabi 8pm na tinawag na ako ni Mang Ronald dahil,nilutuan ako ng asawa niya ng dinner, sinigang ang ulam, kumain ako pagtapos ay pumunta ako sa may pool area, umupo ako sa may bench at tumingin sa langit, kinuha ko ang cellphone ko at scrinoll up sa pinaka unang beses na nag usap kami ni Ella, binasa ko ang conversations namin kung pano kami mag usap. Napangiti ako. Tinignan ko rin ang mga litrato namin dalawa, ang saya talaga namin noon.
Pagtapos ng ilan saglit binura ko lahat ng litrato and ang buong paguusap namin. Hindi ko mapigilan isipin na napaka gag* kong lalaki para pakawalan siya, para ipagpalit siya sa iba. Hindi niya deserve maloko at masaktan. Pero, huli na ang lahat.
Inlove na inlove ako sakanya noon pero bakit bigla nalang naglaho ung feelings ko para kay ella ng parang bula. Dahil ba matagal na kami? Dahil ba kilala na namin ang isa't isa? kaya nag sawa na ko sakanya? Ano ba nangyari saakin? Saamin?
____________________________________________________
A/N
Hi guys! Sorry sa slow update ng story, busy lang kasi talaga with school hope you understand. Sorry kung hindi pa ako masyado organize mag story dahil first time ko palang mag write, hope you enjoyed reading part 7. Thankyou for supporting guys! ❤️
BINABASA MO ANG
Bakit tayo nag break? ( SHORT STORY)
RomanceMay mga taong dumarating sa ating buhay na hindi natin inaasahan, ngunit akala natin sila ay pang permanente pero, bakit sila lumilisan? Ang storyang ito ay base sa totoong karanasan na may halong kathang isip lang na pangyayari. medj slow update.