Part 4: effort

54 1 0
                                    

Ella's POV
Ang sarap matulog! Ikaw ba naman magising ka ng 12 ng madaling araw at nag eemote di ka ba matutuwa na nakabawi ka ng tulog. Iba ang energy ko today, kung gabi nag eemmote ako nag ddrama at napaisip kung anong nangyari samin dalawa ni ralph. Napaisip ako na hindi ko kaya ng wala siya.  pagtapos kong tignan ang mga litrato namin ni Ralph ginanahan akong mag effort at puntahan siya sa condo niya sa manila. Bakit? Dahil sa mga pictures namin na nakita ko at yung sulat na galing sakanya nabuhayan ang loob ko na magpakita at bisitahin ang baby ko isang linggo na kaming hindi nagkikita ganon siya naging ka busy. Kaya sa surprise visit ko sakanya mamaya plano kong gumawa ng graham cake na favorite na favorite ni Ralph. Naisip ko since mag uusap rin naman daw kami eh bakit hindi nalang ako pumunta tutal ganon rin yon. Sunday ngayon kaya sigurado akong walang pasok o lakad yon ngayon, kabiasado ko kaya schedule non. Nag drama man ako kagabi at nagtanong pero naisip ko na mas maganda siguro gumawa ako ng hakbang para maiparamdam sakanya na mahal ko parin siya kahit hindi ko na alam kung ano ang nangyari at nanlamig na siya sa relasyon namin. Bipolar ata ako kung ano kasi kina drama ko kahapon yun naman ang ikinasaya ko ngayon.

Pumasok ako ng banyo, naligo at nagsipilyo pagtapos nagsuot ng bra, panty ( baka kasi sabihin niyo di ako nag dadamit panloob ha ) tshirt at shorts.
Kinuha ko ang cellphone at tinext ko si Ralph dahil bihira narin ang communication namin kaya syemrpre babawi muna ako

To Baby ❤️
Goodmorning baby! Happy sunday! Magkikita pala tayo mamaya diba can't wait.
Sent
Alam kong tulog pa si ralph kaya hindi ako nag eexpect ng reply.
Kaya inilapag ko ang cellphone sa lamesa at pumasok ng kitchen, kinalkal ang bawat drawer para sa ingredients sa pag gawa ng graham cake, ngayon completo na ang mga ingredients sisimulan ko na ang pag gawa ng graham cake.
Pagtapos pagsama samahin ang ingredients inilagay ko na ang graham cake sa freezer at pinalamig ko na. Tulad niya, ang lamig na niya sakin. Dejk hugot yon.

after 1 hour
oh yess! Ready na ang graham cake. Nako magugustuhan to ni Ralph. Yie ang saya magugulat yon mag eeffort ulit ako hihi. Ang sarap pala mag effort ulit. Can't wait to surprise him!
Nag vibrate ang phone ko dahil nagreply na siya.
From Baby ❤️
Uhmmm. Morning? Ngayon ka lang ulit nag text ng ganito. Ano meron?

To Baby ❤️
Wala lang. Sige see you later boyfriend! Namiss kita. Nga pala wag ka na aalis diyan sa condo mo ha.
Sent
From Baby ❤️
Ha? Sa mall tayo mag uusap pala mamaya.

To Baby ❤️
Bakit sa mall pa? Dyan nalang sainyo! Ano oras mo ba plano umalis?
Sent

Bakit tayo nag break? ( SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon